FL2-Find Yourself

15.5K 364 28
                                    

"Find Yourself" is a song from the country singer Brad Paisley. I really like his song and his voice.

Jychel's POV
"Mom no!Don't do it.I love you mom!" At isang putok ng baril ang narinig ng batang babae at nasaksihan kung saan ipinutok ito.

"No,no,no!This can't be.Don't leave me mom!Please!" Agad akong napabangon.Napasigaw pala ako.That dream!...it makes my life so hard.

Napansin ko na lang na luhaan na naman pala ako.Pawis na pawis din kasi nakalimutan kong I-on pala ang aircon.

Tiningnan ko ang oras. Alas onse na pala ng gabi.

Hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin ang mga pangyayaring iyon.Hanggang ngayon ay ako pa rin ang nagdurusa.Hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako ng konsensiya ko na wala akong nagawa para pigilan siya.Ako ang nako-konsensiya na dapat ay sa ama ko iyon.

I hate him so much.Sa tuwing matutulog ako ay natatakot ako,natatakot ako na baka magkakaroon na naman ako ng nightmare. Nightmare na habang buhay ko yatang dadalhin.

Ini-on ko na ang aircon at pinilit na maka-tulog ulit.

Kinabukasan...

"Mag-breakfast ka muna iha." Ang boses ng isang tao na ayokong marinig.At yan ay ang ama ko.

"No thank you.I'm not hungry yet." Walang ganang sagot ko. I'm not hungry yet dahil nakikita ko na naman ang pagmumukha mo! Sa isip ko.Napansin ko pang malungkot siyang tumingin sa akin at napabuntong-hininga.

"Ipapahatid na lang kita sa drive -"

"I know how to drive.Don't bother anymore." Putol ko sa sasabihin niya at agad na tumalikod ng walang paalam.

Bastos talaga ako sa ama ko.Ang ama ko na dahilan ng pagka-miserable ng buhay ko ngayon.

Tatlo lang kami rito sa bahay.Kami ni Lala.Ang mom ni Mayor Olivarez.Ama ko siya,pero ni hindi ko siya tinatawag na daddy.Simula ng mga pangyayaring iyon ay nawalan na ako ng galang sa sarili kong ama.

Mabilis akong nakarating sa school,and as usual,ako na naman ang pinagtitinginan ng mga studyante.

Muli kong tiningnan ang pangalan ng school na ito. Ang laki ng naka-ukit na apelyedo ko.

Heto na ako ngayon,dito sa school na kung saan pinangarap ko na matagpuan ang sarili ko.Pinangarap ko na sana sa school na ito ay mawawala ang lahat ng hinanakit ko sa mundo.

Inikot ko ang mga mata ko.Maraming studyante na nagtatawanan.Isang grupo ng mga studyante na nag-aasaran.Mga magkakilala sila.Masasaya ang pagkakaibigan nila.May mga mag-syota.Samantala ako ay nag-iisa.Hindi kasi ako sanay na makisalamuha.Sanay ako na nag-iisa.Sanay ako na hindi ngumingiti.Sanay ako na walang kinakausap.At higit sa lahat,sanay ako na di tumibok ang puso ko kahit kanino man.Ayokong magmahal,ayokong magmahal dahil ayokong maging hangal.Ayokong maging hangal kagaya sa ina ko.

Napansin ko na lang na unti-unti na namang nagtutubig ang mga mata ko.Pero pinigilan ko.

Nakikita kasi ng lahat na narito na isa akong matapang na babae. Isang matapang na babae na duwag naman ang kaloob-looban ko.Ayoko lang kasing kaawaan nila ako.Ayokong mag-mukhang kaawa-awa.Hell no!

"Hi Jychel.Papasok ka na ba sa classroom?" Untag ni...
Benjamin na naman?

Nakatayo lang pala ako rito sa may daanan.Sinulyapan ko siya saglit at taas noong nagrampa na.Ni hindi ako sumagot sa kanya.

Heto na naman siya.Nakasunod na naman sa akin.Hindi ko alam kung inaabangan niya ba talaga ako o nagkataon lang.

Binilisan ko ang mga hakbang ko.At sa bawat paghakbang ko ng mabilis ay siya ring ikina-doble ng mga hakbang niya dahilan upang magkasabay kami.

Nakita ko pa ang mga mata ng ibang studyante na parang nang-iisyuso sa amin ni Benjamin.Pero pakialam ko ba sa kanila.

Talagang di ko siya pinansin.

"Siguro talagang sa angkan ka ng mayayaman nanggaling no?Mga mayayaman kasi ang mga Olivarez eh." Simula niya.Pero di ko pa rin siya pinansin.

"Kasi ang sasakyan at ang bag mo ay di lang basta-basta eh.Milyones ang price." Dugtong pa nito.

"Shut up!Can you?!" Asik ko sa kanya. "Hindi ako mayaman.Sa ama ko ang perang inilulustay ko.Hindi sa akin!" Inis na dugtong ko.Totoo naman kasi.Balak kong ubusin ang pera ng ama ko.Pero kahit gaano pa siguro ka-mahal ang mga bagay na bibilhin ko,hindi pa rin mauubos ang kayamanan nito.

Ang kotse ko ay isang Lamborghini.Ito ang binigay ng ama ko nung pinapili niya ako ng kotse.Ang shoulder bag ko naman ay kung hindi Louis Vitton, ay Hermes.

Lahat ng gustuhin ko na may kinalaman sa pera ay mabilis na naiibigay ng ama ko.Pero ang inaasam kong pagmamahal niya ay di ko nakamit kailanman.Kaya kung kailangan kung ubusin ang pera niya sa luho ko ay gagawin ko.

Napansin kong nanahimik na lamang siya.

Pagdating namin sa classroom ay sinalubong kami ni Arthur at Jacob yata ang isa pa nilang ka-barkada.

"Hi Prin -i mean Jychel." Bati ni Arthur sa akin.Alam kong tatawagin niya sana akong princess pero pinandilatan ko siya kaagad kaya tinawag niya na lang ako sa pangalan ko.

Hindi ko siya pinansin.Tumuluy-tuloy lang ako sa upuan ko.Nahagip pa ng mata ko na iiling-iling siya.

"Pare,pinu-pormahan mo ba si Jychel?" Tanong ni Arthur kay Benjamin.

"Bakit pare,may angal ka?" Sagot naman ni Benjamin.

"Ikaw ang bahala." Yamot na sagot ni Arthur kay Benjamin at saka umupo na ito sa pwesto niya.

Si Benjamin naman ay umupo rin sa katabi kong upuan.Bakit ba palaging tumatabi ito sa akin?May upuan naman ito eh.

Kahit di ko siya lingunin ay kita pa rin ng dulo ng mata ko na nakatitig siya sa akin.Nagpatay malisya na lang ako.

"Pwede ba kitang mayakag na mag-snack mamaya sa canteen?" Tanong niya sa akin.Pero mahina lang yun.Nilingon ko siya upang singhalan sana.Pero laking gulat ko na muntik ng mag-lapat ang mga labi namin dahil sa sobrang lapit niya pala sa akin.Umiwas ako ng tingin.Alam kong pinamulahan ako kasi parang uminit ang mukha ko.
DamnShit!

Mabuti na lang dahil nasa likuran kami banda.Kaya walang kaklase namin ang naka-kita.

Tinapangan ko ang loob ko.Shit.Kailan lang ba ako pinanghinaan ng loob?Tiningnan ko siya ng masama pero ngumiti lang siya sa akin at kumindat.Again,pinamulahan na naman ako.

Ang cute niya kasi kapag ngumiti at kumindat.Gwapo niya talaga.

No!Hindi maaaring humanga ako sa kanya.

"Hindi pwede." Sagot ko at saka iniwas ang tingin sa kanya.

"Aabangan pa rin kita at di lulubayan hanggat di ka pumayag." Banta nito.

Hindi ko tuloy alam kung ano ang isasagot ko.


A/N: Please vote and comments po.Sana maramdaman ko naman na may nagbabasa nito. Thanks sa lahat.

Forbidden Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon