FIVE
ALWY’S POV
Ako nga pala si Alwy Jake Lee. Naalala niyo pa ban a may tinawagan si Atty. Blanco na detective Lee. That is my dad. May detective agency kami. Kaya kung may ipapahanap o ipapagawa o papaimbestigahan sa min. Sige lang, don’t hesitate to give us a call. And I can sure na hindi ka magsisisi. Because you’re in a good hands. So what are you waiting for, tawag na…
Ah, anyway andito kami ngayon sa Enjoy Your Life club, kasama ko si Marcus. Kay Sheen to, pinsan/friend namin. Ayun siya oh, asa may counter kinakausap isa sa mga tao niya.
Simula ng malaman ni Marcus ang tungkol sa wedding na yon halos araw-araw na siya dito sa club. Akalain mong gawin bahay to. Dito matulog, dito kumain, maligo at magbihis. Lakas tama. Adik ata to.
Sabagay kung ako rin ang nasa katayuan niya baka nga higit pa rito ang magawa ko. Hindi naman kasi talaga biro yun. Oo na, dati pinangarap niya rin makasama ang babaeng yun habangbuhay. Halos yun na nga bukambibig niya araw-araw dati. Mahal na Mahal niya kasi. Pero nagbago lahat eh simula ng malaman namin yun.
Hindi naman si Macus makahindi. Magsusuffer kasi buong pamilya niya kung magiging selfish siya. Pero wala eh. Ganun talaga..
“Hayop kang Babae ka! Buwisit Ka!” – galit na sigaw ni marcus sabay tungga dun sa alak na hawak niya. Parang tubig lang. Lahat na ng masamang salita nasabi niya na.
“Ayos lang yan pare. Magagawan rin natin yan ng paraan.” – sabi ni Sheen habang umupo.
“I’ll make Her life a living hell.” Matigas at puno ng poot na sabi ni Marcus. “titiyakin ko na wala siyang papakinabangan kahit na isang singkong duling!”
Galit na galit talaga sa kanya si Marcus. Kami rin naman galit pero iba ang galit ni Marcus.
“So next week na?” tanong ko sa kanya
Uminom lang si Marcus. Inubos na ang natitirang laman sa bote at nagbukas ulit.
Hindi na ako dapat nagtanong pa. Alam na namin ang sagot wala ng atrasan to.
Bigla kung naalala ang napakinggan ko nun isang gabi. Tatawagan ko sana si Yssa. Papasok na ako ng mapakinggan ko ang daddy.
“Ganun ba ang nangyari? Naiintindihan ko. Kaya pala si Suzanne. Kawawang bata. Nag-iisa nga siya sa buhay. Sige salamat. Ipagpatuloy mo pa ang pag iimbestiga.”
Hindi ko maintindihan. Hindi ko pa nakikita Siya matapos ang sampung taon. Kamusta na kaya siya..ay naku ewam. Wala akong pakialam sa kanya.
Kawawang bata. Nag-iisa nga siya sa buhay.
Muling nagflash back sa isip ko.
Tapos bigla akong kinabahan.
May nangyari ba hindi ko namin alam?