FL27-A Thousand Years

7.1K 176 2
                                    

'A Thousand Years' by: Christina Perri

Jychel's POV

I have died everyday waiting for you...
Darlin' don't be afraid
I have loved you for a thousand years...
I'll love you for a thousand years...

Hindi ko mapigilan ang panunubig ng mga mata ko.Na para bang anumang oras ay papatak na ang mga luha ko.

Ito ang kina-kanta ng banda na narito sa loob ng Ayala Triangle,Makati.Kasabay ng kanta ay ang pag-patay-sindi ng ilaw na sumasabay sa saliw ng tugtog.Sadyang mapanukso ang pagkakataon.

Time stands still beauty in all she is...
I will be brave
I will not let anything take away...
What's standing in front of me...
Every breath
Every hour has come to this...

Pinasadahan ko si Benjamin ng tingin na nakatingin din pala sa akin ng malamlam.Mabuti na lang dahil hindi masyadong maliwanag ang ilaw kaya di niya mapapansin ang pamumula ng mukha ko.

One step closer...

Nagulat pa ako ng hilahin niya ako palapit sa kanya.Doon ko lang din pansin na hawak-hawak pa niya pala ang kamay ko.

"Lumapit tayo doon." Bulong niya.Nagulat pa ako ng inilapit niya ang mga labi niya sa punong tainga ko.Bagay na ikinatatayo ng mga balahibo ko.Pakiramdam ko para akong kinu-kuryente dahil sa naramdaman kong init ng hininga niya.

Ni hindi ko na nga ramdam na hinila na niya ako ng marahan.Hinapit pa niya ang baywang ko.Gustuhin ko man na magsalita,pero walang kataga na namumutawi sa mga labi ko.Wala akong ibang narinig kundi ang lakas ng kalabog ng dib-dib ko.

I have died everyday waiting for you...

Malungkot niya akong tinitigan habang nagpapatuloy ang kanta.Ang mga mata niya ay para bang nagsasabi na yung lyrics ng kanta ay yun ang naramdaman niya.

Kanina,dito niya ako dinala sa may Ayala Triangle dito sa Makati.Open field ito.Na kapag magtitingala ka,kitang-kita mo ang mga nagkikislapang bituin sa kalangitan.

Nasa gitna kasi ang banda na tumutog-tog.Kaya nung naka-park na siya kanina ng kotse,mabilis niya akong hinila papunta dito.Nagtataka man ako,pero sunud-sunuran lang ako sa kanya.Kala ko nga kanina ihahatid niya lang ako sa hotel.Kaya nagulat ako ng dito niya ako dinala.

Naramdaman ko ang pagpisil niya ng baywang ko at palad.Kaya nanumbalik ang atensyon ko sa kanta.

And all along I believed i will find you...

Muli,malungkot siyang tumingin sa akin at bahagyang ngumiti.

Time has brought your heart to me...
I have loved you for a thousand years...
I love you for a thousand more...

Napansin ko na saglit siyang tumalikod sa akin at parang may pinunasan sa mukha niya.

Bumalik ang tingin niya sa akin at seryosong-seryoso na tinititigan ako.Wala mang kataga na bini-bitawan siya,pero ang mga mata niya ay nagtatanong.Nagtatanong kung bakit?Pero maya't-maya pa ay ngumiti siya sa akin ng tipid.

Matapang ang mukha ni Benjamin.At kung titigan mo siya yung lalaking akalain mong di marunong ngumiti.

Naramdaman ko na naman na hinila na naman niya ako.Palapit ng palapit sa kinaroroonan ng banda.

Forbidden Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon