TWELVE

177 9 1
                                    

TWELVE

MARCUS’ POV

Pagkalapag ko sa kama kay Sophy biglang nag-ring ang phone ko…. “Sandali lang”, sabi ko at kaagad akong lumabas ng kwarto..

“Hello” – ako

“Hello? Hello!? Hello?!” medyo lumakas nay un boses.  “kung sino ka man na walang magawa sa buhay, huwag ako ang guluhin mo”. Ii-end ko n asana ng…

“Titiyakin kong huli na ang lahat at wala ka ng babalikan pa..hahaha” ang sabi ng tinig sa kabilang linya..tot…tot..tot…

“hello! Hello” hindi ko alam kung sino at para saan ang tawag na yon ang tangin nalalaman ko lamang ang may kakaibang takot na raramdaman ang puso ko ngayon… “prank caller” ang tanging lumabas sa bibig ko.

Babalik na sana ako nang maalala ko SIYA.  Bumaba ako at sumilip sa may bintana at nakita ko siya na nakaupo sa may ulanan..nakatingin sa langit…Hindi man lang ba siya nagpumilit pumasok?  Hindi ba siya nanaramdam ng lamig?  Baliw ba siya? Pero alam ko at nararamdaman ko na nilalamig na siya.  Lumakad ako at lumapit sa may pintuan.  Akmang hahawakan ko na ang Knob ng biglang narinig ko nanaman ang tunog nay un..

KKKRRRIIINNNGGG

Agad-agad siyang tumayo at bakas sa magandang mukha niya ang pagkabalisa.  Tumakbo siya sa may pintuan at sinubukan iikot at itulak iyon pero hindi naman bumukas.  Nakita kung kumuha siya ng bato at ibinato niya yun ng ubod lakas sa may bintana.  Nagkalat ang mga piraso ng bubog sa sahig.  Nakita kung tumalon siya papasok mula roon..dahil siguro sa basa siya ng ulan..hindi maganda ang bagsak niya at medyo nadulas siya..may pumatak na dugo..akala ko hindi niya ako napansin dahil nagpatuloy siya sa paglalakad ngunit nagulat ako ang bigla siyang huminto..

“Huwag kang mag-alala..lilinisin at aayusin ko yan”, walang emosyon na sabi niya at tuluyan na siyang umakyat sa taas.

Ano ba itong nararamdaman ko?  Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko…AARRGGHH

Imbis na sa silid ako tumuloy…nakita ko ang sarili ko sa minibar..kinuha an gang alam kong pinakamatapang sa lahat at tinungga ko ito mula sa bote..

Naalimpungatan ako sa munting liwanag at tunog na sa tingin ko ay nagmumula sa may receiving area ng bahay..agad akong tumayo at tumungo roon..nakatulog pala ako…napatingin ako sa wall clock…4am

Nakita ko siya doon..mukhang inayos at nilisin niya ang mga basag na bubog kanina.  Napansin ko na may benda ang isa niyang kamay at may pumatak na dugo naman sa kabila.  Bigla siyang nahatsing at medyo nanginig..mukhang hindi siya nag abala na magpalit ng damit..mukhang hinayaan niyang matuyo yon sa katawan niya..nang matamaan ng linawag ang mata niya,,hindi ko maunawaan ang nararamdaman ko..gusto ko siyang lapitan..yakapin ng mahigpit..at sabihin na hindi ko siya iiwanan kailanman..arrgghh..ano ba tong nararamdaman ko..ginulo ko ang buhok ko at inihilamos ang mga palad ko sa mukha ko…arrgghh..ewan..nang muli kong iangat ang ulo ko..nakit kong paakyat na siya sa taas..

KINABUKASAN

“good morning!” tsup – sophy

“hahaha…bakit parang nagulat ka?  Lagi ko naman ginagawa yun ah.” Sabi ni Sophy sabay pout

Oo nga naman..bakit parang nagulat ako..pakiramdam ko mali lahat ng ginagawa ko..naguiguilty ako..at pakiramdam ko parang nagtaksil ako…

“sabay na tayo maligo” si sophy sabay hatak sa kin

Pagkababa namin … agad kaming dumiretso sa dining room..

“Ang lakas ng loob mong magadala ng babae dito sa pamamahay ninyong mag-asawa!  Wala ka bang talagang delikadesa?!  Hindi ka man lang nahiya sa asawa mo!” malakas na sigaw ng aking ama..

“Hindi ko babae lang si Sophy daddy, si Sophy ang babaeng mahal ko.” Ang sigaw ko rin kay daddy..  bakit baa yaw nila kay Sophy at mas ginusto nila ang babaeng ito.

Tumayo si daddy…at humarap sa kanya…naroon rin pala siya..at kasabay ni daddy kumain…

“Paumanhin hija” hinging tawad ni daddy sa kanya

“bakit sa kanya humingi ka nang sorry..hindi ba dapat kay sophy ka magsorry siya ang nasaktan mo.” Patuloy na sabi ko kay daddy

Pero imbes na sagutin ako, nagpatuloy lang ito sa pagsasalita sa kanya.

35th anniversary namin ng iyong mommy..pumunta ka roon..at ang ASAWA mo ang isama mo..” idiin talaga ni daddy ang salitang asawa.. “ hija, suotin mo yon ha..ang mommy Olga mo ang nagdesign nun..mauna na ako..manang lucing kayo na po ang bahala kay Suzanne..aasahan ka namin..”

“opo” ang sagot niya

At tuluyan ng umalis si daddy.

WHEN HE WAKES UP.......Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon