EIGHT

164 7 0
                                    

EIGHT

Margarette’s POV

“Hi, Manang Lucing!” masaya kong bati sa matandang katulong.  Siya ang nag-alaga kay Marcus simula pagkabata.  Tumuloy ako pagpasok sa kusina.  Andito ako ngayon sa bahay nina Marcus at ng ASAWA niya..Dahil nga mag-asawa na sila mayroon silang sariling bahay.  And guess what? Kanino galing ang bahay?  Well..well..well..kanino pa? Eh di sa nagpasimuno ng lahat ng ito…Yes tama sa lolo…pinahanda at pinagawa niya talaga ang bahay na ito para dun sa dalawa. Pero sa pagkakaalam ko Marcus never went here nor sleep here.  Kahit naman siguro ako noh. Whatever.

“Kamusta hija?” masayang tanong sa kin ni manang.  “Napadalaw ka.  May problema ba?”  nag-aalalang sunod na tanong sa kin

“Hay” malalim na buntong hininga ko. “Idinaan ko lang poi to.” Sabay abot ng tupperware kay manang.

“Ano naman ito?”sabi ni manang sabay tingin sad ala ko at ngumiti, “ikaw ba ang nagluto nito?”

“At bakit ko naman Siya ipagluluto?” – ako sabay taas ng kilay “sinuswerte Siya.”

Umupo ako. “Hinding hindi ko Siya ipagluluto kahit kailan.  As in never in my life.” Sabay hawi ko sa buhok ko.  “Si mommy po nagluto niyan.  Pinilit niya ako na idaan yan dito.”

“Paborito ni Suzanne ito, hindi ba?” nakangiting tanong ni manang.  Nilagang baka yon.  Dati alam ko favorite Niya yon. 

“Ewan.” Kibit balikat kong sagot.

“Margarette..” – si manang Lucing, “Matagal na panahon na iyon.  Kalimutan niyo na.  Mga bata pa kay noon.  Patawarin niyo na Siya.  Sampung taon na ang nakakaraan,” pangaral ni manang, “Yung mga nangyari noon kalimutan niyo na ha.  Malalaki na kayo.  25 ka na.  At si Marcus, aba hindi ko ganun siya pinalaki.  Dapat galangin parin niya ang asawa niya.  Kasal pa rin sila.  Pag-usapan niyo ito hija.” – malungkot na pahayag ni manang Lucing

“I’m scared Manang Lucing, I can’t do what you’ve said.  I’m so sorry.  Maybe ten years isn’t enough for to forgive her.”

“Good morning ma’am Suzanne! Nariyan  po pala si Ma’am Margarette.” Napakinggan kong sabi ng katulong.  Tumingin ako sa gawi ron.  At nakita ko siya papalapit dito sa min ni manang lucing.  Dirediretso lang siya na tila mo walang napansin.  Hindi man lang siya nagtapon ng kahit isang sulyap sa akin.  Paki ko.  Dumiretso siya sa kitchen sink at naghugas ng kamay.

“Nagdala si Margarette ng nilagang baka.  Iiinit ko.  Saan mo gustong kainin?” – masayang tanong ni manang Lucing sa kanya.

Pero imbes na sumagot.  Nilampasan niya lang kaming dalawa at lumabas na ng kusina papunta sa kung saan.

“Iaakyat ko nalang sa iyong silid.” Pahabol na sabi ni manang.

“Sa kwarto niya.” Baling sa kin ni manang Lucing sa malungkot na tinig habang inaayos ang dala ko.  “Alam mo bang simula ng dumating kami sa bahay na ito lagi siyang nasa kwarto.  Madalang lumabas ng bahay.  At kung lalabas lang hanggang garden lang.  Alam mo ba napakalungkot niya.  Dati kapag may problema siya sinasabi niya.  Pero ngayon napakalaki ng pinagbago niya.  Napakatahimik niya.  Kaya sana ayusin niyo na.”naiiyak na turan ni manang.

“I have to go.” Ang tangi kong nasabi.

Lumabas na ako ng bahay.  Napahinto ako sa may pintuan.  At nakita ko siya sa may swing.  Nakatalikod siya sa kin.

KKKRRRIIINNNGGG

Biglang mat tumunog. Napatingin ako sa cellphone ko.  Hindi pala ganun ang ringtone ko.  Nang tuminging ako sa kanya.  Madali siyang tumayo at halos tumatakbong naglakad papasok ng bahay.  Nilampasan niya ako.  Nasa likod ko pala si manang sinundan ako. Nung dumaan siya sa harapan ko, simula nang dumating siya ngayon ko lang nakita na may ekspresyon ang mga mata niya.  Alam mo ba kung ano ang nabasa ko?  Sobrang nag-aalala…

________________________________________________________________________________ 

WHEN HE WAKES UP.......Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon