FL26-Where Do Broken Hearts Go

6.7K 165 1
                                    

'Where Do Broken Hearts Go' - by: Whitney Houston
We said we needed space...
But all we found was an empty place...
And the only thing i learned...
Is that i need you desperately...

Where do broken heart go...
Can they find their way home...
Back to the open arms...
Of a love that's waiting there...
...
...
I look in your eyes...
And I know that you still care,for me...

Jychel'POV

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niyang sinakop ang mga labi ko.Gustuhin ko mang sumigaw pero may isang bahagi ng puso ko ang tumututol.

Mariin,marahas at mapag-parusa ang gina-gawa niyang paghalik sa akin.Pero gayunpaman buong puso ko itong tinatanggap.I missed this.I missed my Benjamin.Ang Benjamin na tanging lalaki na minahal ko.

Unti-unti kong ikinawit ang mga braso ko sa leeg niya.

Nanghihina ang mga tuhod ko sa sensasyong dulot ng mga halik ni Benjamin.Ang kaninang madiin at marahas na halik ay biglang naging banayad.

Lumalim ng lumalim ang halikan namin na para bang wala ng bukas.

Bawat pagalaw ng mga labi niya ay kina-kabisado ko.Naramdaman ko rin na hindi na madiin ang pagkaka-hawak niya sa akin.Sa halip,gumapang pa ang mga kamay niya niya sa masisilang bahagi ng katawan ko.

"Hmmm..." I moaned dahil di ko na mapigilan na di pakawalan ang pag-ungol ng impit.
'Yong ginagawa ngayon ni Benjamin sa akin na halik ay parang nakaka-lunod at nakakawala ng katinuan.Halos magsitayuan ang mga balahibo ko ng kapain niya ang kanang dib-dib ko.Muli, napaungol ako.Ang init kasi ng palad niya habang mina-masahe ito.

"Hmmm...J-jychel...B-babe
..." Paungol na saad niya.Hindi nakaligtas sa akin ang pagtawag niya sa akin ng pangalan ko.Lalong-lalo na ng banggitin niya ang endearment namin.Kaya hindi ko maiwasan na maalala ang nakaraan.Biglang kumirot ang puso ko.Ang ayoko kasi ay 'yong maalala ko pa ang pagmamahalan namin noon.

Biglang tumulo ang mga luha ko.Ang sakit pa rin kasi eh.Di pa rin talaga naghilum ang sugat sa puso ko na siya ang may gawa.

At ngayon na nasa harapan ko na siya,na dinadama ko na siya,na sakop-sakop ko na ang mga labi niya may pag-asa pa ba na ibalik namin ang nakaraan?Mayroon pa kaya kaming babalikan sa isa't-isa.Wala pa kaya siyang girlfriend?

Girlfriend?

Biglang nanumbalik ang diwa ko.Dumilat ako upang pigilan at itulak ko na sana siya pero hindi na niya pala sakop ang mga labi ko.Hindi ko alam na huminto na siya sa paghalik sa akin.Nakatitig lang siya sa mga mata ko.Naroon din ang katanungan at pagka-bahala sa mukha niya.

Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko.Shit lang.Nakita niya pala ang pagluha ko.Kaya ito siguro ang dahilan ng paghinto niya.

Lumunok ako ng laway dahil natutuyuan na ang lalamunan ko.Nakakatitig lang siya sa akin na para bang marami siyang itatanong sa akin na di niya kayang banggitin.At ganun din ako.Ni hindi kayang bumuka ng mga bibig ko.

Kung dati,ang Benjamin na kilala ko ay gwapo at maganda ang pangangatawan,ngayon naman ay lalo pa itong nadagdagan ang looks niya na kahit sinong babae siguro ay mapapalingon.Dahil siguro nag-matured na siya.

"B-bakit Jychel?..." Sa wakas ay nakapag-salita na siya.Punung-puno ng panunumbat ang tono niya.Hinampas pa niya ang ding-ding.

Bigla akong nabuhayan sa mga sinabi niya.Ang kapal niya naman!Siya pa talaga ang may ganang manumbat sa akin?Sino ba itong sumira sa pangako namin sa isa't-isa?Di ba siya.

Biglang nanikip ang dib-dib ko sa tanong niya.Kasabay na rin ng malakas na pag-agos ng mga luha ko.

Tiningnan ko siya ng masama at saka nagsalita. "I-ikaw..." Napalunok ako ulit.Ewan ko ba pero sa tuwing tatangkain kong magsalita,para akong natutuyuan ng lalamunan.Pero hindi pwede.Kailangan ko siyang sagutin. "...i-ikaw pa talaga ang may ganang...m-magtanong sa akin niyan?!" Mahina pero puno ng pagdidiin ang bawat salita na binibigkas ko. Gusto ko siyang sampalin ng malakas para matauhan siya sa mga pinagsasabi niya.

Napalunok din siya. Pero nagpatuloy lang ako.Pagkakataon ko na itong ilabas ang mga hinanakit at ang sakit na pinaramdam niya sa akin noon. "Ngayon,ibalik ko sa iyo ang tanong na iyan Benjamin." Walang kakurap-kurap na sabi ko sa kanya.Gusto ko kasi makikita niya sa mga mata ko na galit ako sa kanya.Na labis niya akong sinaktan. "Bakit mo hinayaan na iwan kita?Bakit pinayagan mo ako ng ganun-ganun na lang na umalis?...Bakit,..." Pinunasan ko muna ang mga luga kong ayaw paawat sa pagpatakan. "...bakit hindi mo ako pinaglaban sa mommy mo?Bakit hinayaan mong paghiwalayin tayo?Bakit?!" Nilakasan ko ang huling tanong ko.Akmang magsasalita siya pero naunahan ko na siya sa pagsalita.

"A-alam mo ba?Noong..." Napahikbi ako. "...noong araw na paalis ako.Noong nasa airport ako...u-umasa ako na bigla kang darating at pigilan ako na 'wag umalis.Dahil kapag ginawa mo 'yon, hindi ako matutuloy.Pero wala ka eh.Walang may dumating na anino mo.Masakit lang.Kasi nag-assume ako na susundan mo sa airport. Ang tanga ko." Parang biglang nanghina ang boses ko. "Delayed ang flight ko noon ng mahigit isang oras.At inisip ko noon na baka na-delay dahil darating ka." Punung-puno ng hinanakit na sabi ko.

Nangunot ang noo niya na para bang may pinagsisihan siya.

"Kung ala-" Hindi niya naituloy ang pagsalita dahil may kumatok sa pintuan.Sinulyapan ko ang pinto at naka-locked pala ito.Dahil siguro ni-lock niya.

"Hey,may tao ba diyan?Knock,knock!" Sigaw pa ng nasa labas.Isang tingin pa ang gibawa niya sa akin bago siya pumasok ng cubicle.

Mabilis na binuksan ko ang pintuan.

"Sorry.Di ko namalayan na nai-lock ko pala ang pinto." Pagpapalusot ko.Isa ito sa mga bisita ni Railey.

Ngumiti lang siya sa akin na nagsasaad na naiintindihan niya.

Agad akong lumabas.At napansin ko rin na nakasunod na si Benjamin sa akin.Siguro pinapasok niya muna ang babae sa cubicle bago lumabas.Pangbabae kasi ang banyong iyon.

Bumalik na ako sa kinaroroonan ko at maya pa ng kaunti ay naka-upo na rin si Benjamin sa pwesto niya na para bang wala lang may nangyari sa aming dalawa doon sa banyo.Saglit pang nag-tama ang mga mata namin pero mabilis ko itong iniwas agad.

-------------------------------------

Natapos din ang party at nalampasan ko ang nararamdaman kong kaba kanina.Hindi kasi ako mapakali sa kina-u-upuan ko dahil sa mga palihim na sulyap sa akin ni Benjamin kahit pa nakikipag-kwentuhan siya kay Catherine.

Nasa labas na ako ng gate ng bahay na ito upang magbantay ng taxi.Di ba nga kasi sa hotel ako dumeretso pagka-uwi ko? Kaya wala akong car.Sanay naman ako sa America ng simpleng pamumuhay.Apartment na nga lang tinitirhan namin doon na kung tutuusin,kayang-kaya bumili ng ama ko ng sariling bahay doon.

Ang bahay kasi namin doon noon naibenta na kasi wala namang nakatira.Nagho-hotel na lang si lala kapag dumalaw siya doon sa akin.

Hindi ko na inabala pa si Railey.Busy din kasi siya.Kaya nag-paalam na langa ako sa kanya at di ko sinabi na nag-taxi lang ako dahil I'm sure,ipapahatid pa ako nun.

Natigil ako sa pag-iisip ng may humintong sasakyan sa harapan ko.Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko ng makita ko kung sino ang umibis ng sasakyan.

"Benjamin?"

Napausal ako ng pangalan niya.

Nang makalapit na siya sa akin. "Ride." Utos niya sabay hawak sa kamay ko at hinila na ako papunta sa kotse niya.

Hindi ako naka-uma sa ginawa niya.Nanatiling nakatikom lang ang bibig ko because I didn't expect na gagawin niya ito.Sobrang nagulat ako.

He dragged me inside the car.At mabilis ang mga galaw niya na pumasok kaagad sa loob ng kotse.

Tinititigan ko lang ang galaw niya.Ewan ko ba kung bakit natatameme ako.Ang lakas kasi ng kabog ng dib-dib ko eh.

In-on niya ang stereo.At para bang sadyang mapanukso ang panahon dahil ang kanta pa ni Whitney Houston na 'Where Do Broken Hearts Go' ang tinutogtog.

Nagkatinginan kami na para bang iisa lang ang pinapahayag ng mga mata namin.At yun ay ang aming pighati na nararamdaman.

Forbidden Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon