FL29-Untitled

6.8K 191 9
                                    


Dedicated to ate LorieDingle.Hi ate.I just want to say thank you so much for your support.Walang sawa ang suportang pinapakita mo.Hehe.Nakaka-touch po.Thanks again ate.
And to all my supporters,thank you so much din.Alam ko na marami kayo.Di ko nga lang ma-mention isa-isa.Hayaan niyo,each chapter if makapag-UD ako,i-dedicate ko sa inyo bilang pasasalamat.Palagi kasi kayo nagvo-vote eh.Kaya alam ko kung sino-sino kayo.At sa mga nagfollow sa akin,guys,thank you so much.Na-appreaciate ko kayong lahat.
Love you all and God bless!
________________________

Jychel's POV

Medyo mahaba-habang byahe din ang ginawa namin ni Benjamin pauwi sa mansyon ng ama ko.Pero wala man lang nagsalita sa aming dalawa.Naiinis kasi ako sa kanya.

Pagkarating namin sa tapat ng mansyon,ay mabilis akong bumaba at saka umikot ako papuntang likod ng sasakyan niya upang kunin ang gamit ko na dinaanan namin sa hotel kanina.Pero nagulat na lang ako ng agad niyang buksan ang compartment ng kotse at siya ang nagbuhat ng maleta ko.'Di naman ito kalakihan.At kayang-kaya ko naman ito.

"Ako na Benjamin." Agaw ko sa maleta.Nagtama pa ang mga mata namin pero mabilis pa sa alas kwatro na iniwas ko ito.

"Let me Jychel.Kahit hanggang gate lang ng bahay niyo." He insisted.Hinila niya kaagad ang maleta ko at walang lingon-likod sa akin na tumuloy-tuloy sa gate ng bahay.Agad ko naman siyang sinundan.

Napsinghap ako ng tumapat sa napakalaking gate na ito.Nandito na naman ako sa lugar na ito na may masakit at katakot-takot na parti ng buhay ko.At higit sa lahat,nandito na naman ako sa poder ng ama ko.Nandito na naman ako sa taong ito na isa din sa mga nanakit ng damdamin ko.Isa sa mga dahilan kung bakit miserable ang buhay ko ngayon.

"We're here." Boses ni Benjamin ang pumukaw sa gunita ko.Malungkot pa siyang tumingin sa akin habang inaabot ang maleta.Ewan ko lang.Pero nakikita ko sa mga mata niya ang kalungkutan at pangungulila.

Pangungulila?Imposible!

Blangko ko siyang tiningnan at saka nagsalita. "Salamat sa paghatid Benjamin." Pilit kong pasalamat sa kanya na kahit ang kalooban ko ay tumututol.Tinatraidor na naman ako ng sarili ko,nang katawan ko at higit sa lahat nang puso ko.

Parang ayaw ko kasing humiwalay sa kanya kahit sabihin ko sa sarili ko na kainisan ko siya.

"Jychel..." Mahina niyang boses ang narinig ko. "...see you again." Napapalunok pa siya ng sabihin niya ang huling mga salita niya.

"Goodbye Benjamin!" Saad ko at saka ibinaling ang paningin sa loob ng kabahayan na nakikita dito mula sa labas.
Goodbye?
Bakit pakiramdam ko kayhirap bitawan ng salitang iyan?Dahil ba sa gusto ko pa siyang makasama?

"Don't say goodbye Jychel.Magkikita pa tayo ulit." Parang namamaos pa na wika niya at saka tumingin sa kawalan. "See you." Dugtong pa niya na sa ngayon ay nakapamulsahan na.Di ko mawari ang nakikita kong reaksyon sa mukha niya.Pakiramdam ko,may gusto pa siyang sabihin na hindi niya kayang sabihin.

Hindi ko na siya sinagot.Dahil habang nakikita ko ang mukha niya,lalo lang akong nasasaktan.Nabibigatan ako dahil sa iniisip kong maghihiwalay na naman kami.

Shit!

Bakit ganito ang nararamdaman ko?Sa tuwing makikita ko ang mga mata niya gusto kong umiyak.Gusto ko siyang yakapin pero di ko na magagawa yan dahil wala na akong karapatan.Hindi kagaya ng dati na malaya kong nagagawa sa kanya ang mga bagay na ito.Kaysa mapatulo ang luha ko,tinalikuran ko na siya.Pumunta ako sa kinaroroonan ng doorbell.Pero bago ko pa pinindot ang doorbell,nilingon ko siya na ngayon ay papa-sakay na ng kotse niya.

Forbidden Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon