FL44-Escape

5.8K 110 2
                                    

Escape - by Enrique Iglesias

Jychel's POV

“Jychel Mae Olivares!”

Naalimpungatan ako sa sunod-sunod na pagkatok sa pintuan ko.Buong-buo pa ang pagtawag ng pangalan ko.

“Open the door princess!” dugtong pa nito na hindi pa rin natigil sa pagkatok.

“Coming lala!” sagot ko.Ang aga naman niyang mambulabog.

Pupungas-pungas pa ako ng mga mata ko dahil sa nasisilawan ako sa liwanag na taglay ng araw na pumapasok dito mula sa nakaawang na kurtina sa bintana ko.Napangiti tuloy ako ng maalala si Benjamin.Nandito siya kagabi.Sabay kaming natulog.Magkayakap habang natutulog.Ah hindi lang pala yakap.Higit pa doon.Kaso umuwi naman siya ng mga alas kwatro dahil hindi naman siya pwedeng magpasikat ng araw sa kwarto ko.

Malungkot akong napabuga ng hangin.Ang hirap kasi ng sitwasyon namin.Para akong isang babae na kabit lang ng may asawang lalaki.Patago at hindi pwedeng ipangalandakan ang pagmamahalan namin.

“Jychel!” ulit niya.

Kaya binilisan ko ang paglakad papuntang pintuan at mabilis na binuksan.

“Yes lala.” walang ganang sagot ko.

“Tsini-check lang kita kong ikaw lang ba mag-isa sa dito.” pagkasabi niya ay agad niya akong tiningnan ng mapanuring tingin na para bang may ginawa akong kasalanan.

“Aherm!” tumikhim ako dahil naiilang talaga ako sa tingin niya.Bigla din akong kinabahan dahil paano pala kung may bakat na naiwanan si Benjamin sa katawan ko. Masyado kasi kaming nanabik sa isa't-isa kaya hindi na namin namamalayan ang bawat galaw.

“At saka ang pintuan mo...” bumaling siya sa pintuan at saka nagpatuloy. “Huwag mong i-lock para pwede kitang mapuntahan dito sa gabi o ng daddy mo.”

“Lala naman.” protesta ko.Nag-pout pa ako para mapaamo siya pero hindi gumana.Ewan ko ba kung bakit ganito na si Lala sa akin.Ibang-iba na siya sa Lola ko na nakilala before.Ang Lola ko na isang lambing ko lang ay agad na bumibigay.Ang Lola ko na nagpa-spoil sa akin ng sobra.Ang Lola ko na tanging nagmamahal sa akin.

“Yon ang gusto ko Jychel Mae.Kaya sundin mo ako.At saka naglagay din ako ng mga guard sa labas ng pintuan mo.” anito na siyang ikinalaki ng mga mata ko.

“Ano?Lala naman!Hindi naman po tama ang ginaga—”

“'Wag matigas ang ulo Jychel.Sinisigurado ko lang na hindi mo kami matatakasan ng daddy mo.” may pagdidiin na wika niya.

“Sumusunod naman ako sa inyo ah.” mangiyak-ngiyak kong sagot sa kanya.

Naiinis ako.Naiinis ako dahil wala akong magawa.

“'Wag mong bilugin ang ulo ko Jychel.Alam kong gagawa ka pa rin ng paraan para lang makipagkita sa lalaking iyon.” nakapameywang niyang saad. “Mana ka talaga sa ina mo.” pabulong nyang sabi subalit hindi naman nakaligtas sa pandinig ko.

“Mana sa mommy ko?Ako mana sa mommy ko na matigas ang ulo Lala?” nakangisi kong tanong sa kanya.

“Aist! Never mind Jychel.” gulat din siya dahil hindi niya inakalang maririnig ko ang sinabi niya.

“Hindi Lala.May sinabi ka.At sinabi mong mana ako sa mommy ko na matigas ang ulo.Bakit Lala?Kailan ba naging matigas ang ulo ng mommy ko sa iyo?” halos mapatiim bagang na ako sa pagtatanong sa kanya. “Buong buhay ni mommy lala ay sinunod ka.Ni minsan hindi ko nakitang sinuway ka niya.” dugtong ko na punong-puno ng hinanakit.

Forbidden Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon