FL18 - If We Hold On Together

7.5K 265 17
                                    

"If We Hold On Together" - from Dianna Ross

Benjamin's POV

"Talaga bang lalabagin mo ako Benjamin?" Agad na bungad ni mommy sa akin pagka-dating ko.Nasa may bukana siya ng pintuan at talagang inaabangan ang pagdating ko.Nakapamewang pa ito.

"Mom,ayokong sagutin ka.Dahil ayokong magalit ka sa akin.Saka na natin pag-usapan yan kapag malamig na ang ulo mo. Excuse me po..." Kalmanting sagot ko sa kanya. Akmang lalampasan ko na siya ngunit mabilis niya akong hinarangan ng sarili niya.

"Nagiging bastos ka na yata sa akin dahil sa babaing iyon,ha,Benjamin?"  Hindi man mataas ang boses ni mommy,pero alam kong galit na siya.

"Mommy,hindi po si Jychel ang dahilan.Kayo po...Ikaw mommy.Bakit ba kasi,ayaw mo sa kanya? Wala naman siyang kinalaman kung ano man ang dahilan ng galit mo sa pamilya nila ah." Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko.

"Kapag sinabi kong ayaw ko Benjamin, sundin mo!Lahat ng pamilyang Olivarez ay damay.Kaya wag mong sabihin na walang kinalaman ang babaing iyon.Nananalaytay pa rin sa kanya ang dugo ng isang Olivarez.Ang dugo ng mayor na iyon!" This time ay tumaas na ang boses ni mommy lalo na ng binanggit niya ang mayor.Ganun ba talaga ang galit niya kag mayor?

"Bakit kasi hindi mo masabi sa amin ni Krizza kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit galit ka sa mga Olivarez,mommy?Ipaliwanag mo naman po.Baka sakaling,maintindihan ko.Baka sakaling,maintindihan kita. Di yung ganito na pinapalayo mo ako sa babaing mahal ko ng walang dahilan." Mahabang sabi ko sa kanya.

"Dahil hindi siya karapat-dapar sa iyo Benjamin. Hindi siya karapat-dapat sa pamilya natin!" Sigaw niya na naman.

"Bakit nga hindi mom?!" Tumaas na rin ang boses ko. "Sagutin mo ako.Mom,mahal ko po siya. Mahal na mahal ko po si Jychel.Kaya please po,hayaan mo na kami." May halong pagmamakaawa ang boses ko.

"Hindi!Hindi ko kayo hahayaan Benjamin! Ayokong maging masaya ang isang Olivarez,nang dahil sa isang Sameel.Kaya kung ayaw mo siyang,hiwalayan ang babaing iyon,magpasensyahan tayo.Alam mo kung ano ang kaya kong gawin." May halong pagbabanta ang boses niya.

"I'm sorry mom.Pero di ko po kayang iwan si Jychel." Tinalikuran ko na siya. Ngunit napahinto ako ng multi siyang nagsalita.

"Ipapakasal kita kay Laika,kung di mo ako susundin Benjamin!"

"Subukan mo mommy.Dahil kahit kailan,di mangyayari iyan!Nanaisin ko pa ang magpakamatay,kaysa makasal sa babaing iyon." Pigil na pigil ko ang sarili na wag masigawan si mommy.

"Wag mo akong bantaan Benjamin!Mangyayari ang mga bagay na iyan kapag nilabag mo ang kagustuhan ko!"

"Alam mo mom,paulit-ulit ka eh.Paano kita susundin kung di mo sasabihin sa akin ang dahilan?" Saad ko.

"Hindi mo nanaisin ang sasabihin ko kapag nalaman mo ang buong katotohanan Benjamin.Kaya ngayon pa lang,sundin mo na ako.At kapag nalaman mo ang totoo, baka ikaw pa ang kusang lalayo sa kanya. Kaya mamili ka,lalayuan mo siya, o ipapakasal kita kay Laika?" Tumalikod siya at naglakad na kaagad na di pa ako nakasagot.Bigla kasi akong naguluhan sa kanya eh.

Naiwanan akong nakasunod lang ang tanaw kay mommy.

"I'm sorry mom,pero di ko magagawa ang kagustuhan mo.Ipaglalaban ko si Jychel.Dahil mahal ko siya." Bulong ko sa sarili.

Forbidden Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon