FL35-Love Will Lead You Back

6.6K 127 5
                                    

'Love Will Lead You Back' - A song from Kyla

----------------------------------

Jychel's POV

"I love you Jychel Mae Olivarez." Bulong niya sa tainga ko.Nakayakap siya sa akin mula sa likuran ko.
Ngayon kasi ay nakatayo na kami paharap sa kabilang isla.Oh yes,mayroong isla na nakikita mula rito sa kinaroroonan namin.

"I love you too Benjamin Villafuente." Emosyonal na sagot ko sa kanya.Kaya di naiwasan na may pumatak na luha mula sa mga mata ko.Kanina pa nga ako iyak ng iyak sa sobrang saya ko.Bumalik na ang lalaking alam kong sa simula pa lang,siya na ang kukumpleto ng mundo ko.Muli kaming ibinalik ng aming pag-ibig na kung saan kami nararapat.Ang ibig kong sabihin,para kami sa isa't-isa.Kami ang itinakda na magsama habang buhay.

"Hey babe what's wrong?" Taranta niyang tanong sabay punas ng luha ko na pumatak.

Ngumiti ako nang matamis at tumingin sa kanya. "It's a tears of joy babe." At tuluyan na ngang naglandasan ang mga luha ko.

Ipinilig ko ang ulo ko sa balikat niya at tumingin sa kalangitan.
"Akala ko kasi di na darating ang araw na ito babe.Akala ko kasi,habang buhay kong pagdurusahan ang sakit na nadarama ko.Akala ko kasi naglaho na talaga ang pagmamahal mo sa akin." Madamdamin kong saad.

Pinisil niya ang balikat ko na kung saan ay nakaakbay na siya sa akin.Pagkatapos niyang pisilin,hinimas-himas pa niya ito.

"Ssshhh...'tama na babe.Ang mahalaga ay nandito ka na muli sa tabi ko.Nandito ka na muli na malaya ko ng nahahawakan,nakakausap,nayayakap at nahahalikan.Hindi mangyayari na hindi ka mapapasaakin babe lalo na't alam kong mahal mo pa rin ako." Madamdamin niyang saad habang ang mga paningin ay ibinato din sa Isla. "Dahil kung ayaw ng tadhana na magkatuluyan tayo,ako ang gagawa ng paraan para maging tayo habang buhay." Patuloy niya.

"Eh paano pala kung may iba na akong mahal?Paano pala kung mahal ko na si Ashton?Ano ang gagawin mo babe?" Tanong ko.

"Jychel,sobrang mahal kita.Na lahat ng sasabihin mo ay susundin ko.Matagal akong nagdurusa.At sa paghihiwalay natin ng mahabang panahon,doon ko narealize kung gaano kita ka-mahal.Pero kung si Ashton na ang minahal mo,hangad ko ang kaligayahan mo.Kung saan ka masaya,hahayaan kita." Mahabang saad niya.

"Hindi mo ako aagawin o ipaglaban babe?" Nakanguso kong tanong.Ouch lang ha.Medyo nalungkot ako doon ah.

"Nope.Hindi kita aagawin sa kanya.Dahil kung siya na talaga ang mahal mo,masasaktan ka lang at magagalit sa akin.Ayoko nang mangyari na magalit ka pa sa akin babe.Okay na lang na ako na ang magdurusa at masaktan, 'wag lang ikaw." Mahabang sagot nito.

"Eh bakit di mo ako pinansin noon sa engagement party ni Railey sa halip pinagseselos mo pa ako sa pinsan mong si Catherine?" May himig tampo na tanong ko.

Oo nga pala,si Catherine ay pinsan niya.Ito pala ang nawawalang anak ni Eduardo Sameel na isa sa pinakamayamang tao dito sa bansa.

Nadinig ko na lang na natawa siya.Ipinihit niya ako paharap sa kanya at hinalikan sa mga labi.Medyo tumagal din ng isang minuto bago kami naghiwalay.

"Ginawa ko lang iyon para makumpirma ko kung may pagmamahal ka pa nga sa akin babe.At doon pa lang,nalaman ko na.Pero gusto ko na magmula iyon sa mga labi mo." Saad niya.

"Eh bakit mo ako hinalikan sa banyo?" Tanong ko pa ulit ng maalala ko iyon.

"Kasi,sobrang nanabik ako sayo.Gusto ko muli madama ang mainit mong mga labi.Kahit na galit ako sayo noon pero nanaig pa rin ang pagmamahal ko sayo.Ilang gabi mo nga ako di pinatulog noon eh." Sagot niya.

Forbidden Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon