FL8-You Made Me Live Again

8.6K 195 24
                                    

"You Made Me Live Again" a song from Janet Basco.
I was astray you showed me the way
And now I finally found my home in you..........

I was lost in the dark
With my lonely,broken heart
Then you came along
You take me home
And made me your own....
These are just a sample lyrics of this song.

----------------------------

Jychel's POV

Bumalik kami sa school. Kailangan ko kasing kuhanin ang kotse ko na nakapark dito.

"Pwede bang bukas babe ay ihatid sundo na lang kita?" Bigla akong napatigil sa pagbukas ng kotse ko sa sinabi niya.

"No." Mabilis kong sagot.Bigla namang lumungkot ang mukha niya. "Sorry Benjamin. Pero di talaga pwede." Pagdadahilan ko.Ayoko lang kasi na makita niya ang totoo kong ama.

"But why?" Kunot noong tanong niya.

"Benjamin please. Wag muna ngayon ha.Saka na." Pakikiusap ko sa kanya.

"Ok. Naiintindihan ko." Sagot niya at saka tumango pa siya.

I glance at him.Maraming bagay na talaga ang ginawa ni Benjamin sa akin na nakakapag-bago sa buhay ko.Lahat ginagawa niya para maging masaya ako.Lahat ay iniintindi niya.Kagaya na lang kanina.Ang sarap pala kapag may tao kang nailalabasan ng sama ng loob mo ano?

"Salamat Benjamin." Sinserong sabi ko.

"No problem babe.Basta ikaw." At ginagap niya na naman ang kamay ko at dinala sa mga labi niya.

Bakit sa tuwing ginagawa niya ito ay gumagaan ang pakiramdam ko?

"Ahemmm!" Agad kaming napalingon sa pinagmulan ng mga boses na iyon.Parang nag-chorus pa kasi ang pagtikhim nila.

At ayan sila. Nakangiti sa amin ni Benjamin ng makahulugan.Sina, Arthur,Krizza,Jacob at ewan ko ba kung bakit kasama nila sina Railey at Beatrice.

"Wow!Himala mga tol. Lalo ka na Jacob.Kasama mo si Railey ah." Tukso ni Benjamin kay Jacob. Si Railey kasi,ay matagal na daw na may crush kay Jacob.At dahil,nobody nga si Railey, naiinis si Jacob na lumapit dito.Alam din kasi nila na crush nito si Jacob.

"No choice." Kibit balikat na sagot ni Jacob.Bigla namang yumuko si Railey.

"Talaga lang pare ha?" Pang-aasar ni Benjamin.

Pasimple kong tinanggal ang magka-holding hands pa naming mga kamay ni Benjamin.Paano,lahat sila ay nakatingin doon.

"So kuya,..." Si Krizza.Makahulugang tingin ang ginawa niya kay Benjamin. "...my dapat ka bang sabihin sa amin o sa akin?" Dugtong pa nito. Tsaka ngumiti.Tumingin pa ito sa akin at pakindat-kindat pa.Loka-loka din kasi itong kapatid ni Benjamin eh.

"Well,ano ba sa palagay niyo?" Si Benjamin na lumapit sa akin at hinapit ako sa baywang.Gusto kong kumawala sa pagkakahapit niya ng baywang ko pero ewan kong ano na naman ang pumasok sa isip ko.Hinayaan ko lang siya. At sa totoo lang,parang ayaw ko siyang mapahiya sa mga kaibigan niya.Kahit sa ganitong bagay lang,sana makakabawi ako sa kanya. Marami na siyang ginawa para sa akin.Pakiramdam ko nga, binigyan niya ako ng panibagong buhay sa kabila ng kasamaan ko.

Forbidden Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon