FL34-One More Try

7.1K 162 18
                                    

'One More Try' - awitin mula kay Kuh Ledesma.

Tell me why did we find each other...
Only two part ways in the end...
Tell me how we learned to love each other...
And tell me why two people have to change...

Was it pride that made us drift away...
Hurting words we should not even say...
Hold my hand and look straight to my eyes...
If we can't say goodbye...
Then we're worth one more try...

AN: Play niyo muna ang audio while reading para damang-dama niyo habang nagbabasa.

----------------------------------

Jychel's POV

Hindi ko mawari ang nararamdaman sa mga oras na ito habang naglalakad sa buhanginan papunta sa cottage na sinasabi ni Arthur.

Ewan ko ba sa pinsan kong iyon kung bakit ako hinila dito sa resort na nagpapaalala sa akin ng nakaraan namin ni Benjamin.

Alam kong resort ito ng mga Sameel kasi dalawang beses na akong dinala dito ni Benjamin.

Kaya ang lakas ng kabog ng dib-dib ko dahil alam kong may balak si Arthur. Ang walang hiya kong pinsan,pagkatapos niya akong hilahin papunta dito ay basta-basta na lang akong iiwan ng walang paalam.

Malamig ang bawat pag-ihip ng hangin na dumadapo sa balat ko.Naamoy ko rin ang mabangong amoy ng dagat na halatang malinis ito.

Medyo madilim ang paligid.Tanging ang liwanag lang ng buwan at ang ilaw sa poste ang siyang nagbibigay ng liwanag.

Malapit na ako sa cottage na sinasabi ni Arthur.Kaya palakas din ng palakas ang kabog ng dib-dib ko.Napapasinghap na lang ako.

Nakiramdam ako sa paligid ko.Ang tahimik kasi.Nakapagtataka lang dahil kahit noon naman ay may mga nag-o-overnight sa resort na ito.Pero ngayon,tanging ang mga alon lang na humahampas sa mga bato ang naririnig kong ingay.

"Hi miss gorgeous. Pwede ba kitang maihatid sa paroroonan mo?" Napapitlag ako ng marinig ang isang baritonong boses sa gawing likuran ko.

It's him.Napasinghap ako lalo na nang hawakan niya ako sa siko at inalalayan habang sumasabay siya sa paglalakad sa akin.Parang inalalayan niya nga ako eh.Hindi na rin ako nakaimik sa ginawa niya.

Magkadikit ang katawan namin.Kaya amoy-na amoy ko ang mamahalin niyang pabango.

Sa paghawak niya ng braso ko,parang bigla akong nalamig.Kakaiba ang haplos ng pagdaiti ng balat niya sa balat ko.

Pasimple ko siyang sinulyapan.Naka-casual wear lang naman siya.Pero ako,heto,todo paganda.Kasi ba naman sabi ni Arthur ay may party kaming pupuntahan.

Napapalunok na lang ako sa tuwing nasasamyo ko ang pabango niya.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman sa ngayon.Parang biglang naghurementado ang puso ko.

Forbidden Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon