FL36-Keep Holding On

6.3K 140 2
                                    

'Keep Holding On' - from Avril Lavigne

------------------------------

Benjamin's POV

Mula sa likuran ay niyakap ko siya at hinalik-halikan sa leeg papunta sa punong tainga niya.

"B-benjamin." Saway niya sa akin.Binitawan ko siya at iniharap sa akin.

Sinakop ko muna ang mga labi niya bago ko siya tinanong ulit.

"What's wrong babe?" Kinakabahan kong tanong. Wag niyang sabihin na nagbago na naman ang isipan niya.

Malungkot siyang tumingin sa mga mata ko.Pakiwari ko,nang dahil sa mga tingin niya ay bibitayin ako.No!Not this time.Hindi ko na kakayanin pa.

"Babe?..." Pukaw ko sa atensyon niya.Ano ba ang problema nito?

"I...Love...You...Benjamin Villafuente!" Putol-putol na pahayag niya na may mga pagdidiin ang bawat kataga.

"I love you too babe.Alam mo yan.Now tell me..." Hinawakan ko ang mga kamay niya at iginaya sa mga labi ko at saka hinalikan ang likod nito. "...ano ang bumabagabag sayo?" Kahit hindi niya sabihin,alam kung mayroong bumabagabag sa kanya.

"Mayroon ba?" Napataas ang kilay niya na animo'y may naiisip na kalokohan.Oo nga pala,ito na nga ang Jychel na pinabago ko noon.Isang babaing malamig pa sa yelo at kasing tigas ng bato dati pero hindi naman sa pagmamayabang nagbago ang pakikitungo niya sa kapwa.Though prangka pa rin siya pero may halo ng kalokohan.

"Mayroon eh." Giit ko na napapangiti na rin.

"Oo nga.Mayroon.Iniisip ko kasi babe kung bakit labis kitang mahal gayung hindi ka bagay sa akin." Kinindatan pa ako at napakagat-labi.

"Ano?!" Lumaki yata ang butas ng ilong ko sa sinabi niya. "Anong di bagay babe?Maganda ka,macho ako." Napatawa na rin ako sa biro kong corny.Pero ano ba ang pakialam ko eh mahal ko ang babaing ito.

Natatawa siyang kinurot ako sa tagiliran at saka nagsalita. "Hindi nga tayo bagay babe.Hindi lang tayo bagay.Kundi bagay na bagay.Tingnan mo oh.Sexy ako,macho ka.See?"

"Talaga naman babe." Sakay ko sa sinabi niya. "Ang dami mong kalokohan.Halika nga dito." Hinuli ko siya upang yakapin pero umilag siya. "Ah,nagpapahabol ka talaga babe ha.Kapag nahuli kita,malaki ang bayad niyan." Dugtong ko pa habang kino-corner siya.Dumako kasi siya sa likod ng sofa.

By the way,nasa condo unit niya pala kami.Pinuntahan ko siya dito.Nagulat pa nga siya nong una eh.

"I'm willing to pay babe.If...mahuli mo ako.Kung hindi,walang bayad." Mabilis siyang umikot ng akmang iikot ako sa kinaroroonan niya.

"Malaki ang bayad babe.Baka pagsisihan mo." Saad ko at mabilis na pumunta sa kinaroroonan niya.Pero mabilis din siyang umikot.Hanggang sa maghabulan na kami.

Nagtatawanan kami.Parang naglalaro lang kami.Ang lakas nang tawa ni Jychel na parang musika sa pandinig ko.Ngayon ko lang siya ulit nakitang masaya.

Ang mga mata niya ay nangniningning.Pero gayunpaman,alam kong may bumabagabag sa isipan niya.

"Gotcha!" Niyakap kp siya at kiniliti ng mahuli ko siya.

"Babe...tama na...ehhh!" Napapatili siya sa tuwing kinikiliti ko siya.

"Now,nasaan na ang bayad babe?" Pilyo kong tanong habang hinihila siya papuntang sofa.

Ikinalong ko siya at mahigpit na niyakap.Ang bango lang ng babaing ito.Nang babaing mahal na mahal ko.

Forbidden Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon