Third Person Pov
Mabilis lumabas si Suzanne ng bahay. Matapos marinig ang sinabi ng ate Beverly ay agad itong nagmadali patungo roon. Sa may lumang bahay malapit sa kanilang school.
Mahigit tatlong araw na rin simula ng mangyari iyon. At tatlong araw na rin simula ng di niya nakikita ang mga kaibigan. At tatlong araw na din hindi siya pumapasok sa paaralan.
Nasa kwarto lamang siya at hindi pwedeng lumabas. Ang totoo kagigising niya lang kanina. Halos dalawanh araw siyang tulog. Iyon daw kasi ang makabubuti sa kalusugan niya. Kahit labag sa kalooban ang nangyari ay wala siyang magawa. Dahil iyon ang kailangan.
Mabilis ang bawat hakbang takbo na ginagawa niya. Kahit kinakapos na sa hininga ay pinilit niya pa rin at nagpatuloy. Tumakas lamang siya kahit dahil ayaw siyang payagan ng ate Beverly niya.
Narating niya rin sa wakas. Sabado ngayon kaya wala siyang nakikitang mga mag aaral sa katulad niyang school.
"She dont deserve you. All of you." Mapait na sigaw ang napakinggan niya. Si Bret.
Dahil luma ang bahay kaya tumatagos sa mga butas nito ang mga ingay mula sa loob.
"And you thing she deserve us too?" medyo may kaasaran wika ni Marcus.
Pumasok siya loob at ang lahat ay napatingin sa kanya.
Ang kaibigan niya ay nakatayo sa may puno ng hagdan habang si Bret ay nasa ibaba.
Tinignan niya sila isa isa
Ang mga kaibigan niyang mabakas ang galit sa mga mata.
Si Alwy. Ang laging nagpapasaya sa kanya.
Si Sheen. Ang laging nariyan sa tabi niya.
Si Yssa. Ang laging kumukulit sa kanya.
Si Water. Ang parang ate na niya.
Si Margarette. Ang best friend niya.
Si Marcus. Ang pinakamahalagang tao sa kanya. Ang mahal niya.
at
Si Sophy. Ang...ang...ang...
Lahat sila masama ang tingin sa kanya.
Tumingin si Marcus sa mga mata. "She's a bitch..a user..a liar..a killer.." walang emosyon na wika nito.
"Bawiin mo ang mga sinabi mo" madiin din wika ni Bret.
"Why would I? Eh totoo naman." kibit balikat pang sabi ni Marcus.
Hindi na napigilan ni Bret ang sarili. Umakyat ito ng hakdang habang sinabi ng may pagsisisi. "Ipinagkatiwala ko siya sa inyo. Nagtiwala ako. Akala ko hindi niyo siya sasaktan. Akala ko makakabuti kayo para sa kanya. Nagkamali ako."
Sa wakas na narating niya ang tuktok. Tumitig sa mata ni Marcus. "Kung alam ko lang...hindi nalang sana." may kasakitan wika nito. Na siyang ikinibit balikat lang ni Marcus na siyang dahilan upang ikagalit ng husto ni Bret.
Susuntukin niya si Marcus ngunit nailagan ng huli at naitulak niya ng di inaasahan si Bret. Nahulog si Bret sa hagdan.
Nanlaki amg mata ng lahat at di inaasahan ang nangyari.
Mabilis lumapit si Suzanne kay Bret marahang niyugyog ito. Nag unahan sa pag dausdos ang mga luha ni Suzanne. Tumingin sa itaas at nakitang pababa na ang lahat.
Akala niya ay tutulungan siya ngunit nilampasan lamang siya nila at bago pa lumabas narinig niyang wika ni Marcus. "Nararapat lang sa kanya."
Mabilis siyang tumayo at humabol sa labas. Naabutan niya si Marcus. Hinawakan sa braso at iniharap.
Malakas na sampal gumulat sa lahat. Nahawakan ni Marcus ang namumulang pisngi at tinagnan ang umiiyak na si Suzanne. Tingin walang pakialam.
"Kung galit ka sa akin ako nalang ang saktan-" hindi niya matapos ang sasabihin ng siya namang sampalin ni Margarette.
"Let's go." anyaya ni Margarette sa mga kabiga matapos sampalin si Suzanne.
Umaalis na ang lahat at naiwan si Suzanne na agad bumalik kay Bret. At ganun lamang ang gulat ng makitang napapalibutan na si Bret ng tila mo dagat ng dugo.
Tanging sigaw ng paghingi ng tulong at hinagpis ang tanging mapakikinggan sa lugar...
![](https://img.wattpad.com/cover/6346717-288-k760263.jpg)