FL13-I Lay My Love On You

8.6K 194 33
                                    

" I Lay My Love On You" - from Westlife again.Obvious ba, adik ako sa band na ito? He he!

Jychel's POV

"Anyare sa inyo ni Benjamin miss Olivarez?" Nakangiting salubong ni Railey sa akin.Nasa bukana pa lang ako ng classroom ay tinanong na ako.

"Sampal ko,gusto mo? Tsismosa." At tinalikuran ko na siya. Sanay na yan sila sa akin ng ganyan.At ewan ko ba kung bakit naka-dikit pa rin sila sa akin kahit ganito ako.Yung walang sinisino-sino.

Sabi daw kasi ni Railey, pakiramdam daw nila, nagiging matapang sila kapag kasama nila ako ni Bea.At kahit ako ay gusto ko na rin sila. Kasi sila lang ang nakakapag-tiyaga ng ugali ko.

"Uy, LQ kayo ni Benj no?" Ang bruhang ito, sumunod pa talaga sa upuan ko.Tiningnan ko siya ng masama.

"Bakit ba nangungulit ka sa aking babae ka,ha?" Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumiti pa siya.Ok.Wala na nga siyang takot sa akin.Samantala dati nanginginig pa. "Bakit di si Jacob ang hanapin mo?" Nakataas ang kilay na tanong ko.Bigla siyang sumimangot.

"Hayaan mo yun." Sagot niya.Ewan ko kung ano niya na si Jacob.Wala naman kasing sinasabi si Benjamin sa akin eh.Napapailing na lang ako sa sagot.

"Uy,Jy. Oh ano na?So LQ nga kayo?" Pangungulit niya.Bumuntong-hininga na lang ako.Nasanay na ito sa pangungulit sa akin.At ako naman ay sumasagot din.Ewan ko ba kung bakit nakapag-tyaga na ako sa makukulit.

"Di ko alam. Bakit di siya ang tanungin mo?" Mataray na sagot ko.

"Tsk!Suplada." Sabi niya at bumalik na sa upuan niya.

Ngayon ko lang din napansin kung bakit wala pa si Benjamin.Kaya pala nagtaka ako kasi di niya ako hinintay sa parking.Mabuti na lang dahil wala pa ang professor namin.

Bigla akong napalingon sa kaka-pasok lang.Deretso kaagad ang tingin niya sa pwesto ko.Ngumiti pa siya sa akin.Pero di ako ngumiti.Iniwas ko ang tingin sa kanya. Naiinis pa rin ako eh.Naiinis pa rin ako dahil sa sinabi ni Laika.

"Babe,I miss you." Kaagad na bulong niya ng maka-tabi sa akin.Nanatili pa rin akong nasa ibang dereksiyon nakatingin.

Di naman alintana sa lahat dito na mag-syota kami ni Benjamin.

"Babe,nagtatampo ka ba sa akin?Galit ka ba?" Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan.Hinayaan ko lang siya at saka tiningnan. Naroon sa mga mata niya ang pag-alala.Gosh!Mahal ko talaga ang lalaking ito. Kaya di ko matiis.

"Let's talk later babe." Nakangiting sagot ko.Isa pa gusto ko rin sabihin sa kanya ang mga sinabi ni daddy.

"Ok. We need to talk nga babe.Hindi ka na galit sa akin?" Parang nakanguso pa na tanong niya.Natawa ako kasi parang bata lang umasta.

"Hindi na." Sagot ko.

"Akala ko matitiis mo ako eh.Love mo talaga ako." Sabi at huminga ng malalim.Pakiramdam ko,my problema siya.

-------------------------------------

Benjamin's POV

Dinala ko siya dito sa beach resort na pagmamay-ari ni tito Eduardo. Isang beses ko na siyang dinala rito.

"We're here again babe?" Nakangiting tanong niya sa akin.Kahit ako ay nagtataka din kung bakit gustung-gusto ko na dito siya dadalhin.Tahimik kasi ang lugar na ito. Kahit pa na maraming guests o bakasyonista dito.

Muli, narito kami ulit nakaupo sa buhanginan.Naka-upo siya sa lap ko habang niyayakap ko siya mula sa likuran.

"Babe,..." Mahinang banggit ko sa pangalan niya.Mahigpit ko siyang niyakap.Gusto ko kasing iparamdam sa kanya na sobra ko siyang mahal. Na handa ko siyang ipaglaban kahit sa kay mommy pa.Gusto ko rin kasi sabihin sa kanya ang pagtutol ni mommy sa relasyon namin.

Forbidden Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon