FL32- Jar Of Hearts

6.8K 160 5
                                    

'Jar Of Hearts' - from Christina Perri

--------------------

Jychel's POV

Inalalayan ako ni Benjamin papasok sa Japanese restaurant na ito.

And who do you think you are...
Running around leaving scars...

Ito kaagad ang bumungad sa aming tugtog.Awitin mula kay Christina Perri.Isa sa mga paborito kong awit niya.At sa tuwing maririnig ko ang kantang ito,di ko maiwasang si Benjamin kaagad ang maalala ko.

Sinulyapan ko siya na tahimik lang habang iginagaya kami ng waitress sa bakanteng table.

Collecting your jar of hearts...
And tearing love apart...

Huminga ako ng malalim.Sadyang mapanukso ang awit na ito.Nasasaktan pa rin ako.Yun bang narito na nga si Benjamin sa tabi ko,pero di ko maiwasan na pigilan ang emosyon.

You're gonna catch a cold...
From the ice inside your soul...

Malungkot niya akong tiningnan pagkatapos niya akong ipaghila ng upuan.Inalalayan niya rin ako na makaupo.Kaya di maiwasan na dumampi ang kamay niya sa balat ko.Pakiramdam ko,nagsitayuan ang mga balahibo ko.

So don't come back for me...
Who do you think you are?...

Nagtama ang mga mata namin.Yun bang kahit sa mga mata lang ay nag-uusap kami sa pamamagitan ng kanta.

Dear it took so long just to feel alright...
Remember how to put back the light in my eyes...
I wish I had missed the first time that we kissed...
'Cause you broke all your promises...

Napa-angat ang mukha ko sa kanya.Ewan ko ba,parang natatamaan talaga ako ng awiting ito.Iniwas ko ang tingin sa kanya ng magkasalubong na naman ang mga mata namin.

Nag-order na siya.At ako naman ay kunwaring tumingin sa phone ko.

"What's yours?" Tanong niya na ang tinutukoy ay ang o-orderin ko.Napalingon naman ako dahil nagsalita siya.

"Ha?Ah...sushi and miso soup na lang." Baling ko sa waitress.

"That's all ma'am,sir?" Tanong pa ng waitress.

"Yeah." Sabay naming sagot ni Benjamin. Nagkatitigan pa kami saglit.

Ganito na lang ba ang gagawin namin dito,ang magkatitigan?

"Ano pa ba ang dapat nating pag-usapan Benjamin?" Basag ko sa katahimikan pagkadating ng order namin.

Umangat siya ng ulo at seryosong tumingin sa akin.Naiilang talaga ako sa mga titig niya.Ang mga titig niyang nakakapaso at parang may gustong iparating sa akin.

"Ano,magtitigan na lang ba tayo?" Mataray kong tanong sa kanya. "Dahil kung wala ka man lang sasabihin,aalis na lang ako.You're just waisting my time." Dugtong ko pa.

"May balak ka pa bang bumalik ng New York,Jychel?" Tanong niya sa akin na nasa pagkain ang atensyon.Hindi nga niya pinansin ang mga pagtataray ko sa kanya.

Forbidden Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon