CHAPTER THIRTY NINE

17 1 0
                                    

Hello Mina-san~~~

thank you for supporting my little story...

i'm not gonna abandon it...

it's just...

you know..

i'm kinda lost..

but i hope to find my track again..

anyway,

thank you for supporting this story...

love you all...

hope you enjoy even though it's a little boring..thanks

===========================

It's hard.  Yes.  It's definitely hard.  Making simple things so complicated.  Trying hard to understand it.  Absorbtion isn't that easy.  Maybe, it takes so much time.  Though, sometimes, it's too late...

THIRD PERSON POV

Hindi malaman ni Marcus kung ano ang gagawin maging ang papaniwalaan. 

Ano nga ba?

Nakakagago ang lahat.  Nakakaewan.  Nakakabaliw. Nakakalito.

Ano ba talaga ang nangyayari?

Malakas niyang naipreno ang kanyang kotse.  Halos sumubsob ang kanyang mukha sa manibela.  Tanging pagsabunot lang ng buhok ang kanyang nagawa kasabay ng pag alpas ng isang sigaw mula sa kanyang bibig.

Sino ang una niyang tatanungin?

Ang mga magulang ba?

Si Sophy? na kanyang iniwan

o, si Suzanne? ang babaeng hanggang sa ngayon ay minamahal ng kanyang puso.

Hindi niya malaman ang gagawin.  Mali, hindi dapat siya maniwala.  Pero, bakit niya iniwanan si Sophy?

Wala naman iba siyang nalaman kung hindi ang sakit ni Suzanne at ang pagkakacomatose si Bret.  Eh, wala naman siyang pakialam sa mga ito, diba?

Ano ba ang nagpapagulo?

Parang may sariling isip ang kanyang mga kamay dahil natagpuan nalamang niya ang sarili na nagmamaneho pauwi sa bahay ng mga magulang.

Mabilis niyang tinahak ang silid ng mga magulang.  Malakas ang naging pagkatok niya sa pinto.

"Ano yan?" galit na sigaw ng ama mula sa loob.

"Gusto ko kayo makausap?" madiin niyang sagot.

Narinig niya ang mga yabag papalapit.  Binuksan ng kanyang ama ang pintuan.

"Ano ba yun, Marcus?" wika ng ama sabay pakawala ng isang buntong hininga.  Nakasuot pa ito ng suot kanina.  Marahil ay kadarating lamang.

Habang nakita niya ang ina na patayo mula sa pagkakaupo kaharap ng vanity mirror nito.  Siguro ay naghuhubad ng mga alahas.

"Ano ba yun Hijo?" tanong ina ng ito ay makalapit na.

"Totoo ba?" balik tanong niya.

"Anong Totoo?" naguguluhang tanong ng ina.  Pero sa isip ng mga magulang ay alam na nila ang ibig nitong sabihin.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Marcus tanda ng nagpipigil ito ng galit at pilit pinapakalma ang sarili.

"Sabihin niyo Totoo ba?"

"Ano ba ang ibig mong sabihin?"sigaw ng ama pabalik.

"Totoo bang maysakit si Suzanne at comatose si Bret?" sigaw niya rin pabalik.

Tumitig ang kanyang ama sa kanyang mga mata at sumagot. "Oo."

SA SASAKYAN naman ni Alwy mapapansin ang pagkatahimik nila Water at Yssa.  Patuloy lamang sa magmaneho ang una.

Lahat ay may sari sariling iniisip.  Tila mo'y lahat ay ayaw basagin ang katahimikan namamayani.

"San ko kayo ihahatid?" si Alwy ang unang bumasag sabay tingin sa salamin upang tignan ang dalawa na parehong nakatingin sa labas ng bintana.

"Kailan mo pa alam?" imbes na sagutin ay tanging tanong lang din ang ibinalik si Water sabay tingin kay Alwy ganun na rin si Yssa.

Hindi na ni Yssa kailangan magsalita pagkat ang kilos at titig nito ay ang siyang nagsasalita para dito.

Bumuntong hininga si Alwy.  Bumalik ang tingin sa daan. "Kailan lang din." sagot nito. "I overheard dad talking to someone. Curiosity got me.  That's why I ask him and did some investigation to confirm." pagpapatuloy nito.  At makahulugan tumingin sa dalawa.  "And, I found out more."

SI SHEEN naman ay dumiretso sa club ni Alwy.  Dire diretso ito at di na nag abalang pansinin pabalik ang mga empleyado at ibang kakilalang bumabati dito.  Umupo ito sa bar counter at inorder ang pinakamatapang na alak.

"ATE MARGARETTE" tawag dito ni Elf.  Ang totoo nakakailan tawag na si Elf dito ngunit masyadong malalim ang iniisip nito.  "Ate" may kalakasan ng tawag ni Elf dito.  At wakas nakuha niya ang pansin nito.

May kalungkutan sa mga mata nito maging ang magkalito ay naroon.

Kahit na naaawa si Elf sa kanyang pinsan ay minabuti pa rin niyang sabihin.  "Lola killed her parents."

WHEN HE WAKES UP.......Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon