FL38-Making Love

8.2K 170 13
                                    

Jychel's POV

"How are you Mrs.Olivarez?"

Nagulat ako ng may biglang nagsalita sa likuran namin ni lala.Kasama ko kasi siya ngayon sa mall dahil naglalambing.Kesyo daw wala na akong time sa kanya.Kesyo daw may boyfriend na ako kaya di ko na siya naalala.Kaya heto.Pinayagang ko na siya.Pinagpaliban ko na lang ang date namin ni Benjamin.Mabuti naman dahil naiintindihan niya ako.

Napalingon kami ng sabay ni lala sa nagsalita na pamilyar sa akin.

"Long time no see Mrs.Olivarez.Nice to see you again." Isang nakaka-insultong tingin ang pinakawalan niya sa kay lala.

Kinabahan ako.Magkakilala nga sila ng mommy ni Benjamin. Oh yes,mom niya ang babaing ito.

"Alam mong hindi ako natutuwa na nag-krus ulit ang landas natin Mrs.Villafuente." sagot ni lala na diniinan pa ang pagbanggit ng apelyedo.

Naramdaman ko ang tensyon sa pagitan nila.

"Exactly Mrs.Olivarez.Pero small world nga 'ika nila.So paano?Wala tayong magagawa." Kumibot pa ang dulo ng labi niya.

"Ayokong maglaan ng oras sa walang kwenta Mrs.Villafuente.Kaya excuse us." Hinila ni lala ang kamay ko at naglakad na kami.

"Ayoko sa apo mo para sa anak ko!" Pahabol pa ng mom ni Benjamin kaya napatigil kami sa paglalakad.

Pakiramdam ko,naiihi ako.Paano ba naman baka makahanap pa ng away si lala ng dahil lang sa akin.

Aaminin ko,nasaktan ako sa narinig ko mula sa mommy ni Benjamin kahit pa alam ko naman na ito.

Bumalik si lala sa kinaroroonan ng mommy ni Benjamin.

"Lala please,wag mo na po siyang pansinin." Sinubukan ko siyang pigilan pero hindi ako pinakinggan.

"Good.Dahil kung a...yaw mo sa apo ko para sa anak mo,owes,mas ayaw ko sa anak mo para sa apo ko." May mga pagdidiin ang bawat kataga ni lala.

"Then, wala na tayong dapat problemahin.Kaya pagsabihan mo ang apo mo o de kaya'y ilayo sa anak ko." Isang masamang tingin ang pinukol sa akin ng mommy ni Benjamin.Napayuko na lang ako.Siguro kung hindi lang ito mommy ng lalaking mahal ko,baka pinatulan ko na ito.

"Ang anak mo ang pagsabihan mo." Inis na sagot ni lala rito.Ngumisi lang ang mom ni Benjamin at salitan kaming tinitigan nito ni lala ng nakaka-insulto.

Dahil hindi ko kinaya,hinila ko na si lala habang nakapag-timpi pa ako.Gusto ko kahit ganito ang ipinakita ng mom ni Benjamin sa akin,bigyan ko pa rin siya ng respeto.

"Bumalik ka na lang ng New York Jychel Mae." Pukaw ni lala sa malalim na pag-iisi ko habang lulan na kami ng kotse pauwi.

Nanlaki ang mga mata ko sa pagka-gulat.

"No,I won't lala!" Protesta ko.

"You have to iha,please." Hindi ito pakiusap kundi isang utos.

"Sorry lala.Pero ayoko." Sagot ko.

"Sa ayaw at sa gusto mo Jychel.Ibabalik kita doon!" Napataas ang boses niya.Ngayon lang yata ako tinaasan ng boses ni lala ng ganito.

"Pero lala,naka-pagpatayo na ako dito ng busin-"

"End of discussion Jychel." Putol niya sa sasabihin ko.

Wala akong nagawa kundi ang nanahimik habang nagngi-ngitngit ang kalooban.Bakit ba ayaw nilang lahat?Gusto ko pa sanang tanungin si lala pero naka-pikit na ito at napapahilot sa may sentido.

Idadahilan ko pa sana ang pinatayo kong business dito na boutique sa kanya pero wala din palang silbi.

Nakarating ako sa condo unit ko matapos akong ihatid ni lala dito.Mabuti nga dahil hindi pa niya alam na pumupunta si Benjamin dito.

Nagulat pa ako pagdating ko sa sala.Nandito si Benjamin at tulog na tulog sa sofa.Siguro nakatulog sa paghihintay sa akin.Binigyan ko naman kasi siya ng susi nito.Kaya nakaka-pasok siya.

Ingat na ingat akong lumapit sa kanya.Pagkarating ko sa kinaroroonan niya ay napapa-ngiti ako.Ang gwapo kasi talaga ng lalaking mahal ko.

Napluhod ako at tinitigan ang kabuan niya habang mahimbing na natutulog.Lalo kasing nakaka-inlab habang tinititigan ko.Bumibilis din ang pagtibok ng puso ko.

Gusto ko siyang haplusin sa makinis niyang mukha na natutubuan na ng kaunting bigote.Pero lalo siyang naging hot tingnan na sa kaunting bigote niya.

Dumako ang tingin ko sa mapupula niyang mga labi.DamnShit!Natutukso akong nakawan siya ng halik.

Nagpatuloy pa sa paglakbay ang mga mata ko hanggang sa dumako ito banda sa tiyan niya.Oh yes,kahit may damit pa siya,nakikita pa rin ang abs niya.Bumabakat kasi naka-t-shirt lang siya na white at naka-suot ng maong na short.Kaya ayun tuloy,dumako ang paningin ko sa banda doon. Sa alam niyo na.

Napangiti ako sa naiisip ng utak ko.Ano kaya ang hitsura niyan?Alam kong may kalakihan ito kasi nga malaking tao si Benjamin.At kung minsan napapansin ko ito lalo na kapag yakapin niya ako mula sa likuran.Naramdaman ko ang matigas na bagay na iyon sa may likuran ko.

At hindi ko mai-imagine kung paano kaya kapag ina-angkin ako ni Benjamin?

Shit naman oh.Ano ba itong mga naiisip ko?Ang dumi ng utak ko.Kaysa kung anu-ano ang naiisip ko,ibinalik ko na lang ang paningin sa mga labi niya.

Dahan-dahan kong idinikit ang mukha ko sa mukha niya.Sinuklay-suklay ko pa ang buhok niya ng mga daliri ko.

Hay naku Benjamin, sobrang mahal kita.At hanggang ngayon,hindi pa rin ako maka-paniwala na akin ka na muli.

"I love you babe." Bulong ko sa tainga niya ng hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko para sa kanya.Gusto ko kahit tulog siya ay maipaparating ko sa kanya na mahal ko siya.

Mahimbing talaga ang tulog niya dahil hindi niya narinig ang bulong ko.

Inilipat ko ang mga labi ko sa may mga labi niya at masuyo ko siyang hinalikan.Pero nagulat ako ng tumugon siya sa mga halik ko at niyakap pa ako.Kaya nakadapa ako ngayon sa ibabaw niya.

Patuloy pa rin ang halikan namin.Wala akong ibang naririnig kundi ang kalabog ng mga puso namin at ang mga tunog ng halikan namin.May mga impit din kaming ungol na pinapa-kawalan.

Pakiramdam ko nga,sa halikan naming ito ay ngayon lang kami nagkita ulit.At heto na naman ang nakakapasong nararamdaman ko.Ang init ng katawan ko na para bang nagmula din sa katawan niya.

"Hmmm..." Hindi ko mapigilan ang pakawalan ang pag-ungol.Kaya parang ginanahan yata siya lalo.

Mabilis niyang pinalitan ang posisyon namin.At ngayon,he's at the top of me.Siya na ang nasa ibabaw ko.Medyo malaki din kasi ang sofa kaya mabilis niyang naipalit ang posisyon namin.

"I love you babe..." Paanas niyang saad nang maghiwalay ang mga labi namin.

Sasagutin pa sana ako pero sakop niya na ulit ang mga labi ko.

Gumapang ang mga kamay niya pababa ng pababa sa katawan ko habang hindi humihiwalay ang mga labi niya sa mga labi ko.Kaya natangaybna rin ako at hindi ko na alam kung saan pa ako papaling ng ulo ko.

Naramdam ko rin ang matigas na bagay na bumubundol sa may puson ko kahit pa naka-short pa siya.

Shit!Parang di ko na yata kayang kontrolin ang sarili ko.At parang hindi ko na yata kayang tanggihan si Benjamin this time.Lalo na ngayon,dahil katawan ko na mismo ang nangangailangan sa kanya.

------------------------------------

A/N: Haha.Palagay niyo,BS na kaya ang kasunod?Well,gudluck sa akin.Ahahaha!

Unedited
Not Reviewed

Forbidden Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon