SEVENTEEN

169 6 1
                                    

i would like to extend my warmest acknowledgement to miss IMLUXURY for promoting this story.  i really appreciate it. Hope you would like this chapter.  im really so happy...  sana wag kang magsawa sa pagbasa ng story ko.  sensya na if hindi ako ganun kagaling tulad ng iba.   but i'll do my best...parang nangangampanya lang....hahahaha.....anyways..... thank you very much.....

___________________________________________________________________________

 

SEVENTEEN

Minsan ang akala natin simple at maliit na desisyon lang ang atin gingawa.  Hindi natin alam na sila pala ay nagbibigay ng malaking epekto sa atin tahimik na buhay.

 

 

Masayang umuwi si Suzanne.  Nag-enjoy talaga siya sa laro nila ng mga bago niyang kaibigan.  Bukas ay magkikita kita ulit sila sa may playground upang maglaro ulit.  Nangako sa kanya si Margarette na dadalhan siya nito ng mga cookies.  Gusto niya ang mga chocolate cookies. Pag-uwi niya ikukwento niya lahat it okay Bret.  Nang malapit na siya sa may gate.  Nakita niya roon si Bret na nakaupo sa may tabi.  Nakayuko at may hawak ng supot ng ice cream na alam mong natunaw na.  Agad siyang tumakbo palapit ditto.

 

“Bret.” Hinihingal niyang sabi.  “I’m sorry, nalimutan ko.” Maiyak na wika ni Suzanne.

 

Tumingin sa kanya si Bret at ngumiti.

 

Umiling ito at sabi. “It’s okay.  Buti at umuwi kana.  Akala ko naligaw ka na eh.  Hayaan mo next time bibili ulit ako.  Natunaw na kasi.  Nalimutan ko kasing ilagay sa freezer. Hahaha.  Tara na sa loob.  Nagluto si ate ng chocolate cake.” Ngumiti si Bret ng ubod tamis at hinila na si Suzanne papasok ng bahay.

 

“I’m sorry.” – Suzanne

 

 

Margarette’s POV

 

Tiyak magugustahan ni Suzanne to.  Specialty kaya to ni mommy.  Excited na ako makalaro siya at ipatikim sa kanya ito.  Ang cute-cute niya at masarap kalaro.

 

“Hi, Margarette! Cookies ba yang dala mo?  Pahinga naman oh.” Si Sophy.  Ang napakaarte at feelingera ko kung “friend”.  Ayoko ko nga sa kanya.

 

“Ayoko nga.  Para kay Suzanne kaya to.  At saka kung gusto mo bumili ka na lang no?!”, sabi ko sabay walk-out papunta sa swing.  Doon ko nalang iintayin si Suzanne.

 

“Madamot.” Narinig ko pang sabi niya.  Ewan pero meron pa siyang sinabi na di ko maintindihan.  Bahala na nga siya sa buhay niya. 

 

Swing. Swing. (may tunog ba ang duyan? Ewan?)

 

Ang tagal naman ni Suzanne dumating.  Swing. Swing.

 

Nakita ko si Suzanne na masayang tumatakbo palapit dito.  Nakita ko rin na binati niya si Sophy pero ang malditang iyon inirapan at nilampasan lang si Suzanne.  Kainis.  Problema nun.  Kahapon pa yan ganyan.  Hindi ko maintindihan.

 

“Hello!”Masayang bati sa kin ni Suzanne.

 

“Hi!” sabi ko sabay hatak agad sa kanya sa may puno.  “Di ba promise ko sayo bibigyan kita ng cookies? Taran!” sabay pakita ko sa kanya ng cookies. Nakita kong nanlaki mata niya.  Mukhang takam na takam siya sa cookies.  Pero ang cute pa rin niya

 

“Wow! Ang dami at saka mukhang ang sasarap.” Sabi ni Suzanne.

 

“Sayo lahat yan.  Tikman mo na dali.  Masasarap yan.” Sabi ko sabay kuha ng isa at isusubo na sa kanya pero pinigil niya ako.

 

“Intayin natin sila.  Tapos kainin natin mamaya.  Para matikman din nila.”  Sabi niya sabay smile.

 

“Eh, wag  na, sayo naman lahat yan eh.  At saka nakatikim na sila niyan.” Sabi ko sa kanya sabay pout.  Kainis excited pa man din ako ipatikim sa kanya.

 

“Mas masaya kong kakainin natin yan mamaya.  Hahaha. Ang cute mo talaga” sabi niya sabay pisil sa magkabilang pisngi ko.

 

Nakakatuwa si Suzanne ngayon palang nakikita ko na ng kaunti ang ugali niya.  Yong iba dati pagdinadalhan ko nito.  Kinakain nila agad.  Pero siya iba.  Sana mas makasundo ko pa siya at mas makilala.

 

Pero nasan na ba yon mga yon.  Kanina pa ah. 

 

Ano kaya ang pinaggagawa nun mga yon?  Bakit ba ang tatagal nila.  Kainis gusto ko na ipatikim kay Suzanne tong cookies eh.

 

“Ah, Margarette, thank you ha.  Alam mo kahapon nalulungkot talaga ako pero nun makilala ko kayo naging masaya na ako.  Sabi ng friend ko magpasalamat daw ako sa inyo kasi tumatawa na daw ulit ako.”

 

Sabi sa kin ni Suzanne habang nakayakap.

 

“Salamat ha.”

____________________________________________________________________________

after this short update...balik na ulit sa pagbasa...

I AM NUMBER FOUR by Pittacus Lore

chapter nine.......

please leave your comments.   badly want to hear from you.....

WHEN HE WAKES UP.......Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon