FL41-Marry You

7.7K 164 4
                                    

'Marry You' - a song from my favorite singer Bruno Mars.

---------------------------

Jychel's POV

"Babe..." Ginising ako ni Benjamin sa pamamagitan ng mga halik niya.Nakatulog pala ako pagkatapos naming pagbigyan ang pananabik sa bawat isa.

Ilang linggo na rin kasi kaming di nagkikita dahil sa hindi na ako pinayagan ni lala at ng ama ko na lumabas ng bahay.At kapag gusto kong lumabas,may kasama akong bodyguard para di makatakas.

Binawalan na nila akong makipagkita kay Benjamin pagkatapos noong nadatnan kami ni lala sa condo ko.

Ang unit na kinuha ko ay ibinenta na rin nila.Tinanggalan din ako ng mga bagay na makapag-communicate kay Benjamin kagaya na lang ng cellphone at mga gadget.

Kung gaano ka-strikto si daddy,mas higit ngayon si lala dahil halos lahat ng galaw ko ay binabantayan niya.Ni hindi niya na rin ako kinaka-usap.Nagiging cold na rin siya sa akin.

Kaya ko lang naman nakontak si Benjamin ng makatakas ako dahil kay Arthur.Alam kong hindi ako kayang isuplong ng pinsan ko.

At ang kwento pa ni Benjamin, nakailang beses din siyang nag-abang sa akin sa labas ng bahay.Pero hindi ko ito nalaman dahil hinaharang siya ng mga guards.Mayroon pang tinatakot siya.Dagdagan pa ng mommy niya na kung anu-ano na lang ang ginagawa para masira kaming dalawa ni Benjamin.

"Babe..." Niyakap niya ako ng mahigpit na siyang pumutol sa pag-gunita ko.Ramdam ko ang kanyang sobrang pananabik sa akin.Kaya niyakap ko rin siya at inamoy-amoy.

"Sobrang miss kita babe." Saad ko na napapa-hikbi.Isiniksik ko ang mukha ko sa leeg niya.

Hindi na rin natuloy ang balak na pagpapadala ni lala sa akin sa New York.Okay na iyon.Atleast kahit papaano magagawa ko pa rin ang ipaglaban si Benjamin.

"Sorry babe.I'm sorry kung natagalan tayong di nagkita.You know how much i missed dahil sa hindi nating pagkikita ng ilan linggo.Halos mabaliw na ako sa kakaisip sa 'yo.Na kahit pader na nakapalibot sa bahay niyo ay sinubukan kong akyatin.Pero bigo ako.Tapos si mommy,nagkasakit pa.Binantaan niya ako na kapag nakita pa niya na nakikipagkita ako sa 'yo,tutuluyan niya na ang sarili niya.Babe..." Pinisil niya ng marahan ang baba ko. "...sorry dahil hindi kita kaagad kita napuntahan.Naiipit ako." Ramdam ko ang kanyang kalungkutan at sakit na naramdaman.

Hinalikan ko siya sa mga labi at saka nginitian. "Hindi ako galit sa 'yo babe.Di ba,sabi ko sa 'yo ipaglalaban na kita at hindi na kaagad iiwas kung anuman ang mga problema natin."

"Thank you babe.Sabihin na nating matapang ako,pero natatakot na ako na paghiwalayin pa nila tayo babe.Kaya hangga't maaari,gusto ko ng matali ka sa akin.Gusto ko na kahit ano ang gagawin nila,hindi na nila tayo mapaghiwalay." Mahaba niyang saad na punk ng emosyon.

"Ganyan din naman ako babe ah." Sagot ko.Masaya ako ngayon na nakakasama ko na si Benjamin. Kahit nakaw lang at basal ang relasyon namin ayon sa mga pamilya namin at least naghahanap pa rin kami ng paraan para makipagkita.

"I love you babe.So much that I could give my everything to you.I will give up the things that makes me happy just to be with you.I will give up my own life para lang mapasaya ka.Jychel Mae Olivarez..." Pinihit niya ang mukha ko at pinagtama ang mga mata namin habang nakahiga kami.Kinapa niya rin ang palad ko at marahang pinisil ito.Nakaawang lang ang mga labi ko habang kunot-noong naghihintay ng kanyang sasabihin.Kinakabahan ako.Parang may gusto kasi siyang sasabihin. "....gusto kong makasama ka habangbuhay at maiparamdam ko sa 'yo kung gaano kita kamahal.Kahit pa tutol ang mga magulang natin, pero lalabagin ko sila dahil mahal kita.Walang makakapigil sa ating pagmamahalan babe.Kahit sino pa sila.And now, Jychel Mae Olivarez,will you marry me?" Nginitian niya ako.Pero ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko.Natatawa din ako kasi hindi man lang pumili ng lugar na nababagay sa proposal niya.

Forbidden Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon