CHAPTER THIRTY

55 4 0
                                        

Why do sometimes we felt something weird inside?

______________________________________________________________________________

CHAPTER THIRTY

MARCUS POV

Ilan araw na rin ang lumilipas ng maging kaklase o makilala namin yang si Bret. Kainis!

At simula ng araw na yun naiinis talaga ako sa kanya.

Bwisit! Laging nasisira ang araw ko sa tuwing nakikita ko siya.

Bakit ba kasi kailangan niya pang magtransfer dito?

Hindi nalang siya mnatili sa dati niyang school.

Lumipat pa talaga dito ang loko!

"Marcus ayos ka lang ba?"

Natigil ako sa pagsipa sa pader at dahan dahan lumingon kay Suzanne. Pilit kong pinaskilan ng ngiti ang aking mga labi at masayang nagwika ng, "Ayos lang ako Suzanne -" hindi pa ako natatapos magsalita ng bigla niyang hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Hindi ka ayos nararamdaman ko". may pag aalalang wika niya. "Kanina pa kasi kitang nakikita na sinisipa yan pader." bumalatay ang lungkot sa kanyang magandang mukha. At naramdaman kong mas lalong humigpit ang hawak niya sa mga kamay ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Ang makita siyang malungkot ay parang naghahatid rin sa kin ng kalungkutan.

" Wala talaga akong problema." muli kong tugon sa kanya.

Pero sunud sunod na iling ang ginawa niya sabay wika, " Hindi..alam ko may problema ka..nararamdaman ko..Marcus...maaari ko bang-" hindi niya natapos ang kanyang sasabihin ng biglang may nagsalita

"Suzanne, halika na sa cafeteria." yaya ni Bret sa kanya. Natigil siya sa pag usisa sa wallet niya ng mapansin niyang mukhang hindi sa kanya susunod si Suzanne. Bumaling siya rito.." May problema ba?" Nagpabaliki balik ang tingin niya sa nakahawak na kamay ni Suzanne sa aking mga kamay. Kababakasan mo ng pagtatanong ang kanyang mga mata.

Bigla kong hinawakam rin ng mahigpit ang mga kamay ni Suzanne na naging dahilan upang mapatingin sa kin si Suzanne na may pagtataka ngunit agad rin napalitan ng isang ubod tamis na ngiti.

"Ah, Bret, okay lang ba na hindi kita masamahan sa cafeteria?" tanong ni Suzanne kay Bret.

"Ayos lang kaya ko naman. sige una na ako.." ngiti niyang paalam kay Suzanne. At siya naman baling sa kin, "Sige marcus"..ngumiti rn siya sa kin.
Ang ngiti niya...bakit ganun?

Tumango nalang ako at pinagmasdan siya habang lumalayo.

Naramadaman ko ang paghila sa kin ni Suzanne.

"Ah..eh..hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pero pag may problema ako ganito ang ginagawa sa kin nina mommy at daddy..hindi ko alam pero gumiginhawa ang nararamdaman ko pag ginagawa nila ito.."

Namalayan ko nalamang ang sarili ko na gumanti ng isang mahigpit na yakap sa kanya.

"Nakakahiya..hindi naman kasi ganun katindi ang problema ko.." wika ko habang nakangiti..nahihiya kasi talaga ako kay Suzanne.." pero salamat Suzanne..gumaan ang pakiramdam ko.."

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Sa mga konting kilos at gawa niya, lahat ng alinlangan at pangamba ko nawawala.

Hindi ko alam pero masaya ako talaga..

Naramdaman kung parang may nakatingin sa min kaya tinignan ko ang posibleng direction nito..

Nakita ko si Bret nakatingin siya samin..

Nakangiti ngunit may lungkot ang kanyang mga mata..

Ang ngiti niya..

Hindi ko maintindihan nagagalit at naiinis ako sa kanya kasi pakiramdam ko inaagaw niya sa akin si Sizanne pero bakit ganun?

Sa mga ngiti niya hindi ko maramdaman na aagawin niya sa akin si Suzanne..

Hindi ko talaga maramdaman..

Bakit ganito?

WHEN HE WAKES UP.......Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon