FL43-You and I Against The World

9K 196 17
                                    

Jychel's POV

Pambayad utang.

Ito ang paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko.Hindi mawaglit ang mga sinabing ito ng ama ko sa akin.

"Pambayad utang ako.Nagkaroon ng malaking utang ang pamilya ko sa pamilya ng mommy mo.Pero dahil mahal ako ng mommy mo,gusto nilang pakasalan ko siya katumbas ng pagkawala ng utang namin sa kanila." bumuntong-hininga siya na para bang ginugunita ang nakaraan.

"Then,bakit ka pumayag?" nakangisi kong tanong na para bang 'di ako naniniwala.

"I need to anak." maiksing sagot niya.

"Then tell me the whole story." curious kong saad.Naging interesado ako bigla.

"Okay,listen anak." humugot siya ng hininga. "I'm inlove noong panahon na iyo-"

"Apo,may tumawag.Si Kimberly daw." biglang putol ni lala sa kwento ng ama ko.

Kaya hindi na natuloy ang kwento ng ama ko hanggang ngayon ilang araw na rin ang nakaraan.Gusto kong ungkatin sa kanya.Pero nauunahan na ako ng pangamba.Nag-aalangan akong kausapin siya.Gusto kong siya ang unang pumansin sa akin.Pero sa panahon ngayon,naging busy na siya.Siguro nga sa trabaho.

"So how's New York? " naupo ako ng tuwid.Nandito kami ngayon sa coffee shop kasama ang mga kaibigan ko na sina Ashton at Kimberly.Umuwi na sila dito sa Pilipinas. "I missed you guys." dugtong ko pa.

"You missed me,huh?" mapanudyong tanong ni Kim. "Pero ni hindi mo naman kami naalala ni Ashton.At talagang 'di ka na bumalik doon?Anong nangyari sa 'yo?" puno ng pagtatampo ang himig niya.Nilingon pa nito si Ashton na tahimik lang na nakaupo.

"Aba,sorry naman.Marami lang ang nangyari.Pero na-miss ko talaga kayo." saad ko.

"Okay fine." ikinumpas pa nito ang kamay sa ere.

"So how's you and Ashton?May nagaganap na ba?" tukso ko sa kanilang dalawa kasabay ng pagkindat.

"What the hell are you talking about Jychel?!" inis na tanong ni Kim sa akin.

Ano ba ang problema nito?Bakit napikon ito?

"Tsk!Para nagtatanong lang eh.Pikon agad?" tudyo ko ulit.Ang totoo kasi,talagang na-miss ko sila ni Ashton.Sa kanila kasi nagagawa ko ang kakaibang Jychel.Ang Jychel na maloko at mapanukso.Which is nagagawa ko rin sa mga kaibigan ko dito sa Pilipinas noong nag-aaral ako ng college.Noong mga panahong masaya pa kami nina Benjamin at hindi pa kumplikado at pinagbabawalan ang relasyon namin.Ang relasyon namin noon na itinago din namin sa mga magulang namin.

"So,nagkabalikan na kayo?" seryosong tanong niya.Napahalukipkip pa siya.

Wala akong nagawa kundi ang bumuntong hininga.

Forbidden Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon