FL17-Don't Give Up On Us Baby-2

7.4K 159 32
                                    

Jychel's POV

"Di ba babe,ipaglalaban mo ang pagmamahalan natin?" Ulit niya ng di ako nakasagot kaagad.Iniisip ko kasi ang sinabi ng mommy niya na ipaka-kasal siya dito.

"Babe." Pukaw niya ulit sa pag-iisip ko.Hinawakan niya ang chin ko at iniangat niya ang mukha ko para magtama ang mga mata namin. Nakita ko sa mga mata niya ang labis na pag-alala at takot.Marahan niyang inilapat ang mga labi niya sa mga labi ko.Ang mga halik niya ay nagpaparamdam na kaya niya akong ipaglaban.

"Babe,let's go." Hinawakan niya ang kamay ko at saka hinila palabas ng restaurant.

"Saan tayo pupunta Benjamin?" Takhang tanong ko ng maka-sakay kami sa kotse niya.

"Sa lugar na kung saan, tayong dalawa lang ang tao dun babe.Gusto kong masolo ka ngayong gabi." Sabi niya at tipid na ngumiti.

"Ha?Babe naman.Ano naman ang gagawin natin?" Maang na tanong ko.

"Magtatanan tayo babe.Para di na nila tayo pipigilan." Seryoso niyang sabi habang tutok na tutok ang paningin sa daan.

"What?!Are you out of your mind Benjamin?" Gulat na tanong ko.Ni hindi ko nga naisip na ganito ang kahinatnan nito.

"Yes babe.Wala na talaga akong maisip na ibang paraan." Bumuntong hininga pa siya. Di na ako umimik pa.Talagang desidido na siya.

Mahal ko si Benjamin.Mahal na mahal ko siya. Kaya papayag ako kung saan man niya ako dadalhin.

Mabilis na nakarating kami sa isang malaking building.At kung di ako nagkakamali ay isang condominium ito.

Pumasok kami at agad na nakarating sa isang unit.Nagtaka ako kung bakit may susi siyang dala para rito.

"Babe,sino ang nagmamay-ari nito." Tanong ko sa kanya.

"Ako babe.Walang may alam na bumili ako ng sarili kong condo." Sagot nya.At sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi niya.

Nanahimik na lang ako.Nakapasok na kami sa loob.Inikot ko ang mga mata dito.Halatang bago lang ito o de kaya bibihira lang puntahan.

Napaisip ako.Paano yan, ni isa wala akong mga dalang damit man lang?

"Babe." Napakislot ako ng bigla niya na lang akong yakapin.Ano kaya ang kalalabasan ng gagawin naming ito ni Benjamin?

"Pahinga na tayo babe.Alam kong napagod ka sa ka-i-isip.Sa pag-alala." Bulong niya sa tainga ko.Pagkasabi niya ng mga katagang iyan ay hinila na niya ako papuntang kwarto.

Ewan ko ba kung bakit di ako maka-imik ngayon.Parang naging sunud-sunuran na ako sa kanya.

"Babe,bakit ba ang tahimik mo?" Kunot-noong tanong niya sa akin.

"H-ha?Natatakot kasi ako sa gagawin nating ito Benjamin." Nag-aalangang sagot ko sa kanya. Bigla siyang tumawa at agad akong niyakap at saka ginawaran ng halik sa noo.

"Akala mo ba babe,totohanin ko ang pagtatanan natin? Of course not.Ayokong masira ang buhay mo dahil sa maling desisyon.Gusto ko,kapag magsama na tayo ay iyong legal.Para naman maipagmalaki ko sa daigdig na ikaw ang babaing minamahal ko.Kaya kailangan nating ipakita sa lahat na di nila tayo mapag-hiwalay kahit anong gawin nila. Mahal kita Jychel.Gusto ko lang na ma-solo ka ngayong gabi.Gusto kong maramdaman na tayong dalawa lang ang tao sa gabing ito." Mahabang paliwanag niya. Bigla akong nabunutan ng tinik.Ayoko talaga ng mga tanan na tinatawag nila. Pero kapag si Benjamin siguro ang magsabi niyan sa akin,di ako tatanggi.Ang swerte ko talaga sa kanya.

Sa ginawa niyang ito ngayon,ay lalo ko siyang minahal at hinangaan.Akala ko noong una,si Benjamin ang tipo ng lalaki na gusto lang mai-kama ang mga babae.

Forbidden Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon