Third person POV
Mabilis lumipas ang araw. Ngayon ay buwan na ng Pebrero. Buwan ng para sa mga nag iibigan.
Mabilis at marahas ang paglalakad ni Marcus sa hallway ng school. Nang makita ang classroom, agad itong pumasok at hinanap ng mata ang sadya. Nakita nito ang babaeng sadya. Agad niya itong hinila palabas ng silid tungo sa may likuran bahagi ng paaralan.
Makikita sa mukha na nasasaktan na ito. Halos lahat ng tao ay napapatingin sa kanila. Sino nga ba naman ang hindi? Mga sikat at kilala sila sa buong lugar.
Pero kahit na nasasaktan ang babae ay hindi ito umaangal pagkat alam nitong may dahilan ang lalaking may hawak dito.
Anumang sigaw ng mga kaibigan ay balewala kay Marcus. Nagpatuloy lang ito sa paghila at nang marating ang lugar na iyon ay agad nitong patapong binitawan ang babaeng hawak.
"Anong ibig sabihan ng mga yan?!" malakas at galit na wika ni Marcus sabay tapon ng mga hawak na litrato sa babae.
Kahit nalilito ay agad ito niyang dinampot at tinignan. Nanlaki ang kanyang mga mata at hindi makapaniwala sa mga nakikita.
"Hindi ko alam." gumagaralgal na tinig nito. Nagbadya na ang mga luha sa kanyang mga mata. Nalilito. Nararamdaman niya ang galit ng kaharap.
"Ano ba, Marcus? Ano bang problema mo?" may kainisang wika ni Margarette ng makarating rin ito sa lugar na iyon. "Bakit ganun mo nalang mahila si Suzanne?" nagtatakang tanong pa nito.
Nagpakawala lamang ito ng marahas na hininga at napasabunot sa sarili. Di rin alam ang gagawin.
Nagdatingan na rin ang mga kaibigan nila na naalarma sa nangyari.
"Anong problema at usap usapan kayo sa buong campus?" nagtatanong na wika ni Alwy.
"Oo nga kadarating ko lang yon na agad ang napakinggan ko." Si Yssa.
"Ano bang problema?" Sheen.
"Ano toh?" nagtatakang tanong ni Water sabay pulot sa mga larawan. Hindi makapaniwalang tinignan niya ito at si Suzanne. Nagpapalit palit ang tingin niya sa larawan at kay Suzanne. Hindi makapaniwala.
"Bakit hindi niyo itanong sa babaeng yan?" galit na wika ni Marcus sabay turo kay Suzanne.
"Ano ba Marcus huwag ka ngang makaduro ng ganyang kay Suzanne?" wika ni Margarette at hinawi ang kamay ni Marcus na nakaduro. "Ano ba kasi yan?" matapos alalayan makatayo si Suzanne at hinablot nito ang mga larawan kay Water. Nanlaki at di rin makapaniwalang tumitig ito kay Suzanne.
Umiiling lamang si Suzanne habanh kagat kagat ang ibabang labi na parang nagsasabi na hindi ko alam ang mga yan.
"Kung ganun totoo yon?" wala sa sariling wika ni Yssa.
"Alin ang totoo Yssa?" madiing tanong ni Marcus.
"Ang sinabi ni Sophy na nakita niyang pumasok sa motel si lolo Carlos at Suzanne."dire diretsong wika ni Yssa.
"Suzanne?" si Margarette. "Totoo ba to?" umiiyak na wika nito sa mga larawan. "Totoo ba?" ulit nito.
Tanging magbulong lang ng luha ang naging tugon ni Suzanne.
"Alam me ba kung bakit namatay ang lola?" mayamay ay tanong ni Marcus.
Napatingin sa kanya ang lahat. Nagtatanong.
Noong nakaraan linggo namatay ang lola nila Marcus. Ang asawa ng lolo Carlos nila. Inatake raw ito. Yon ang sabi sa kanila. Kalilibing lang nito kahapon matapos ang ilang araw na lamay.
"Dahil dyan."malakas na sigaw ni Marcus. Nagulat ang lahat maging si Suzanne na mas lalong umiling at tumulo lang ang luha. "Oo, dahil sa mga lintik na larawan na yan kaya inatake si lola. PINATAY MO SIYA SUZANNE! Akala ko iba ka. Nagkamali ako dahil wala mas masahol kapa sa hayop!" puno ng galit na sigaw ni Marcus at umalis na ng tuluyan. Na agad sinundan ni Alwy.
"I trusted you. How could you these to us?" puno ng hinanakit at galit na wika ni Margarette at umalis na rin. Sinundan ito ni Yssa at hinila ni Yssa si Sheen.
"You disappoint us Suzanne." may panghihinayang na wika ni Water matapos ay umalis na rin.
Naiwang umiiyak si Suzanne. Hindi alam ang gagawin at hindi alam paano magpapaliwanag.
"Tsk.tsk.tsk."Kilala niya ang tinig maging ang yabag at presenya nito. "I told you. Iiwan ka nilang parang basahan na lamang." inilapit pa nito ang ulo sa kanya at mapang asar pa na bumulong. "Nakalimutan mo ba ang sinabi ko. Babawiin ko ang lahat. Ang lahat lahat. At wala ako ititira maski isa sayo."
"Stop that Sophy!" malakas na sigaw ni Bret. Mababakas sa mga mata ang matinding galit nito sa kaharap.
"Hmp." ismid ni Sophy at tuluyan ng umalis pero di mawala wala ang ngiting tagumpay nito.
Lumapit si Bret kay Suzanne at isa isang dinampot ang larawan. Mga larawang magkasama sina Lolo Carlos at Suzanne. Mga larawan kahit sinong makakita ay mag iisip ng di maganda. Matapos pulutin ang mga larawan ay agad itong lumapit kay Suzanne at inalalayan ito. Hindi na niya kailangan magsalita pa dahil sa mga kilos nila ay nagkakaunawaan na sila.