FL5-Cant Get You Out of My Head

9.9K 222 20
                                    

"Can't Get You Out of My Head" a song from Kylie Minogue.Sana alam niyo ang lyrics na ito. Di ko kasi malagyan ng YouTube ang multimedia ko.

-------------------------------
Benjamin's POV

Ngayong magkatabi kami ng upo dito sa bench na ito ay sobrang saya ko.Pakiramdam ko ako lang ang biniyayaan na nagkaroon ng chance na maka-tabi siya.Para siyang isang falling star na biglang nahulog at ako ang unang nakakita.At dahil ako ang unang nakakita ay ako rin ang unang pinabigyan ng kahilingan.At ang kahilingan na yan ay naglalaman na sana,balang araw ay ako ang makakapag-bago ng kanyang pagkatao.

At alam kung unti-unti ng natutupad yan. Hindi ko man nakikita pero nararamdaman ko.Nararamdaman ko na balang araw ako ang maging alamat niya sa pagbabagong buhay.

"Bakit?" Narinig kong tanong niya sa sinabi ko.Isang kataga na tanong pero ang hirap sagutin.Bakit ko nga ba siya palaging binubuntutan?Bakit ko nga ba gustong malaman ang mga ginagawa niya dito sa school?Dahil ba hindi siya nawawala sa isip ko gabi-gabi?Oo, palaging mukha niya ang nakikita ko kahit sa panaginip ko.Gusto ko siya. Gusto ko siya na maging ...hindi ko na madugtungan ang sasabihin ko dahil wala pa akong exact words na maihahambing.

Naramdaman kong natahimik siya. Yun bang parang may malalim na iniisip.

"Tulad ng sinabi ko,I want you Jychel,I need you and I like you." Walang pag-alinlangan na sabi ko sa kanya. At maya't-maya pa ay ginagap ko na ang kanang kamay niya.Hindi ko alam, para lang kasing may sariling utak ang kamay ko.Para bang siya na mismo ang nagyakag sa sarili nito.

Kulang na lang ay sabihin ko ang mga katagang I love you.Kung yun nga ang narardaman ko sa kanya, wag muna ngayon.Dahil kapag sinabi ko kaagad sa kanya, baka lalo pa niya akong lalayuan.At isa pa,gusto ko munang matiyak kung mahal ko na nga ba siya. Hindi basehan na mahal ko siya dahil palagi siyang nasa isip ko.Ang gusto ko lang naman ay marinig ko ang pagtibok ng puso ko kapag kaharap ko siya.Sa ngayon kasi,hindi ko pa naririnig,kundi nararamdaman ko lang.At magkaiba yung naririnig kesa naramdaman.

Hindi siya nakasagot sa sinabi ko.Tiningnan niya lang ako saglit at iniwas na ang tingin sa akin.

Alam ko na sa mga galaw at kilos niya ay mayroon siyang bigat na nararamdaman.At kung ano man yan Jychel,ay handa akong alamin. At kapag nalaman ko yun, ako ang tuturo sayo na maging masaya.At sisiguraduhin kong makakalimutan mo iyon.

Dahil hindi siya umimik,niyakag ko na lang siya ulit habang hawak-hawak ko pa ang mga malalambot niyang kamay.

"Let's go.May next subject pa tayo." At hinila ko na siya.Nagpatianod naman siya. At siyempre napapangiti na naman ako ng lihim dahil hindi niya na tinanggal ang paghawak ko sa kamay niya.And it feels so good.

---------------------------
Jychel's POV

Gusto kong kastiguhin ang sarili ko dahil hinayaan kong hilahin ako ni Benjamin na mgaka-hawak-kamay.Gusto kong tanggalin ito. Pero ewan ko ba kung bakit parang wala akong lakas na gawin ito. Para kasing may magnet ang kamay niya.Pasulyap-sulyap ako sa kanya habang naglalakad.

Simula ng nag-umpisa siyang mangulit sa akin ay di na siya nawawala sa isip ko.Bago matulog at pagkagising ko,parang mukha niya ang nasisilayan ko.Bagay na ayoko.Dahil alam kong isang masamang palatandaan ito.But I can't help myself to avoid those kind of freaking feelings.

"Benjamin!" Sigaw ng babae na sa pagkaka-alam ko ay sumusunod sa amin.

Sabay kaming napalingon.Maganda ang babaing ito. At katulad ko,mataray ang pagmumukha.But like I've always said,the hell I care.

Pinilit kong baklasin ang kamay ko na mahigpit na hinahawakan ni Benjamin pero bigo ako.Lalo pa niyang hinigpitan ito.

Nakalapit na siya sa amin at agad akong pinasadahan ng tingin.Mula ulo hanggang paa. Talagang sinuri ang kabuuan ko.And there,she hit the things that I don't like nor the things that I hate the most.Ayoko yung sinusuri ang kabuuan ko.Nakataas pa ang kilay niya.No one can ever did this to me.Not even this socialite woman.

Pinasadahan ko rin siya ng tingin. Pero kakaiba at lalong nakakainsulto.

Sinimulan ko siyang pasadahan ng tingin mula paa hanggang ulo.Then,mula ulo naman hanggang paa. Then I smirked.

Nakita ko pa ang naiinis niyang mukha.Pero parang binale-wala niya lang yun at bumaling kay Benjamin.
Bitch!

"Hi Benj.Can we talk." Sabi niya kay Benjamin at nag-puppy eyes pa.

Habang sinasabi niya yan ay nahagip niya pala ang pagholding hands namin ni Benjamin. Umasim ang pagmumukha niya.

"Wala na tayong dapat pag-usapan Laika.We're done." Sagot ni Benjamin. So ibig sabihin ay ito ang ex-girlfriend niya.Narinig ko na ang pangalan pala niya.Palagi ko kasing naririnig sa mga studyante na narito.Isa si Laika sa mga campus babe.At ang dinig ko pa ay ito ang kinatatakutan ng mga kababaihan kapag siya na ang umeksena.

"Dahil ba sa kanya?" Tanong niya kay Benjamin at tiningnan ako ng masama.Sinalubong ko rin ang mga mata niya.Alright, nasa kanya ang title ng pagiging bitch or queen be or whatever they called.I don't care anyways.Pero ako naman ang reyna ng witch.I have may imported crown.At yun ay galing pa sa New York.I don't like to step down my level sa mga local,pero gusto ko rin na makilala nila na ako ang reyna.

"Walang kinalaman si Jychel dito,Laika.Ikaw ang  nakipaghiwalay sa akin di ba?" Si Benjamin na seryosong-seryoso.

"Pero mahal mo pa rin ako Benjamin di ba? Ako pa rin ang mahal mo." Determinadong sabi niya kay Benjamin. Yun bang parang pinaparinig niya talaga sa akin.

Pero ewan ko,dahil parang may isang bahagi ng puso ko ang nalungkot.

Hinintay ko na sagutin ni Benjamin ang sinabi niya.

"Alis na kami Laika.May next subject pa kami." Sagot sa kanya ni Benjamin. Parang biglang nanlumo ako.Bakit di niya sinagot ang tanong ni Laika?

Agad na tumalikod si Benjamin at hinila na ako.Narinig ko pang tumawag si Laika pero di na niya nilingon.

Mahal niya pa rin ba ang Laika na iyon?

Bigla ko na lang hinila ang kamay ko na hawak niya.

Di ko maipapaliwanag ang dahilan.Ayoko sa idea na pumasok sa isip ko.

Forbidden Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon