FL1-Hello

29.1K 392 23
                                    

"Hello" -ay isang awit mula kay Lionel Ritchie.

Jychel's POV

Olivarez School of Business.

Napasinghap ako ng mabasa ang pangalan ng school na ito.Angkan ng mayayaman ang nagmamay-ari nito. At isa ito sa pagmamay-ari ng ama ko.

"Yow miss Olivarez.If you don't mind,can I sit beside you." Pukaw ng isang tinig na ayaw kong marinig.Ang kapal kasi eh.

"The hell I care!Then sit." Inis na binalingan ko ito.

"Whoa!Chillax!Galit agad eh." Nakataas pa ang mga kamay niya.

"By the way,I'm Benjamin Villafuente.At your service ma'am." Naglahad siya ng kamay sa akin ngunit tiningnan ko lang ito.

"Do you have an alzheimer Mr.Villafuente?For pete's sake.How many times do you need to introduce yourself to me?" Nakataas na kilay na angil ko sa kanya.

Isang linggo na kaya ako sa school na ito.Yes,transferee ako rito. Galing kasi ako sa New York.Kung di ako sana pinilit ng ama ko na umuwi,never na uuwi ako ng Pilipinas.

Seven years old pa lang ay nasa America na ako.Seven years old pa lang ako ay inilayo na nila ako sa bansang sinilangan ko.

At ngayon kung kailan na kailangan na ako rito at saka niya ako pepwersahing umuwi ng bansang ito.

Ilang taon akong nag-iisa dun?

"Akala ko kasi nalimutan mo na kaagad ang kagwapuhan ko?" Nakangisi na sabi niya.Ito lang naman ang unang taong nangungulit dito sa school na ito. Iisang course lang kasi kami at magka-klase pa.Business management ang kurso namin.

"Ang kapal mo rin ano? Pwede bang umalis ka na sa harapan ko.I don't want to see your f*cking face.Now,leave." Utos ko sa kanya. Nakaupo kasi ako dito sa bench na nasa ilalim ng punongkahoy. Ganyan ako eh.Sabihin ko ang gustong sabihin.Wala akong pakialam kung sino ka man.

Ako lang naman si Jychel Mae Olivarez.19 years old.Kaya ganito ang pag-uugali ko dahil namuhay ako na walang magulang na nag-aalaga.Nagkaroon ako ng sariling pag-iisip na nag-iisa.Ipinatapon ako ng ama ko sa lugar na kung saan, ako lang ang nag-aalaga ng sarili ko.

Anak daw ako ng mayor.Pero di ko ramdam na kahit kailan ay tinuring niya akong anak.

"Wow!Yan ba ang itinuturo ng school na pinanggalingan mo sa mga studyante? Ang mag-mura?" Nakangisi na tanong niya.

"Paki-alam mo ba,ha?!" Inis na inis na talaga ako.

"Tsk!Alam mo, kahit mukhang tisay ka,ang galing mong managalog.Kaya di halatang galing ka ng ibang bansa." Binalewala niya ang sinabi ko.Ito kasi ang palaging napapansin nila. Ang pananagalog ko daw.

Kahit naman kasi nasa New York ako ay mga Pilipino pa rin ang mga naging kaibigan ko doon.At sila din ang nagtuturo sa akin na managalog.Actually, dalawa lang naman ang kaibigan ko doon.

Inirapan ko na lamang siya. Kasi pag-sumagot pa ako ay sigurado akong hahaba pa ang usapan namin.

"Sana man lang kahit mag-hello ka lang sa akin.Pero wala eh.Saksakan ka ng kasungitan." Dugtong pa niya.

Tumayo na ako.Talagang inu-ubos na kasi ng lalaking ito ang pasensiya ko.

Isang linggo na ako rito sa school pero wala pa akong mga kaibigan.At wala akong balak na magkaroon ng kaibigan.Sanay na ako na mag-isa. Kaya mabubuhay naman yata ako.

"Wait,tanong ko lang." Pigil niya sa akin.Tiningnan ko lang siya ng masama. "Kaanu-ano mo pala si mayor Olivarez?" Kaya lalong tumaas ang kilay ko.Parang babae kasi kung makapang-usisa.

"Hindi ko siya kilala." Sagot ko.Hindi kasi alam ng mga studyante rito na anak niya ako.Tanging ang mga staff lang ng school na ito. Ayoko kasing makilala ng mga studyante na ako ang nag-iisang anak ni Mayor.Kinausap ko noon ang dean bago pa ako pumasok rito. Binantaan ko na walang dapat na nakaka-alam.Ang sama ko di ba?

Oo, masama talaga ako dahil nandito lahat sa puso ko ang galit sa mundo.

Humakbang na ako palayo sa kanya ngunit sumusunod pala siya sa akin.

"How about Arthur Romero?Yung ka-klase din natin. Olivarez din kasi ang middle initial niya.Pamangkin siya ni Mayor." Habol na tanong niya.

Tiningnan ko siya ng masama bago sumagot. "I don't know him either." Sagot ko.Yes,Arthur is my cousin. Pero para ano pa na sasabihin ko yan sa mga taga-rito?Di nga kami nag-uusap nun.

Sanay ako na walang kinilalang kamag-anak.At nagsimula ang lahat ng iyon dahil sa isang aksidente na dapat ang ama ko ang sisihin.

"Ahhh." Sagot niya at Kumamot pa ng ulo.

Binilisan ko ang paglakad patungo sa classroom pero humahabol pa rin siya sa akin.Mabilis akong nakarating sa classroom at agad na naupo.At laking gulat ko ng umupo din siya sa tabi ko.

DamnShit!

Tingnan ko siya at nagtama ang mga mata namin.

Sa totoo lang,ang gwapo niya.Ang tangos ng ilong at parang may halong Pakistani ba? Pero wala akong pakialam kung gwapo man siya.Never!Never na hahanga ako.

--------------------------------

Benjamin's POV

Habang tumatagal ay lalo akong napapahanga sa bagong kaklase namin. Takte!Tinamaan yata ako ni kupido.

Ako lang naman si Benjamin Villafuente.19 years old.Ako lang naman ang kilabot ng mga kababaihan rito sa campus.At siyempre, pati sina Arthur Romero at Jacob Samonte.Tatlo kaming magbabarkada.Si Arthur ay boyfriend ng kapatid ko kaya medyo seryoso siya.

Sinulyapan ko ulit ang babaing katabi ko.Palagi ko na lang itong sinusundan.Lahat na yata ng pagpapansin ay nagawa ko na kaso parang pasan naman nito ang daigdig.Ubod ng sungit. Pero hindi ako susuko hanggat di umiksi ang sungay niya.

Noong una akala namin ay di ito marunong managalog kasi laking New York nga. Pero nagulat na lang kami na ang galing niya magsalita ng tagalog.

Palagi din siyang nag-iisa.Kaya ang sarap samahan.Di naman kasi siya nakikipag-kaibigan.May sariling mundo ito.

Pinasadahan ko ang kaanyuan niya.Tisay talaga siya, ang gaganda ng mga labi na parang naka-pout, ang mga mata niya medyo bilugan pero bagay naman sa mukha niya.Ang kinis ng balat na namumula-mula pa.She looked so fresh.Ang katawan niya ay maganda din ang hubog.

Kaya hindi pwedeng hindi ka umamo sa akin Jychel Mae Olivarez.

Forbidden Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon