FL9- Many Changes in My Life

8.1K 210 30
                                    

"Many Changes in My Life" - an original song from Mark Sherman na ni-revive naman ni Jed Madela.

Jychel's POV

"Ah...eh...wala yun. Tara samahan mo na ako sa counter Benjamin." Yakag ko sa kanya. Hinawakan ko pa ang kamay niya at hinila ko na siya. Napapangiti ako ng lihim.Bakit ba kasi naisipan ko na sa kanya humingi ng pera eh may pera naman ako?

Napansin kong napakamot siya sa batok niya.

"Akala ko pa naman totoo na yun." Bulong niya na nahagip naman ng pandinig ko.Di ko na lang siya pinansin.

Nang matapos na ang pagpapalit namin ng tokens ay dumeretso na kaming dalawa sa basketball game.Parang bata na excited lang ako.Hindi ko kasi masyadong na-enjoy ang pagiging bata eh.

Agad kong inihulog ang tokens.

"Two players ito Benj.Kaya diyan ka sa kabila.Pataasan tayo ng points." Nakangiting baling ko sa kanya. Medyo tahimik pa siya kasi.

"Sige ba. Basta magpustahan tayo babe." Sabi niya habang nakangisi.Alam kong may kalokohan itong iniisip.

"At ano ang award ng mananalo?" Taas ang kilay na tanong ko.

"Kiss.Kapag ako ang mananalo,iki-kiss kita. At kapag ikaw naman ang mananalo,iki-kiss mo ako.Ano, game na?" Sabi niya na nakangiti pa rin.

"Hindi magandang idea yan Benjamin. Ayoko no." Tanggi ko.

"Kung ayaw mo, eh de ikaw na lang ang maglaro niyan. Parang kiss lang eh." Pananakot niya sa akin.At kung ako lang ang maglalaro nito, I'm sure,di ako mag-e-enjoy.

"Ok fine.Basta sa noo o sa pisngi lang ha." Pinalakihan ko pa siya ng mata.

"Nah-a.Ganito babe,kapag ako ang mananalo,sa lips kita hahalikan.At kapag ikaw ang mananalo,sa pisngi mo lang ako hahalikan." Nakangising sabi niya.

"Benjamin!" Pagtutol ko.Lugi naman yata ako niyan.At isa pa nakakahiya kasi ang daming tao eh.

"That's it Jychel.Ayokong maglaro kapag hindi ka pumayag." Nagseryoso na siya. Kaya bumuntong-hininga na lang ako.Ewan ko ba kung bakit ang lakas nitong magpapayag sa akin.

"Oo na." Inirapan ko siya.

"Good." At agad akong hinalikan sa noo. Tiningnan ko siya ng masama. "Pampa-good vibes babe." Nakangiting sabi niya.Pero di ko na siya pinansin.Dinampot ko ang bola at nagsimula na. Kailangan kong pag-igihan para ako ang mananalo.

"Yes shoot!" Tuwang-tuwa na sigaw ko.10-8 kasi ang score namin.

"Wag ka munang magdiwang babe.Pinagbibigyan lang kita." At kinindatan ako.Kaya ayun,na-distract ako.Tie na kami ng score.

Nagconcentrate na ako ulit.Ang daya kasi nito eh.Dini-distract ako sa pakindat-kindat.

Habang naglalaro kami ay di ko maintindihan ang nararamdaman.Sobrang saya ko.Yun bang parang ngayon ko pinakawalan ang lahat.Parang biglang naglaho ang galit ko mundo.

Sa iisiping iyon ay napatitig ako kay Benjamin habang busy sa kaka-shoot ng bola.Ang lalaking ito, ang daming binago sa akin.Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ito eh di ko naman masasabing mahal niya ako.Di naman siya kasi nanliligaw di ba?Pero ramdam kong mahal niya ako.Sana lang.

"Yes!Time end na babe.Panalo ako.Yohooo!" Sigaw niya na ikinagulat ko.Hala! End of time na pala.Di ko napansin.

"Ang daya mo ha.Di naman na ako naglalaro eh." Sabi ko sa kanya.

Forbidden Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon