FL52-Where Are You Now

5.9K 128 0
                                    

Jychel's POV

“A-ano?P-pakiulit nga...” sa nanginginig kong boses na saad ko.Gusto ko lang makasiguro na hindi lang ako nabibingi o hindi lang ako pinaglaruan ng imahinasyon ko.

“Iha...” umupo siya sa kama at saka ginagap ang kamay ko.Hinayaan ko na lamang siya.At sa pagkakahawak niya sa kamay ko ay ramdam ko ang mga panahong gusto kong maranasan na mayroong ina. “... Benjamin is not my son...” nakangiti niyang saad.At pagkatapos n'on ay hinaplos niya ang mukha ko.Halata sa mga mata niya ang labis na pangungulila.

“A-ano?...” ang tanging saad ko.Wala kasi akong mahagilap na kataga upang sabihin dito.Paanong hindi niya naging anak si Benjamin?

“Yes anak...” masaya niyang sagot sa tanong ko.

“P-paano?” tanong ko.

Si daddy ay nakatayo pa rin habang naluluha na tinitingnan kami ng totoo kong ina.

“Ampon ko si Benjamin.” simula niya. “At dahil ako na ang nagpalaki sa batang iyon,itinuring ko siyang tunay na anak at inilihim sa kanya ang totoo.Nangungulila kasi ako noon sa iyo.” pumatak ang mga luha niya. “At si Krizza,totoong kapatid niya iyon.” dugtong pa nito. “I missed you anak.Hindi mo lang alam kung gaano ako nasaktan sa pagkawala mo noon.A-akala ko kasi totoong wala ka na eh...” humikbi siya at kasabay noon ay niyakap niya ako.

“A-alam na ba ni Benjamin ang totoo ngayon?Na hindi kami tunay na magkapatid?” nabuhayan ako ng pag-asa.Ang kaninang sakit na naramdaman ko ay biglang nabawasan.Gusto kong magdiwang.Gusto kong sumigaw at magpapasalamat kay Lord dahil ang bait Niya sa akin.

Marahang tumango ang ina ko. “Sinabi ko sa kanya bago ako pumunta dito.Baka kasi magpakamatay na 'yon eh.” nakangiti siya kahit may mga luha pa sa mga mata niya.

“Eh n-nasaan na siya?” excited na tanong ko.Gusto ko na siyang makita.Gusto kong sabihin sa kanya na buntis ako.Na dinadala ko ang magiging anak namin.Sigurado akong matutuwa iyon ng sobra.

“Pupuntahan ka n'on.Inaayos lang ang kanyang sarili.Mahal ka niya ng sobra anak.Kaya nagagawa niya akong labagin kasi mahal na mahal ka n'on.” seryosong kwento nito sa akin na para bang pinagsisihan niya na ang ginawang pagtutol noon sa relasyon namin. “Hindi ka niya sinukuan noon nung panahon na pumunta ka na ng America.” patuloy niya. “Akala ko nga noon magpapakamatay na ang taong iyon.Sobrang nawasak ang buhay niya.” huminga siya ng malalim.

Napaiyak na ako.Alam ko ang lahat ng iyon.At alam ko na rin na sinundan niya ako doon.

God!Gusto ko na siyang makita at mayakap.

“Salamat po.Alam ko na ang mga bagay na iyon t-tita...” alanganin kong saad.Hindi ko kasi alam ngayon kung ano na ang itatawag ko sa kanya.

“Mommy anak.Mommy.” pagtatama niya. “Tawagin mo na akong mommy,okay?”

“Okay po m-mommy...” kahit alanganin ay binanggit ko pa rin.Kaya lalo siyang umiyak. “P-pero paano po kayo nakakasiguro na tunay niyo nga akong anak?” pagkuwa'y tanong ko.Bigla ko kasing naisip.Ni hindi man lang ako pina-DNA.

“Kailangan ko pa bang magduda na hindi kita anak,ha my princess?Tingnan mo,malaki ang pagkakahawig natin na hindi ko napansin noon.” malungkot na wika niya. “Alam mo anak,kahit galit ako sa iyo noon dahil nalaman kong anak ka ni Reynaldo...” nilingon niya ang daddy ko na parang na-estatwa na sa kinatatayuan nito. “... pero,may isang bahagi pa rin ng katawan ko ang nagsasabing hindi ako dapat magalit sa iyo...at higit sa lahat,ramdam ko dito...” iginaya niya ang kamay ko papunta sa dibdib niya. “...ramdam ka ng puso ko.Ramdam ka nito na may bahagi ka dito...” madamdamin niyang sabi.

Forbidden Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon