SIXTEEN

176 5 0
                                    

Hi!  succeeding chapters  will be flashback lang. 

hope you like it.

enjoy reading.

____________________________________________________________________________

SIXTEEN

FLASHBACK

 

 

18 years ago

 

“Suzanne, stop crying please, uwi na tayo..” sabi ng isang batang lalaking may edad na walong taong gulang sa isang babae na nakaupo sa may swing. Maaaring nasa pitong taong gulang na ang batang babae.  May itim na alon-alon ang buhok, katamtamang laki ng mata na binagayan ng mahahabang pilikmata, mapupulang at manipis na labi, maputi at makinis na balat, matangos na ilong.  O sa maikling salita, isang napakagandang batang babae. 

 

“Pag-umuwi ba tayo, andun na sina mommy at daddy? Ha, Bret?” tanong ng batang babae sa lalaki.  May maputi rin itong kutis, itim na buhok, singkit na mga mata, matangos na ilong.  Isa rin siyang gwapong lalaki.

 

“Suzanne, tita and tito will never be back, pero lagi mo silang kasama, lagi silang nandyan binabantayan ka.  Tara na, please, hindi ka pa kumakain simula kagabi.” Lumuhod na si Bret sa harapan ni Suzanne at hinawakan ang dalawa nitong mga kamay.

“Uuwi lang ako pag-nandun na sila..*hikbi* sabi nila di nila ako iiwanan at *hikbi* saka bibisitahin pa na namin sina Dr. Johnsons, *hikbi* bibigyan pa ako ulit ni doctor ng chocolate.” Sabi ni Suzanne sa pagitan ng mga hikbi.  Walang tigil pa rin sa pag agos ng mga luha niya.

 

“Suzanne, please” , naiiyak na sabi ni Bret.  “Ayaw nina tita at tito na makita kang ganyan.  Kaya tara na..umuwi na tayo.”  Walang sawang yaya sa kanya ni Bret.  Ang totoo, kaninang umuga pa nasa may park si Suzanne. 

 

Kahapon inilibing ang mga magulang niya.  Namatay sa isang car accident ang mga ito.  Ilang ulit na rin sa kanya ipinaliwanag ang mga nangyari ngunit siguro dala na rin ng kanyang kamusmusan ay parang hindi niya ito maunawaan ng lubusan.  Nag-iisa lamang siyang anak.  Si Bret ang tangi niyang kaibigan.  Hindi kasi siya masyadong pinapayagan ng mga magulang na maglaro sa labas.  Lagi lang siyang nasa silid ng kanilang malaking tahanan.  Isa siyang masayahin at masiglang bata.  Napakamagiliw at totoong malapit siya sa mga magulang niya.  Mahal na mahal niya ang mga ito.

 

“Suzanne, andito pa naman ako eh, hindi kita iiwanan, promise…” muling wika ni Bret.

 

“Promise?” tanong ni Suzanne.

 

“Promise.” Sagot ni Bret.

 

Sumilay ang mga ngiti sa labi ni Suzanne.  “Promise mo yan ah.  Promise ko din sayo, hindi kita iiwan kahit kalian.”  Sabi ni Suzanne na tila mo’y nawala na ang lahat ng alalahin sa buhay.  Siguro dahil bata pa siya kaya ganun na lamang niya itrato ang problema.

WHEN HE WAKES UP.......Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon