TWENTY

157 5 0
                                    

sorry ha...lame ang update....

pero sana magustuhan mo...

enjoy reading

______________________________________________________________________________

TWENTY

Hindi porket maliit lang ang isang bagay ay hindi na natin ito pahahalagahan.  Minsan ang mga munting bagay na nagagawa natin sa atin kapwa ay nagbibigay sa kanila ng malaking epekto…  hindi natin alam na nababago natin ang buhay nila…maaaring dalhin magdulot ito ng saya o di kaya’y isang matinding kapighatian….

SHEEN’S POV

 

Ring……

 

First ring ng bell…ibig sabihin 15 minutes nalang magsisimula na ang unang klase….

 

Hay….ang bilis ng panahon…natapos na agad ang summer…

 

At sa buong summer wala kaming ginawa kundi maglaro sa playground kasama ang bagong kaibigan naming si Suzanne.

 

“As usual late ka naman!” sigaw ni Yssa. 

 

Kahit talaga kalian napakaingay ng babaeng to.

 

“First day na first day..wala ka pa rin pinagbago..” Yssa.

 

“Hindi pa naman ako late ah.” Pagtatanggol ko sa sarili ko.

 

“Sabihin mo nanood ka na naman ng anime buong gabi.  Nagpapakapuyat sa walang kwentang anime.” Yssa sabay walk out papunta sa upuan niya.

 

Napakamot nalang ako sa ulo.. hay.. Hindi ko talaga siya maintindihan.  Ano bang problema niya?  Eh sa anong magagawa ko eh hindi ko mapigil ang sarili ko eh.  Ang sarap kaya manood ng Anime lalo na yung Naruto.  Favorite ko kaya yun.  Bahala nga siya sa buhay niya.

 

Naglakad na ako papunta sa upuan ko. 

 

“Siguro may gusto sayo si Yssa?” napatingin ako sa may likod ng upuan ko.  Si Alwy.

 

“Tss.” Sabi ko. 

 

Ayoko nga sa babaeng yun..  Parang armalite yung bibig.  Kawawa magiging boyfriend nun tiyak.

 

Rrriiinnnggg……

 

Magsisimula na ang unang klase.  Umupo na ako sa upuan ko.. 

 

Nakita ko si Margarette sa may unahan.  Nasa likod niya si Yssa.  May nakita akong naka ob ob sa upuan sa may malapit sa bintana.  Ikatlo sa huli. Si Marcus. Si Nuts, Water at Sophy ay nasa kabilang Section.  Section 2 sila at kami section 1.  Parang ganun sa anime ang seating arrangement naming.  Thirty students bawat room.

WHEN HE WAKES UP.......Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon