FL31 - Chasing Cars

7K 157 15
                                    

'Chasing Cars' - from Snow Patrol

-------------------------
Jychel's POV

Ipiniksi ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko at mabilis na naglakad.Napansin ko pa na sinundan niya ako pero di ko na siya nilingon.

"Jychel..." Tawag niya sa akin na parang nagsusumamo.Binalewala ko ang pagtawag niya sa akin.

Tamang-tama naman ang siyang pagdaan ng taxi.Kaya mabilis ko itong pinara.

Pagkapasok ko sa loob ng kotse,agad kong pinunasan ang mga luha ko na pumatak habang tinatalikuran si Benjamin.Naiiyak ako dahil hindi ko siya kayang harapin.Nasasaktan ako sa tuwing maririnig ang boses niya.Ayoko naman bumigay kaagad sa kanya ng ganun-ganun na lang.Malaki ang ginawa niyang kasalanan sa akin.Sinaktan niya ako ng ilang taon.At hanggang ngayon,alam ko na lalo akong masasaktan kapag magkasama kami.Kaya okay na yung ganito.Yung iiwasan ko siya.

Sinulyapan ko sa side mirror na ito ang kinaroroonan ni Benjamin.Naroon pa siya.Nakatayo habang habol ng tanaw ang papalayong taxi na ito na sinasakyan ko.

Base sa reaksyon ng mukha niya,nakikita ko ang kalungkutan doon kahit malayo na kami.Parang nagmamaka-awa pa ito habang nakatanaw sa taxi na ito.At sa mga nakikita kong iyon,parang pinipiga ang puso ko.Kaya naglandasan ang mga luha ko.

Pati ang driver ng taxi na ito ay nagtataka din sa akin.

"Ganyan talaga ho kapag sa larangan ng pag-ibig.Di maiiwasan ang masaktan.Pero sana kung may mga pagkakamali man sa isang relasyon at alam niyong nagmamahalan pa kayo,bakit niyo pa pahihirapan ang mga sarili niyo?"

Napalingon ako kay manong driver ng magsalita ito.At sa mga sinabi niya,para akong natamaan.Oo nga,mahal ko pa si Benjamin,eh siya kaya,mahal pa ako?Paano ko ipaglalaban ang pagmamahal kong ito kapag ako lang ang maaaring lumaban.Pero duwag ako.Kaya sigurado din akong di ko maipaglalaban ito.

"M-manong,mahabang kwento po kasi." Sagot ko.Pero mukhang nababasa niya naman ang pangyayari dahil siguro sa nakita niya sa amin kanina ni Benjamin.

"Kaya nga iha.Pero alam ko at nakikita ko na pareho kayong nasasaktan at pareho pa kayong nagmamahalan.Kaya wag kang mawalan ng pag-asa.Ipaglaban mo ang nararamdaman mo sa kanya." Mahabang sagot nito kaya napangiti ako ng tipid.Mukhang love adviser kasi siya.

"Thank you so much manong." Senserong pagpapa-salamat ko.Maganda pala kapag ganito.Na may hindi ka kakilalang tao na nagbibigay sayo ng advice.

Ngumiti lang siya sa akin at agad na binilisan ang pagpapatakbo.Sinabi ko na rin kung saan ako pupunta.

At sa mga sinabi ni Manong,napapaisip ako.Ito na ba ang tamang panahon upang harapin at kausapin si Benjamin ng masinsinan?At ang pina-pakita niya sa akin,totoo kaya yun?Iyong pag-abang niya sa akin,ano ang ibig sabihin nun?

---------------------------------

Mahigit ilang buwan na ako dito sa Pilipinas.At yung kasal ni Railey,hindi natuloy.Lahat kami ay nagulat sa mga pangyayaring iyon.Ayon sa nabalitaan ko,sumama daw ito sa isang lalaki.At wala kaming idea kung sino tinutukoy nilang lalaki.Dahil siguro sa kahihiyan,itinago ng pamilya niya sa medya ang kaganapan.

At ako?Heto pa rin sa Pilipinas.Ewan ko ba kung anong dahilan ang pumipigil sa akin na mananatili dito.Basta ang alam ko,hindi ko pa kayang umalis dito.Si Ashton at Kimberly, panay na ang tanong nila sa akin kung kailan ako babalik doon. Dahilan upang iwasan ko muna sila.Wala kasi akong maisasagot sa kanila sa kadahilanang wala akong idadahilan.

Kami ng ama ko?May pagbabago pa ba?Siyempre ganun pa rin.Kaya nga umalis ako sa mansyon niya at ngayon,dito na ako sa condo na binili ko nakatira.Pumupunta lang ako doon kapag nakikiusap si lala sa akin.Mukhang pinipilit niya kasing paglapitin kami ng ama ko.Pero sa tuwing magkikita kami ni Mayor,nag-aaway lang kami.

Forbidden Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon