FL6-Untitled

9.2K 217 25
                                    

"Untitled" is a song from SeanZie-Watty.I like her Voice. Bwahahahaha!

Jychel's POV

Natapos ang araw na panay ang iwas ko kay Benjamin. Hindi ko alam kung bakit ginagawa ko ito. Dahil ba kay Laika?
Hell no!

Patuloy lang ako sa paglalakad papuntang parking.Gusto ko munang magliw-aliw sa lugar na paborito ko.Ang mall.

Simula ng makauwi ako dito sa pinas ay parang tambayan ko na ang mall.

Ayoko rin kasing pumirme sa bahay dahil ayokong magku-krus ang landas namin ng ama ko.

Malapit na akong makarating sa parking ng masalubong ko si Arthur at si Jacob.May kasama silang babae na sa tingin ko ay girlfriend yata ni Arthur.Magka-hawak kamay kasi sila eh.

"Hi Jychel.Nasaan ang heartrob ng campus?" Nakakalokong tanong ni Jacob.

"Sino?" Walang emosiyon na sagot ko.Nakataas pa ang kilay ko.

"Yung palaging naka-buntot sayo?" Si Arthur.

"Hindi ko alam." Sagot ko na akmang lalampasan ko na sila.

"Wait lang." Hinawakan ako ng babaing kasama nila sa braso bilang pagpigil sa akin.

Tiningnan ko ang kamay niya na naka-kunyapit sa braso ko at tiningnan ng masama.Feeling close lang?Agad niya namang tinanggal ito. Siguro nga napansin niya ang reaksiyon ko.

"Si Kuya Benjamin ang tinutukoy nila. Uuwi na kasi kami eh." Nag-aalangang sabi niya. "Ako pala si Krizza,kapatid ni kuya Benjamin." Dugtong pa niya.So ito pala ang kapatid niya?Hindi halata na magkapatid sila kasi ang layo ng mukha nila. Maganda naman ang Krizza na ito.

Inilahad niya pa ang kamay niya sa akin.Kahit napipilitan ako ay tinanggap ko pa rin. I'm sure,makulit din ito kagaya ng kuya niya.

"Krizza,nandito ka lang pala?" Biglang sulpot ni Benjamin. "Hi Jychel." Bati niya sa akin ng mapansin ako.Hindi ko siya pinansin at nagtuloy na sa paglakad.

"Hey wait Jy." Si Benjamin habang hinahabol ako.

"LQ agad pare?" Pahabol pa na pang-aasar ni Jacob habang nakasunod din sila sa amin.

"Ugag!" Ganti rin ni Benjamin.

Sabay-sabay pa na nagtatawanan ang tatlo.

"Jy, galit ka ba sa akin?" Tanong niya agad ng mahabol niya ako.

"Bakit naman?" Tanong ko.Sa totoo lang,parang ganun na nga.Di ko rin maipapaliwanag ang sarili ko.

"Eh kasi..." Hindi na niya nadugtungan ang sasabihin.Napakamot na lang ito sa batok.

Finally ay narating na rin ang parking.Dahil magkatabi lang ang kotse namin ay magkasama pa rin kami ni Benjamin at nakasunod pa rin sina Arthur.

"See you tomorrow Jychel." Si Benjamin at nag-wink pa talaga.Nakikita ko pa ang pagpigil ng ngiti nina Arthur.

Nagpaalaman na sila. At ako naman ay walang paalam na ini-start na ang kotse at pinaharurot na ito.

Pagkadating ko sa bahay ay nasumpungan ko sa dining ang ama ko at si Lala.Ang Lola ko na Lola din ni Arthur.

"Iha, dinner ka muna." Si lala.Yes,lala ang tawag ko sa kanya.

"No thanks Lola.I'm done." Sagot ko sa kanya. Nakita ko naman ang pagtutol sa mukha niya.Totoo naman kasi na tapos na akong mag-dinner kasi nga dumaan ako sa mall.Palagi kong ginagawa ito para maiwasan ang ama ko.

Forbidden Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon