FOUR

187 6 0
                                    

FOUR

YSSA’S POV

Ako  nga pala si Yssa Jane Blanco.  Yes’ you’re right.  Anak ako ni Atty. Blanco.  Dalawa lang kaming magkapatid.  Si kuya ay tulad ng daddy.  Siya ang namamahala sa law firm namin.  Ako naman ay sa clothing line.  Nagmana kasi ako kay mom.

Tumawag sa kin si Margarette kanina at sinabi ngayon raw sila pupunta rito.  Ah, nandito nga pala ako sa boutique/office ko.  Pupunta sila dito para mamili, magpagawa at magpasukat ng mga damit na gagamitin sa wedding ni Marcus.

Tuloy na tuloy ang kasal.  Hay, kawawang Marcus no choice naman kasi siya kundi ituloy yon sa ayaw at gusto niya.  Paano ba naman ang buong kompanya nila ang nakasalalay?  Ang kompanyang pinaghirapan ng daddy at mga tito niya.  Hay, buhay nga naman parang life….

Pakatapos na pagkatapos na basahin ng daddy ang will, nagwala na ang magpinsan.  Si Marcus halos araw- araw nasa bar ni Sheen. Friend din namin.  Si Margarette ayon laging nasa bar din.  Tinawagan nga ako ni Alwy, a friend, too at pinasusundo o di kaya pinasasamahan si Margarette.

Ganun talaga eh…ang sakit-sakit kasi nun  nangyari…alam mo yun…pinagkatiwalaan mo, minahal mo, pinahalagahan mo, iningatan mo, pinaglaban mo….pero wala eh…niloko at ginamit niya lang kami…nalinlang kami ng malaanghel niyang mukha…

Ang weird din ng lolo nila noh.  Alam naman niya yung nangyari noon.  Actually, lahat pati buong family ng bawat isa sa min alam yon. Ganun naging kacontroversial ang lahat ng bagay.  Wala bang pakialam ang lolo nina Marcus sa nararamdaman nila?  Hindi ko maintindihan…

“Hi!” si Margarette biglang pasok ng office ko.

“Hello!”  sagot ng nakangiti sabay beso-beso.  “An aga-aga nakasimangot ka.  Hindi kaya yan maganda sa negosyo, Monday pa naman ngayon. Tsk.tsk”sabi ko sabay iling iling

“Sino naman kaya ang gagandan ng umaga? Ha? Aber?” margarette with matching pamewang pa..  “kung ang kasama mo ay ang siya mismong sumisira sa umaga mo!  Kainis! Try mo kaya sa pwesto ko?”

Relax lang..di ako ang kaaway mo..okay?” – me   “So andyan na rin sila or I mean “siya””.

Hindi ko pa siya nakikita after ten years.  Sabi ni Margarette after daw basahin ni daddy ang will, umalis na siya kaagad at bumalik ng US makarami pa raw kasi itong aayusin dun..Duh?  Ano naman kaya aayusin niya dun?

After a week, so ito na Siya.  Straight from US, Ms. Ewan…hay naku…

“Speaking.” Mapaklang sabi ni Margarette.  “Andyan na sila sa labas.  Hindi naman ako sasama kung hindi ako dinaramahan ni mommy noh.  As if..ang sarap sarap niya ngang sabunutan eh…kainis!  Kung umasta parang pinalalabas niya na malaki utang na loob namin sa kanya dahil sa kompanya…”

“So let’s go.  I want to meet her and see her myself.  Naririndi na ako sa mga sentimiento mo.”  Sabi kasi ng daddy mas gumanda daw siya ngayon.  Ewan ko sa kanila parang nalimot na nila yong nangyari..

Lumabas na kami ng office KO.  Kailangan i-emphasize noh…

“Good morning tita Olga!” masiglang bati ko sa mommy ni Marcus tapos kiss sa cheeks.

“Good morning too hija” masayang sagot ni tita.

“Hi tita Margie” baling ko naman sa mommy ni Margarette sabay kiss din.  “Thank you po caramel cake.  Ang sarap tita..the best ka talaga..”

“You’re welcome sweetie.” – tita Margie

Nakatlikod lang Siya sa kin or sa min..nakatingin lang sa labas ng boutique..ewan ko..bakit ganito ang nararamdaman ko?

“So, siya po ba tita?” turo ko sa kanya.  Hindi na ako nag abalang batiin pa siya.  Mukha naman wala rin siyang balak makipagplastikan sa kin eh.. so let it be..

Mukha naman nakahalata na sila tita.

“Pwede ba namin tignan mga designs mo hija?” – si Tita Olga

“Of course tita.  Dito po tayo sa loob.” At inakay ko na sila papasok ng isang kwarto

“Halika na Hija” napakinggan kong sabi ni Tita Margie sa Kanya.

Pinakita ko na sa kanila mga designs ko.  Yon nga designs na titignan ngayon nina tita, yon ang ginagamit ko para sa ibang mga clients ko.  Kapag napili na ang isang design tatanggalin ko na yon at papalitan ng bago.  So para naman sulit ang binayad nila. And rest assured na walang magiging katulad ang wedding gown nila not unless may makakita nun tapos gayahin.  Pero natitiyak ko pa rin na nag-iisa lang ang design non sa mundo.  Hindi naman sa nagmamayabang pero madidistinguish mo na agad ang mga designs at gawa ko sa iba. Napakalaki kaya ng pinagkaiba. 

And, as for Her, before I used to make her dresses of different designs.  Ang sarap niya kasing bisihan parang Barbie doll.  Kahit sako lang ata bagay pa rin sa kanya.  Nagawan ko na nga siya ng wedding gown noon eh.  Drawing pa nga lang.  Nagpromise kasi ako sa kanya non na ako ang gagawa ng mga gowns sa wedding niya.  Pero dati yon.  Everything changes.  Nothing is absolutely permanent in this world.  The only permanent thing is change.  So dati yon at hindi na ngayon.

“May nagustuhan ka nab a hija?” – tanong ni tita Margie

“Ito hija maganda to.  Bagay na bagay to sa yo.” – si tita Olga sabay turo sa isa sa mga gown

“Ito kayang isa. Sa tingin ko mas bagay to.” – tita Margie

“Pero sa tingin ko ito.” – tita Olga turo naman sa isa pa

“Ano sa tingin mo hija? May nagustuhan ka na ba?” – tanong ni tita Margie

Kainis tong babaeng to..hindi nga nga pakali dun sina tita sa pagpili, Siya ayon parang wala lang pakialam.

“Ito nalang po.” Maya maya sabi Niya. Napakatamlay ng tinig niya.  Sabay turo dun sa gown.  Tube siya medyo mababa nga eh tapos knee length lang at backless sa likod.  Mukhang di niya alam ang tinuro niya.  Nagturo lang siya out of nowhere.  Napahinto rin si Margarette sa pagtetext.

“Ah, okay.” Sabi ni tita Olga tapos tumingin sa kin.  “Yssa, ikaw na bahala ha.”

“Opo tita” sabi ko “Jinky” tawag ko sa tao ko.. “Sukatan nio na Siya” turo ko sa bride to be

Agad naman siyang tumayo at nagpasukat na.

Dito pagpumili ka ng isang wedding gown may mga kasama na rin un na mga gown para sa mga abay mo.  Set na kasi yon.  So expect na sexy mga bridesmaid niya..

Pero sa pagkakatanda ko ayaw niya ng mga ganitong design sa wedding.  Super niya kasi nirerespeto ang sagrado ng kasal. 

Tapos na silang sukatan.

“We’ll go hija.  Ikaw na bahala” – paalam ni tita Olga sa kin sa kiss ulit.

“Sige po tita, ingat.”

“Ang sarap sabunutan noh.” – sabi ni Margarette.  “bye-bye” sabay kiss sa kin

Pagkaalis nila muli kong tinignan ung design na napili niya.  Tama si daddy, as for seeing her today, ibang-iba na siya. Parang ang lungkot-lungkot niya.  Something is on her. Kung ano man yon hindi ko alam.  Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko.. ang nararamdaman ko.,dapat galit…pero hindi yon kungdi…ahhh…ewan…I don’t know….

WHEN HE WAKES UP.......Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon