Atty. Blanco’s POV
Andito ako ngayon sa Airport para sunduin siya. Isang buwan matapos ko siyang tawagan. Akala ko talaga nun una ay hindi siya papaya at mahihirapan akong kumbinsihin siyang bumalik rito. Pero nagulat talaga ako ng pumayag siya. Hindi ko talaga yon inaasahan. Ngayon ang dating ng eroplano niya galing New York. Sampung taon na rin ang nakaraan simula ng umalis siya ng Pilipinas. Tumingin ako sa relo ko. It’s 10am. Nang iniangat ko na ang ulo ko…
“Good morning!” bati sa kin ng isang matangkad at mestisang babae. “I am Suzanne Mercado. Are you Atty. Blanco?” pormal at walang kangiti ngiti niyang tanong.
“Yes, hija. How are you? It’s been ten years since we’ve last met. You look so beautiful and a very fine lady.” Nakangiti kong sagot sa kanya.
Imbes na sagutin niya ang tanong ko. Ito ang sinabi niya.
“Ako na po sana ang pipili ng hotel na tutuluyan ko pansamantala at ako na rin po ang magbabayad. Huwag nap o kayong mag abala pa at ayoko rin tumanaw ng utang na loob sa kanila. Inaasahan ko rin po na matatapos agad ang meeting na ito. Marami pa po akong gagawin sa New York.” Malamig at walang emosyon niyang sagot.
“Ah, ganun ba hija, naiintindihan ko. So, let’s go.”
Iginiya ko na siya pasakay ng kotse…
Simula pagsakay hanggang makaalis kami ng airport ay hindi na siya nagsalita pa. Nakatingin lang siya lang sa bintana. Parang napakalayo ng mga tingin niya. Idinaan ko siya sa mga five star hotel maging sa four star. Ngunit kahit isa wala siyang pinahintuan kahit isa. Ni hindi siya nag abalang magtanong sa kin. Ang totoo niyan nakapag pareserve na ako sa isang kilala hotel. Ngunit dahil ang nais niya ay siya na. pinacancel ko na yon. Nang madaan kami sa isang three star hotel ata….
“Dito nalang.” Sabi niya. “Ako na ang bahala sa sarili ko, kaya ko na.” sabi niya at bumaba na ng kotse
Bumaba rin ako.
“Wag na kayong mag abala. Ako nalang po.”
“Are you sure?” ang tanging kong naisagot.
“OO”
“Kung ganun, susunduin nalang kita bukas ng umaga, 10am ang meeting. Susunduin kita ng 9am."
“Okay.” Matamlay niyang sagot at dumiretso na papasok ng hotel.
Pinagmasdan ko nalang siya. Sinalubong siya ng bellboy at tuluyan ng pumasok sa hotel…Hay…napakalayo niya sa kilala kong Suzanne dati…masayahin at masiglang bata…ngunit bakit ngayon ay tila mo ay wala siyang buhay…wala na ang ningning ng dati niyang masayahin mga mata..ano kaya ang nangyari? Ganito ba ang nagging epekto sa kanya ng nangyari dati? Bakit parang napakalalim? Kailangan kong malaman dahil hindi basta-basta ang mangyayari sa meeting bukas…
“Hello, detective Lee…. May gusto sana akong paimbistigahan sayo….Importante lang….kailangan kong malaman agad….”
