FL12-Untitled

7.6K 165 34
                                    

"Untitled" -Kasi nauubusan na ako ng i-title dito.Kung gusto niyo,kayo na lang ang maglagay ng title. Hahaha!Joke!

Jychel's POV

Gusto kong tanungin si Benjamin kung totoo. But not this time.Ayokong ipakita sa babaing ito na affected ako.

Kung ganun pala ay kilala na siya o kilala na niya ang pamilya ni Benjamin.

"Oh really?" Itinago ko ang totoong nararamdaman ko.Sa halip ay itinaas ko pa ang kilay ko. "Then,di problema yan sa akin.Wala akong pakialam sa kung ano ang mayroon sa mga Olivarez na ayaw ni mommy niya.Ang importante sa akin ay mahal ako ni Benjamin at mahal ko siya." Dugtong ko pa.Di ko nga alam kung totoo ang mga pinagsasabi ng babaing ito. Sa pakiramdam ko,ayun sa pag-iiwas ng mga mata ni Benjamin sa akin,ay totoo. At yun ang kailangan kong alamin.

"Babe,enough na. Let's go." Awat ni Benjamin sa akin.Pagkatapos ay hinawakan na ako sa braso upang hilain."At Laika,pwede bang wag kang makialam sa amin." Binalingan niya si Laika at masasamang tingin ang ipinukol dito.

"Pero hindi ako papayag na ganituhin mo lang ako Benjamin pagkatapos ng lahat.Makakarating ito kay tita. At sisiguraduhin kong,..sa akin pa rin ang huling halakhak." Inis na wika niya sa amin ni Benjamin.

"Sabi ng wag kang maki —"

"It's ok babe.Let her." Putol ko sa sasabihin ni Benjamin. "Don't mind the pathetic woman.Or should I say,crazy bitchy woman." Dugtong ko pa at ngumisi ng nakakainsulto.

"You...bi —" akmang sasampalin niya ako pero mabilis na nahawakan ni Benjamin ang kamay niya.Halos pilipitin pa niya ito.

"Aray Benjamin. It's hurt." Maarting sabi nito. Bitch!

"Don't you dare to hurt my love of my life,Laika." Bawat kataga ni Benjamin ay may mga pagdidiin.Umiigting pa ang mga ngipin nito habang sinasalubong ng tingin ang mga mata ni Laika.At biglang binitawan niya ang kamay ni Laika.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa pagtatanggol niya sa akin o maiinis.Siguro mas mabuti pang sabihin kong natutuwa ako kasi ipinagtanggol niya ako.Pero naiinis ako kasi di niya man lang sinabi sa akin ang totoo. Kung totoo nga na galit ang pamilya niya sa mga Olivarez.

Hindi naman nakaimik si Laika.Kaya natagpuan ko na lang ang sarili ko na kasabay niya na sa paglalakad.Naiwanan pala si Laika na nakatulala.

"Babe,let me explain abou —"

"Let's talk about it later Benjamin." Putol ko sa sasabihin niya.Parang ayoko kasing marinig kung totoo nga ba yun.

"Ah —ok babe.Kung yan ang gusto mo." Sagot niya.Kaya tahimik lang kami na pumasok na sa classroom.

-------------------------------------

"Anong mayroon sa inyo ng Villafuente na iyon,Jychel?" Sita kaagad ng ama ko pagkauwi ko.Nagulat pa ako kasi di ko siya napansin na nakaupo pala sa couch dito sa sala. Umuwi kasi ako kaagad after ng last subjet namin. Di ko na hinintay magkausap kami ni Benjamin.

Sinalubong ko ang mga mata ng ama ko.Akala ko di na niya maalala iyon.

"Wala ka na sigurong pakialam doon mayor." Walang ganang sagot ko sa kanya.

"Mayroon Jychel.Dahil anak pa rin kita. Kung magkaroon ka man ng mamahalin,wag na wag ang Villafuente na iyon.O ang tao na may kinalaman sa mga Sameel.Kaya lalayuan mo ang Benjamin na iyon.Dahil isa siyang Sameel." Galit ang rumihistro sa mukha niya habang sinasabi ang mga bagay na iyon.

Nagulat din ako sa mga sinabi niya.Siguro nga, totoo ang mga pinagsasabi ni Laika kanina.May alitan ba sa mga Sameel at Olivarez?Ang mga Sameel ay ang ina ni Benjamin.

Pero dahil sa galit ako sa ama ko,parang bigla pa akong naging masaya.Sigurado akong magagalit siya lalo kapag nilabag ko siya.

"Mahal ko siya. Kaya hindi ko siya lalayuan.At isa pa,wala ka ng pakialam dahil buhay ko to mayor." Pagkasabi ko niyan ay tinalikuran ko siya. Narinig ko pa na tinatawag niya ako pero ni hindi ko siya nilingon.Gusto kong malaman kung ano ang dahilan kung bakit may alitan sa pamilyang Sameel at Olivarez pero hindi ko kayang harapin ang ama ko.Umaaklas ang poot at galit ko kapag nakikita ko siya.

-----------------------------------

Benjamin's POV

"Let's talk Benjamin." Seryosong bungad sa akin ni mommy pagdating namin ni Krizza.

"Ma,later na. I'm tired." Sagot ko.Pagod nga ako.Pagod sa kakaisip kay Jychel.Alam kong iniiwasan niya ako kanina.

"Laika called me." Bigla akong napatigil sa sinabi ni Mommy.Magka-kilala kasi sila ni Laika dahil isa sa mga investor namin ang daddy nito. At magkaibigan pa sila ni mommy.

"Ano na naman ba ang sinabi sayo ni Laika Mom?Alam mo naman na matagal na kaming break nun." Sagot ko sa kanya. Bigla pa naman uminit ang ulo ko dahil tinotoo talaga ng babaing iyon.Alam kong sinumbong niya na ang tungkol sa amin ni Jychel.

"About the girl named Jychel Mae Olivarez." Umiba ang expresiyon ng mukha ni mama ng banggitin ang apelyedo na Olivarez.

"She's my girlfriend mom." Sagot ko ng walang pag-alinlangan.

"Well, stay away from her.Ilang beses ko ba sinabi sa iyo Benjamin na lumayo ka sa mga Olivarez." Tumigas ang pagkaka-sabi niya. "Kung sa kay Arthur nga, binawalan na kita. Ito pa kaya sa Jychel Mae na ito?" Dugtong pa niya.

"No I can't mom.I love her so much.Sorry,pero di ko magagawa ang gusto mo." Matigas rin na sagot ko.Akmang tatalikod na ako pero nagsalita siya ulit.

"Hiwalayan mo siya sa ayaw at sa gusto mo Benjamin. Dahil kung hindi, ako mismo ang gagawa ng paraan." Sabi niya.

"Sabihin mo muna ang dahilan mom kung bakit galit ka sa mga Olivarez,baka sakaling maintindihan pa kita at gagawin ko ang gusto mo .Mom,hayaan mo na kami ni Jychel.Nagmamahalan po kami." Sinalubong ko ang mga tingin ni mommy na masasakit.

At ng di siya nakapag-salita ay tinalikuran ko na siya. Bakit ba hindi masabi ni mommy sa amin ang totoo?Bakit?Yan ang bagay na aalamin ko.Ayokong paghiwalayin kami ni Jychel ng dahil lang sa bagay na iyon.

------------------------------------

Unedited and No reviewed. Kaya sorry po sa mga mali.

Ok. Lame po ang UD na ito. He he!

Forbidden Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon