FL49 - I Cry (Part 2)

4.7K 107 0
                                    

Benjamin's POV

Napatulala at sinundan ko na lamang sila ng tingin habang hinahabol nila si Jychel.Wala akong nagawa.Mabilis ang pangyayari.Parang ayokong maniniwala pero paanong hindi ako maniniwala kung ang lahat ng katanungan sa isipan ko ay nasagot na.

Kanina habang nag-uusap sila ay napagtagpi-tagpi ko ang lahat.Napaisip ako na kaya ganon na lamang ang galit ni mommy sa ama ni Jychel dahil ito pala ang lalaking nanakit sa damdamin niya noon.

Naalala ko pa noong may naikwento siya.May lalaki siyang minahal bago sa daddy ko.Pero ang sabi niya rin sa akin noon ay ang daddy ni Jychel ang dahilan kung bakit namatay ang ama ko.Alam ko noon na mas may malalim siya na dahilan kaya sukdulan ang galit niya sa ama ni Jychel.

Pero yung kapatid kong namatay noon,ibig sabihin ay siya ang totoong anak ng kinilalang ina ni Jychel.Ipinagpalit sila.Kaya pala may pagkakahawig si Jychel at ang mommy ko.Kapag ngumiti sila ay pareho ang hugis ng mga labi nila at ng mga mata.Pareho din sila ng ugali na may pagka-masungit pero sweet.Minsan din maloko ang mommy ko na kagaya ni Jychel.

Nanikip ang dibdib ko sa iisiping magkapatid nga kami talaga ni Jychel.Gusto kong masuka.Nakakadiri ako.Nakakadiri kami.Magkapatid kami pero nagmahalan at nag-sex.

Kung nakinig lang sana kami noon sa kanila.Sana hindi pa nangyari ang lahat ng ito.

Sino ba ang dapat sisihin,kami ni Jychel dahil hindi sila sinunod o sila dahil hindi nila kaagad sinabi sa amin ang totoo?

Tiim-bagang akong napatingin sa malayo.Halu-halong emosyon.Sakit,galit,at pandidiri ang nararamdaman ko.Pero mas lamang ang sakit na nararamdaman ko.Mahal ko si Jychel at iyon pa rin ang sinisigaw ng puso't isipan ko.Nandidiri ako sa sarili ko pero lumalamang pa rin sa puso ko ang pagmamahal sa kanya.

Nagmahalan kami.Minahal ko siya ng sobra at minahal niya rin akk.Ang pagmamahal ba namin sa isa't-isa ay lukso lang ng dugo dahil magkapatid kami?Pero hindi.Hindi ko nararamdaman ang lukso ng dugo kundi pagmamahal ng totoo.Mahal ko siya bilang girlfriend at hindi mahal bilang kapatid.

Kahit anong pilit ng isip ko na magkapatid kami pero hindi ko iyon madama sa puso ko.At masakit.Damn!Sobrang sakit dahil mahal na mahal ko pa rin si Jychel sa kabila ng lahat ng mga nalaman ko.

Si mommy,siya lang ang makakasagot sa lahat.Kailangan ko siyang makausap.Siya ang makakasagot ng lahat.Alam kong galit na galit siya sa akin.Pero kailangan ko siyang harapin alang-alang sa amin ni Jychel.At kung maging totoo man ang lahat,hindi ko siguro kakayanin.Mas nanaisin ko pang mamatay kaysa mabuhay.

Pinilit kong ihakbang ang mga paa na kanina pa naka-pako sa buhanginan.Naninikip ang dibdib ko at halos 'di na ako maka-hinga.Pero kailangan kong pilitin ang katawan ko.Gusto na rin pumatak ng mga luha ko pero kailangan kong pigilan.Kailangan kong magpakatatag at magpaka-tapang bago ko harapin ang aking mommy.Nang sa ganun,kung ano man ang resulta,mapadali para sa akin.

Pero buo na ang pasya ko.Ayoko ng mabuhay kung sakali mang maging totoo ang lahat.

Gabi na ng makarating ako ng Manila.Pero sa halip na umuwi ako sa amin ay dumaan muna ako sa bar.Kailangan ko ng alak para maging manhid ako sa katotohanan.

Gusto ko munang magpaka-lunod sa alak.Bawas sakit na rin sa nararamdaman ko ngayon na siyang pumapatay sa akin.

Hindi ako lumuluha sa mga mata pero ang puso ko nalulunod na yata ng mga luha.Nalulunod na ng luha sa sobrang sakit.

Damn it!

Mas masakit pa ito kaysa naramdaman kong sakit noong lumayo si Jychel sa akin.Sa iisipin pa lang na hindi na kami pwede,halos madurog na ang pagkatao ko na pati yata kaluluwa ko ay mawawasak na.

Forbidden Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon