FL20-Goodbye

7K 177 18
                                    

Benjamin's POV

Alam kong naka-sunod pa rin si Jychel sa akin.Kaya di na ako nagdalawang isip na gamitin si Laika ng makasalubong ko ito.Alam kasi nito ang nangyayari sa buhay ko this last few days.Madaldal si mommy sa kanya.

Hinila ko siya sa papunta sa likuran ng punongkahoy.Pero pumwesto kami sa alam kong maririnig ni Jychel kapag dumaan siya.Yes,sinasadya kong saktan siya ng sa ganun,siya na mismo ang kusang lalayo sa akin.Gusto kong magalit siya sa akin at lalayuan niya ako.Kasi sa tuwing nakikita ko siya,parang bibigay ang puso ko.Mahal ko siya.Mahal na mahal ko si Jychel.Kaya ko ginagawa ang mga bagay na ito.Ayoko lang na kung kailan,baon na baon na siya sa akin ay saka ko siya iiwan.Dapat sa ngayon pa lang.Dahil alam kong wala ng patutunguhan kong ipaglalaban ko pa siya.Pareho lang kaming masasaktan.

"Miss mo ako?" Agad na tanong ni Laika sa akin.Nakangisi pa ito.Tiningnan ko lang siya ng masakit.Hindi ko talaga kayang harapin siya. "OK fine." Itinaas pa niya ang dalawang kamay niya. "Tutulungan kita. Tutulungan kitang layuan ka ni Jychel,Benjamin. Siguro mas nanaiisin mo ang layuan ka ni Jychel kaysa pakasalan ako di ba?" Isang mabangis na ngisi ang ginawa niya.Napatiim ako sa sinabi niya.Is a siya sa mga dahilan kung bakit mas nanaisin ko pa ang mapaghiwalay kami ni Jychel.Pero di yan ang talagang rason. Kung si Laika lang sana,makakaya ko pa.Pero ang daming dahilan eh.Marami.

Naramdaman namin na dadaan na si Jychel.Nang akmang magsasalita na ako ay inunahan niya na ako sa pagsalita. "Bakit di mo na tapatin si Jychel,Benjamin?" May tonong paglalandi ang boses niya.Sa inis ko,tiningnan ko siya ng masama.

" 'Wag muna ngayon Laika." Sakay ko sa sinabi niya.Sa totoo lang,halos di pa yan lumabas sa mga bibig ko.

"Ako na kaya ang magsasabi sa kanya?" Suhestyon niya.Kahit drama niya lang iyon,alam kong tinotoo niya.Uminit ang ulo ko.Ginamit ko lang siya sa sitwasyon ngayon.Pero wala akong balak na payagan siyang pangunahan ako.

"Yan ang wag mong gagawi -" naputol ang sasabihin ko dahil hinalikan niya ako na siyang ikinagulat ko.Nahagip ng mga mata ko ang tumatakbong si Jychel palayo sa amin.Agad kong itinulak si Laika.

"What the hell Laika?!" Sigaw ko kaagad sa kanya.

"Ayaw mo nun,successful ang acting natin?" She smirked.
Tinapunan ko siya ulit ng masakit na tingin habang naka-kuyom ang mga kamao ko.
"Damn!" Napasabunot ako sa buhok ko ng masundan ko ng tanaw ang babaing mahal ko.Alam kong nasaktan ko siya ng sobra.Pero kung alam niya lang sana,ako ang labis na nasasaktan sa mga pinaggagawa ko sa kanya.

I'm sorry babe.Sorry.Para din sayo to.

Nilinisan ko ang kinaroroonan namin ni Laika.Kahit tinatawag pa niya ako,pero di ko siya nilingon.

Putcha!Ang sakit eh.Pero titiisin ko ang lahat.Titiisin ko ang lahat para sayo Jychel.Dahil mahal na mahal kita.

Namalayan ko na lang na halos nanunubig na pala ang mga mata ko.Sinalubong ako ng dalawa kong kaibigan.Pero si Arthur,iba ang isinalubong sa akin.Isang malakas na suntok sa mukha ko.

"Tang-ina mo pare!Di ba,sabi ko sayo,wag mong sasaktan ang pinsan ko?Ang prinsesa namin?!" Malakas na boses niya.Princess ang tawag nila kay Jychel dahil nag-iisang anak lang ito.

"Tama na Arthur." Awat kaagad ni Jacob sa kanya ng akmang susugod na naman siya sa akin.

"Umalis ka dito Jacob!" Utos niya kay Jacob.Kilala ko si Arthur, tahimik siyang tao pero nakakatakot kapag nagagalit.

"Whoa!Chillax bro! Di tayo makakapag-usap ng matino kapag magsusuntukan kayo." Saad niya habang hinahawakan si Arthur sa braso.

"Gago ka Benjamin! Di ba,sabi ko sayo,wag mong paiiyakin ang pinsan ko?!" Napatiim pa ito bago nagsalita ulit.Oo nga,sinabi niya yan nun sa akin.Ayaw niya daw kasi umiyak ang pinsan niya dahil sa napagdaanan nito nung bata pa. "Alam mo kung anong hirap ang dinanas niya.Alam mo kung gaano siya naging broken!" Dugtong niya.Wala na kaming pakialam kung nakikita kami ngayon ng mga tsismosang studyante.

Forbidden Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon