FL25-The Weakness In Me

6.7K 193 3
                                    

'The Weakness in Me' from Kiesha White

And if I have a lover...
Who loves me...
How could I break such a heart...
You could still get my attention...
Right from the start...

Why do you come here...
When you know I've got trouble enough...

Some kind of unknowing fool...
You make me stay...
When I should not...
Are you so strong...
Or is the weakness in me...

Jychel's POV

"Benjamin!" Parang bigla akong nanigas sa kina-u-upuan ko ng sabay-sabay na banggitin ng mga ito ang pangalan ng taong ayokong makita.Ang lakas ng kabog ng dib-dib ko.

Dahan-dahan akong lumingon at siya nga.Biglang nag-hurementado ang puso ko.Gusto kong maluha.Bigla kasing nag-flashback ang lahat ng nakaraan namin.

Nag-batian ang lahat maliban sa akin at kay Arthur na nanatili lang sa pwesto namin.Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanila ni Benjamin. Marahil may di pagkaka-unawaan ang mga ito ayun sa naging ekspresyon ng mukha ni Arthur ng makita si Benjamin na matalik niyang kaibigan noon.

Bahagya siyang napatigil ng magtama ang mga mata namin.Pupunta kasi siya sa pwesto namin dito nina Catherine at Arthur.May dalawang bakante pa kasi ang upuan.At dalawa lang ang mapag-pilian.Either u-upo siya sa tabi ko o sa kay Catherine.

Napasinghap ako ng lihim.Maiksi lang ang pagtama ng mga mata namin at saka nag-patuloy na siya.Abot-abot ang kaba ko dahil sa iisiping sa tabi ko siya u-upo.Pero bigo ako.Doon siya na-upo sa tabi ni Catherine.Biglang may kung anong tumusok sa puso ko ng hindi niya man lang ako pinansin.

Umayos ka Jychel.Ano pa ba ang aasahan mo?

Di ko talaga maiwasan ang masaktan.Akala ko kapag mag-krus ulit ang landas namin,mabawasan na ang sakit.Pero bakit parang lalong nasasaktan ako sa di niya pag-pansin sa akin.Para akong invisible sa tingin niya.

"Hi Cath." Nakangiting bati nito sa girlfriend ni Arthur.Nangunot ang noo ko.Magka-kilala sila ni Catherine?

"Hello." Tipid din na sagot ni Catherine sa kanya at itinuon na ang tingin kay Arthur.

Napansin ko rin na matigas lang ang mukha ni Arthur.Ako naman ay nilakumos ang dulo ng suot kong dress sa ilalim ng mesa para di nila mahalata.Dito ko kasi inilabas ang kabang nararamdaman ko.At hindi lang kaba ang nararamdaman ko kundi selos.

Selos?

Oh yes.Selos nga.Kasi kahit ngiti,hindi niya nagawa sa akin.Sa halip,blangko lang siyang napatingin kanina sa akin.Yun bang di ko mabasa ang tumatakbo sa isipan niya.

Siguro,nanaisin ko pa na magkaroon siya ng kung anong ekspresyon ng makita ako o di kaya kahit man lang sana tiningnan niya ako ng masama.Para kahit papaano,alam kong natatandaan niya ako.Pero 'yong ganito na para bang ni minsan hindi niya ako nakilala.Na para bang wala kaming nakaraan.Ito ang mas masakit.Halos tumagos sa puso ko ang kirot.

Forbidden Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon