FL22-Broken Vow

6.9K 158 4
                                    

Jychel's POV

Nasaan na ang pangako mo
Noong sinusuyo ako
Anong tamis,anong lambing,
binibigkas ng labi mo...

Ngunit kahit nagbago pa
sa akin ang damdamin mo
Mananatili kang mahal
sa puso ko...

Dali-dali kong dinaluhan ang stereo na kung saan pinapatug-tog ang kantang ito ni Jaya.Agad na pinatay ko.Pakiramdam ko kasi natatamaan ako sa kantang ito dahil sa ginawa ni Benjamin sa akin.Ang sakit lang.

"Hey Jychel." Gulat ang rumihistro sa mukha ng kaibigan ko ng makita ako.Di nila kasi alam na babalik ako dito sa New York.Kararating ko lang.

Agad siyang lumapit sa akin at nagbeso-beso. "I missed you so much Jy." Naiiyak na pahayag niya saka niyakap pa ako ng mahigpit.

"Alam ko." Mataray na sagot ko sa kanya habang nakataas pa ang kanang kilay ko. "I missed you too bestfriend." At saka nginitian ko siya at dumeretso na sa couch.

U-upo na sana ako ng mapansin kong papunta na naman siya sa kinaroroonan ng stereo.Mabilis akong lumapit sa kanya at pinigilan ang balak niyang pagpapatug-tog.Ayokong marinig ang kantang iyon.Ayokong maalala kahit ngayon lang si Benjamin.

"What's wrong Jy?" Takhang tanong niya sa akin.Iniwas ko naman agad ang paningin ko.Ayokong mahalata niya ang saki at ang kalungkutan sa mga mata ko. "Ang ganda kaya ng song na iyon." Dugtong pa niya ng mapansin niyang di ako sumagot.

Napangiwi ako ng sabihin niyang maganda ang kantang iyon.Sobrang adik kasi siya sa mga song ni Jaya.Kaya madalas ko itong maririnig na pinapatug-tog niya.Actually, mahilig siya sa opm songs kahit halos dito na siya lumaki sa U.S.

"Tigilan mo na nga yan Kimberly Rivera." Inis kong saway sa kanya at buong pangalan niya ang binanggit ko.Kapag kasi buong pangalan niya na,alam niyang galit na ako o seryoso na ako.

"Fine,fine." Itinaas pa ang dalawang kamay niya sa ere. "Ano ba ang nangyari at bigla kang bumalik dito?" Kunot-noong tanong niya. "Alam kong may dahilan at di ka naman basta-basta babalik dito kasi sabi mo sa akin,masaya ka na dun." Tuloy-tuloy na usisa niya.

Wala na akong nagawa kundi ang i-kwento sa kanya ang lahat.Knowing Kimberly, kahit masungit ako at takot siya sa akin,pero di ako tatan-tanan niyan.

Habang kini-kwento ko sa kanya,di ko mapigilan ang mapaluha.Lahat-lahat ay ikwenento ko kahit kaunting bagay.Lalo na ang mga masasayang araw namin ni Benjamin.Ang mga araw na naging positive ako sa buhay ko.

Bestfriend ko siya kasi simula nung ipinatapon ako ng ama ko dito.Nang mga panahong gumaling na ako mula sa pagka-trauma,siya na ang kaibigan ko.

Pagka-tapos kong mag-kwento ay agad niya akong niyakap. "Kaya mo yan bestie di ba?Ikaw pa,matatag kang babae.Alam ko yan." Pagpa-panatag niya sa akin.Kaya niya nasabi ang mga bagay na iyan dahil kilala niya ako ng lubusan.Kilala niya ako kung paano ako naging matapang.

Tumango lang ako sa kanya.Oo,kaya ko 'to.Kaya ko ito.Sanay na ako sa mga pasakit sa buhay.Parang manhid na nga ang katawan ko sa kaka-buhat ng sarili kong mundo.Kaso iba ngayon dahil puso ko ang kalaban ko.Mas mabigat pa itong pasanin kesa mundo kong matagal ko ng pasan.

At ngayon,ang tanging magawa ko lang upang di malaman ng lahat ang pair at sakit na nararamdaman ko ay ang bumalik sa dating ako.Ang Jychel na matapang,prangka,snob at walang paki-alam sa mundo ay babalik.Ibabalik ko ang dating ako.Pero this time,mas doble ang ipapakita ko sa mga tao kung ano man ako noon.

Forbidden Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon