FL4-It's You

12.4K 248 28
                                    

"It's You" - a song from the Irish band Westlife. I love them.

Benjamin's POV

"Hanggang ngayon ba ay di mo pa rin nilalayuan ang Arthur Romero na iyon, Benjamin?" Si mommy.Bungad niya sa akin ng pagka-baba ko sa hagdan.

"Krizza,let's go." Tawag ko sa bunsong kapatid ko na babae. Sabay na kasi kaming pumapasok sa School eh.At para na rin maka-iwas sa tanong ni mommy.Ayaw niya kasi na makipag-kaibigan ako sa isa sa mga Olivarez.

"Mom,we have to go.Late na kami." Paalam ko.

"Pero di pa kayo nag-almusal.At ikaw Benjamin,alam kong iniiwasan mo lang ako na wag mapag-usapan ang tungkol sa kaibigan mo." Inis na sabi ni mommy.Hanggang ngayon ay di ko maisip kung bakit galit siya sa mga Olivarez.Kaya nga hindi namin sinabi sa kanya ang relasiyon ni Krizza at ni Arthur dahil sigurado akong tututol siya.

"Next time na mommy.We're late." Sabi ko habang naglalakad na papuntang pintuan kasunod si Krizza.
"Kung hindi lang sana isa sa pinakamagandang school dito ang Olivarez na yan, nunca na paaaralin ko kayo dun." Bulong ni mommy na rinig ko naman.

Napapailing na lang ako.Ang weird kasi.Galit na galit siya sa mga Olivarez na hindi naman sinasabi sa amin ang dahilan.Sina tito Eduardo na kapatid ni mommy ay wala ring sinasabi sa amin.Tahimik lang sila. Ano ang mayroon sa pamilyang Sameel at Olivarez?Ang Sameel kasi ay apelyedo ni mommy.Ang Olivarez naman ay ang mommy ni Arthur na kapatid ni Mayor Reynaldo Olivarez.Pero higit na galit si mommy kay Mayor Olivarez.

Mabilis kaming nakarating ni Krizza sa school.Nakita ko kaagad ang kotse ni Jychel na naka-park.Mabuti na lang dahil bakante ang parking na katabi nito. Dito ko na ipa-park ang kotse ko.

"Kuya,talagang naging stalker ka na ng Jychel Olivarez na yan ano? Kapag nalaman ni mommy ito, yari ka." Tukso ni Krizza sa akin at ngumiti ng pilyo. "Alalahanin mo kuya,Olivarez yan." Dugtong pa nito.

"At kung ikaw kaya ang isumbong ko kay mommy na boyfriend mo ang isa sa mga Olivarez?" Banta ko sa kanya. Kaya sumimangot na lang ito at lumabas na ng kotse ng padabog.

Lumabas na rin ako at muling pinasadahan ng tanaw ang kotse ni Jychel.Napansin kung umaandar pa ito. At nakita ko na nasa loob pa siya.

Bigla akong nabuhayan ng dugo.Agad kong kinatok ang pintuan ng kotse niya.Habang hinihintay ko na ibaba niya ang salamin ng kotse ay kinakabahan ako.Damn!Bakit ganito ang nararamdaman ko?Naba-bakla na ba ako?

"Yes?" Taas kilay na tanong niya ng ibinaba niya ang salamin.

"Ah w-wala.Sabihin ko lang sana na sabay na tayong papasok sa classroom." Halos magkanda-utal-utal na sabi ko sa kanya.

Gusto kong sapakin ang sarili ko.Parang nato-torpe kasi ako.Damn!Kailan pa?

"Mauna ka na." Walang emosiyon na sagot niya.

"Pero late ka na oh.Halika na. Sabay na lang tayo." Pamimilit ko.

Nagulat na lang ako ng biglang bumukas ang pintuan ng kotse niya at bumaba siya.

"Bakit ba ang kulit mo?" Asik niya.Nakita ko pa ang panlalaki ng mga mata niya.Parang inis na inis. Palagi naman siyang inis Benjamin di ba? Pati sarili ko tuloy kinakausap ko na.

"Gusto ko lang magkasabay tayo eh.Wala naman sigurong masama di ba?" At kinindatan ko pa siya. Sinimulan niya na ang paglakad at walang lingon likod na rumampa ito.

Forbidden Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon