Marce’s POV
“Good Morning!” pormal na bati ng kasama ni Atty. Blanco.
PAK
Lahat kami nagulat. Bigla kasi si ate Margarette tumayo at sinampal siya.
“Ang kapal ng mukha mong babae ka! Bakit ka andito?! Are you a part of this FAMILY?!” – galit na sigaw sa kanya ni ate Margarette.
“Hija, nirequest siya ng lolo mo.” – si Atty. Blanco. Hindi malaman ang gagawin
“But why? Hindi siya dapat andito! Dahil wala siyang KARAPATAN!” – sigaw parin ni ate Margarette
Tumayo si tita Margie at inawat si ate Margarette.. “Enough, baby, it’s okay” sabi ni tita Margie at inakay na pabalik sa upuan si ate. “I’m sure may magandang dahilan ang lolo mo why she is with us today.” Humarap si Tita sa kanya. “Hija, please sit beside Marce. And I’m very sorry for Margarette’s action.”
Lumakad siya papunta sa kin at umupo sa tabi ko. Kahit sampung taon na ang nakakaraan hindi pa rin nalilimutan ni ate margarette ang nangyari at galit pa rin si ate sa kanya. Tinuring ko siyang nakatatandang kapatid. Dati siyang matalik na kaibigan ni ate Margarette pero ng nangyari ang bagay na yon nagbago ang lahat… ang tingin sa kanya ni ate ay isang manggagamit at manloloko…
“How dare you to show your face here! Pati ba si lolo ginamit mo? O baka tinakot mo?! Anyway, that’s what are bitches for! Right? You’re expert in doing those things, hindi ba?” – puno ng galit na sabi ni kuya Marcus. “Ano nga ba ang aasahan sa isang tulad –
“That’s enough Marcus!” – galit na sigaw ni tito John
“Hija, please forgive him. They are so childish.” – sabi ni tito Sean
“Mabuti pa magsimula na tayo atty.” – sabi ni tito dick
Tumahimik na si kuya Marcus. Kung galit si ate Margarette sa kanya mas lalo na si kuya Marcus. Dati silang magkasintahan. Magkakasama sila sa iisang barkada. Masasaya sila. Para nga silang magkakapatid kong magturingan pero nangyari yon…nagbago ang lahat…Sa loob ng sampung taon wala kaming nagging balita sa kanya…ang totoo niyan hindi ko alam o namin ang buong pangyayari..ang tanging alam lang namin ay ung sinabi nina kuya Marcus..pero sa side niya wala kaming alam…
“I am sorry Margarette and Marcus. It is your grandfather’s request without her I cannot read this papers even though you are all complete. Wala rin ditong alam si Suzanne. I hope you understand.”- paliwanag ni Atty. Blanco.
Katahimikan.
Kinuha ng tuluyan ni Atty. Blanco ang testament at nagsimula sa pagbasa nito. Tulad ng inaasahan.. ang mansion ay maiiwan kay tito John ayun sa nakagawian. Sa panganay lagging maiiwan ito..kaya ang susunod ay kuya Ben ito mapupunta..hinati hati ni lolo ang lahat sa amin ng pantay-pantay kasama na ang mga private islands, beaches, resorts, choppers and jet planes. Okay naman ang hatian wala kaming angal. Pati nga kaming mga apo ay mayroon din. Pantay-pantay at tama lang. Mahusay talagang maghati ang lolo o dahil pinalaki kami na wag gawin diyos ang pera. Pero ng dumating na sa hatian ng share of stocks ng kompanya lahat kami ay nagulat..
“Para naman sa stocks ng MGC,” patuloy na basa ni atty. Blanco, “Hinati ko ito sa anim. Alam kong tutol kayo dito dahil ito ay isang family corporation. Pamilya lang dapat. Pero binali ko na ang tradisyong ito. Pumayag na rin dito ang batas. Ito ang dapat at tamang mangyari. 25% ay kay John, 20% kay Dick, 15% sina Sean at Tuck, 5% para sa Montes Foundation at ang natitirang 20% ay para kay Suzanne Mercado –
“WHAT!” sigaw ni ate margette “Bakit siya kasama?!”
“Margarette hija, please calm down” – si tito Sean, “sige lang atty”
Nagpatuloy si Atty. Blanco. “Pero makukuha lang ninyo ang lahat ng iyon kung magpapakasal sina Suzanne at Marcus..isang buwan matapos basahin ang will na ito. Ngunit kung ang isa sa kanila ay hindi papaya…ang 60% ng share ay mapupunta kay Suzanne…20% sa foundation at 20% sa gobyerno …ang lahat ng ito ay hindi pwedeng bilhin ng sinuman sa akin pamilya pabalik. Ito ang gusto ko kaya kayo na ang bahalang magdesisyon.”pagtatapos ni Atty. Blanco.
“That’s bullshit! Isang malaking kalokohan!” sigaw ni kuya Marcus at humarap sa kanya “Ikaw!” sabay duro sa kanya ni kuya “Anong ginawa mo sa lolo ko?!”
“Hijo, please relax.” Si tita olga habang pinapaupo si kuya Marcus.
“how could I relax!”patuloy na sabi ni kuya Marcus
“I agree with it Atty.” Walang emosyon sabi niya at sabay tumayo sa upuan niya…humarap siya kay Atty.
“Tapos na po ba Atty?” tumango si Atty. Blanco.. “Kung ganun po mauuna na ako. Pakitawagan nalang po ako sa desisyon ninyo” humarap sa min, yumuko at sabi “if you’ll excuse me. May aasikasuhin pa po ako.” Paalam niya sabay labas ng pintuan…
“KALOKOHAN! ISA YANG MALAKING KALOKOHAN!” patuloy na sigaw ni kuya Marcus
Tuluyan na siyang nakaalis. Gulat na gulat pa rin kaming lahat……..
Pero isang bagay lang ang nasisiguro ko …hindi na siya si ate Suzanne na nakilala ko….
......................................................................................................................................................
COMMENT?
THANKS FOR READING
