CHAPTER THIRTY-TWO

88 8 9
                                    

What's wrong in wattpad?
The truth is natype ko na toh...then suddenly biglang nawala..yung totoo...ano ba problem mo wattpad...kainis ha..hirap magtype lalo na cp lng gamit ko..hope this time okay na...

____________________________________

Third person POV

Mabilis lumipas ang panahon..parang kailan lang, mga bata pa sila, naglalaro sa park na tila'y wala ng bukas..pero ngayon tignan po sila, nagbibinata at nagdadalaga.

Sila ay nasa ikatlong taon ng sekondarya. Isang taon nalang at tuluyan na nilang iiwanan ang kamusmusan, at haharap sa panibagong buhay ng isang kolehiyo...

"Manang" hinihingal na sambit-sigaw ng Kadarating na binata.

"Oh Marcus, hijo nariyan ka na pala," sagot ng matanda. Pinatay muna ito ang host na ginagamit sa pagdidilig ng mga halamang nakatanim tabi ng malalaking gate ng mansiyon ng mga Montes.
" Nasaan ang iyong ama't ina?" patukoy ng matandang katulong sa kasama ng binata sa pagjojogging sa labas.

" Nariyan ho kasunod ko manang", magalang nitong sagot at nagpatuloy sa tunay niyang sadya. " Manang, narito daw po si Suzanne?" hindi mapunit ang ngiti sa mga labi nito.

"Oo, nasa library siya." sagot ng matanda na siyang kinasiya ni Marcus na dalidaling pumasok sa mansiyon.

"Salamat manang," sigaw nito habang papasok sa kanilang tahanan.

Nailing na lamang ang matanda at pinagpatuloy ang naudlot na pagdidilig ng mga halaman.

"Hay, parang kailan lang ano manang," wika ng kadarating lang na ama ni Marcus habang sa gilid nito'y ang nakangiting asawa.

"Sinabi mo pa", naiiling na wika ng matanda. "Jona" tawag nito. Lamabas ang isang batang katulong. "Ipagpatuloy mo muna itong pagdidilig at akoy mag aayos ng almusal." utos nito at sabay bigay ng host kay Jona.

"Sige po", sagot nito at pumasok na ang matandang katulong kasunod ng mag asawang Montes.

__

HABANG si Marcus naman ay napatig sa puno ng hagdan.

Nagdadalawang isip kong siya ba ay pupunta sa kanan, sa kaniyang silid upangag ayos sandali bago humaral kay Suzanne , o sa kaliwa, kung nasaan naroon ang library na kinalalagyan ni Suzanne.

Mga ilang minuto rin siyang nag isip bago tuluyang mapagdesisyonan na pumunta sa kaliwa.  Naglakad na siya papunta rito nang akma na niyang bybuksan ang pinto siya ay napitigil ng isang tinig.

"Haha" mabining tawa ng kanyang ina na nasa kanyang kanan pagkat ang silid ng may asawa ay katabi ng library. "Huwag mong sasabihing haharap ka kay Suzanne ng ganyan ang itsura mo at amoy pawis pa" pagpapatuloy ng ina na tila mo ay nang aasar. Pumasok na ito ng silid nangingiti at iiling iling pa.

Napakamot sa ulo si Marcus ng mapagtantong tama ang kanyang ina. Kaya naman nagpasya na lamang itong bumalik sa silid at mag ayos muna ng sarili bago humarap sa kababata.

"Sumabay muna kayo ni Suzanne mag agahan sa ibaba." utos ng kanyang ama ng ito ay makasalubong niya.

Tanging tango lamang ang sinagot ni Marcus at nagpatuloy na sa kanyang silid.

Nang siya ay matapos sa mag lilinis at pag aayos, bago pa man makalabas ng silid ay napakinggan niya ang message alert ng kanyang cellphone. Tinignan niya ito sa pagbabakasakaliny ito ay isang importanteng mensahe.

"Huwag kang maniwalang isa siyang anghel. Hindi na siya inosente tulad ng inaakala mo."

Napakunot ang kanyang noo.  Hindi niya maintidihan ang mensaheng natanggap. Sa pag aakalang isa lamang itong ligaw na mensahe ay agad niya itong binura.

Lumabas na siya ng silid at naamadaling pumunta sa library. Kumatok muna siya ng tatlong beses bago buksan pagkat ayaw niyang magulat si Suzanne sa kanyang pagpasok.  May pagka matatakutin kasi ito.

Ngunit sa kanyang pagpasok ay wala siyang nakita na Suzanne dito at tanging isang libro na nakabukas lamang ang kanyang nakita. Na sa kanyang hula ay binabasa nito. Nilibot niya ang kanyang paningin at lumakad pa sa loob upang ito ay hanapin kasabay ng pagtawag sa pangalan nito. Nang kanyang mapagtanto na wala nga sa loob ang babaeng hinahanap, agad itong lumabas. Tumingin sa paligid. Nakita niya ang katulong na lumabas sa katapat na silid.

"Nakita mo ba si Suzanne?'' tanong  binata na abala pa rin ang paningin sa paghahanap.

" Si Miss Suzanne po ba?" sagot- tanong ng katulong. Kilala na si Suzzane dito pagkat lagi siya rito maging ang ilang kaibigan. Ng hindi sumagot ang batang amo ay nagpatuloy ito,"Pinatawag po siya ng inyong abuelo", magalang nitong tugon sabay yuko ng ulo.

"Saan?"tanong ni Marcus.

" Sa kanya pong silid tanggapan"

Kaagad umalis si Marcus at iniwan ang nakayukong katulong.

Hindi maunawaan ang biglang pagkabang kanyang naramdaman.

Mabilis siyang nakarating sa silid tanggapan ng kanyang lolo. Akmang pipihitin na ang seredula ng pinto ay ang biglang magpasok sa kanyang isipan ng mensaheng kanyang natanggap kani kanina lamany. 

Ang totoo, hindi lamang iyon ang unang beses na nakatanggap siya ng ganun mensahe. Mga ilang beses na rin.  Hindi niya lamang ito pinapansin.

Sa huli ay napagdisiyunan niya na pihitin at tulayang itulak ang pinto......

"Suzanne..."ang tanging kumawala sa kanyang mga labi....


___________________________________

sorry for the super late update..as usual medyo busy po..

anyway...thank you po for reading..

sorry for the typos and errors in all the possible ways..

thank you

WHEN HE WAKES UP.......Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon