FL46-Untitled

6.4K 132 10
                                    

Benjamin's POV

“Sandali babe.Magpapaalam lang ako kay Kimberly at Ashton.” kumawala siya sa pagkakahawak ko sa kanya. “Hindi ako mawawala sa iyo.” natatawa niyang dugtong ng mapansin niya ang pagkabahala sa mukha ko.Damn it! Pero natatakot akong mapaghiwalay kami.

Nagmamadali kasi ako dahil baka maabutan pa kami ng sari-sarili naming pamilya.

“Oh akala ko magtatanan na lang kayo na hindi nagpapaalam sa amin.” nakataas ang kilay na saad ng babaing kakalabas pa lamang.

Napatitig ako dito.Kung hindi ako nagkakamali ito 'yong Kimberly.Kasunod nito ang pinagseselosan kong Ashton noon.

“Kim,Ashton.” lumapit sa kanila si Jychel na sinundan ko naman.Hindi nga ako nagkamali.

Napakunot-noo ako ng mapansin ko ang mukha ng Kimberly na ito.Naalala ko na.Siya itong babaing tumulong sa akin sa New York noon.At siya din itong bumati sa akin sa labas ng network namin.

“Hi!” tipid na bati ko sa kanila kasabay ng pag-gagap ko ng kamay ni Jychel.Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.Pakiramdam ko,sa mga tingin ni Ashton kay Jychel ay may gusto ito sa kanya.At nababasa ko rin na nasasaktan siya dahil ako ang mahal ng babaing mahal niya.Lalaki din ako.Kaya alam ko ang kanyang kilos at ekspresyon ng mukha.

“Babe, this is Ashton and...” pinakilala niya sa akin ang nasabing lalaki at pagkatapos ay lumingon siya kay Kimberly. “...this is Kimberly.”

“Nice meeting you pare.” nakipagkamay muna ako kay Ashton. “And you too Kimberly.”

“Asus!Nagkakilala na tayo 'di ba?” natatawa niyang tanong at saka pinaikot ang mga mata.Si Jychel naman ay naka-kunot lang ang noo na para bang nag-iisip kung paano kami nagkakilala.

“Oh yeah.” maiksi kong sagot. “Sa labas ng network,right?” pagkumpirma ko na siya namang pagkangiti niya ng matamis.

“Halika na nga!” nagulat ako ng biglang hablutin ni Ashton ang kamay ni Kimberly.Pati si Jychel ay nagulat din sa inakto ng lalaki. “Pasok ka na.” dugtong pa nito.Kaya nagkatinginan na lang kami ni Jychel Mae.Hindi ko alam kung anong meron sa dalawang ito.

“At saka sa New York.Ikaw din ang tumulong sa akin 'di ba?” pahabol ko ng maalala iyon na siya namang ikinagitla ng dalawa —si Ashton at Jychel.Kaya napahinto sila saglit.

Lumapit ulit si Kimberly sa kinaroroonan namin ni Jychel.

“Naalala mo?Nakilala mo ako?” manghang tanong niya.

“Yeah.” tipid kong sagot. “Thanks.” dugtong ko pa.

“Anong ibig niyong sabihin?” biglang singit ni Jychel. “Nagkita kayo doon?”

Sabay kaming napatango ni Kimberly na siya namang biglang pag-iba ng ekspresyon ng mukha niya.

“Kailan?” muli niyang usisa.

“Sorry Jy.Hindi ko na sinabi sa iyo noon dahil alam kong nasasaktan ka pa.At galit din ako sa taong ito.Kaya gusto kong turuan siya ng leksyon.Pero mali pala ako.Sana noon pa,sinabi ko na sa 'yo para alam mong mahal ka niya talaga.Na hinabol ka niya.Na sinundan ka niya dahil mahal ka niya.” paliwanag kaagad ni Kimberly.

“Kim naman,alam mo kung gaano ako umasa noon na susundan niya ako 'di ba?P-pero bakit hindi mo sinabi sa akin?Hinayaan mo akong masaktan sa mahabang panahon.H-hinayaan mo na iisipin kong...” napasuklay siya sa buhok niya at biglang tumulo ang mga luha niya. “...h-hindi na niya ako mahal...” dugtong niya.Agad kong pinisil ang palad niya dahil hindi ko mapagtanto kung galit ba siya o nanghihinayang sa mga panahong lumipas.

Forbidden Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon