FOURTEEN

176 6 0
                                    

FOURTEEN

 

EVERYONE’S POV

MARCUS’ POV

Bakit ganun?  Para akong binuhas ng malamig na tubig.  Nang Makita ko siyang dumating, nagulat at inaamin ko natulala talaga ako.  Totoong napakaganda niya.  Wala siyang pinagbago maliban sa mas lalo siyang gumanda.

Nakita ko rin kung papano siya binangga ng dalawang babaeng yon.  At nun pinagsasabihan na siya ng mga kung anu-anong salita na noon ko pa mga naririnig at pinapaniwalaan, hindi ko na napigilan ang sarili ko na lumapit sa kanya.  Bakit ba kasi hindi niya ipinapaliwanag ang sarili niya?  Nagagalit ako dun sa dalawang babae.  Ang totoo gusto ko talagang basagin ang mukha nung dalawang yun.  Hindi ko alam pero hindi ko gusto yung mga naririnig ko.  Pero bakit noon wala akong pakialam sa mga iniisip at sinasabi sa kanya ng iba?  Bakit ngayon parang ako ang nasasaktan sa mga naririnig at nakikita ko? Parehas lang naman ang mga sinasabi nila simula noon hanggang sa ngayon.  Bakit?  Naiinis ako sa kanya. Bakit ba ang tahitahimik niya simula noon?  Ano bang problema niya?

Hindi ko rin alam kung bakit parang piniga yung puso ko nun sinabi niya ang mga bagay na yon…hindi naman ako nagpapanggap na nag aalala sa kanya.  Totoo yun nararamdaman ko..  hindi ko gusto na inaapi siya at pinagkakaisahan ng mundo…

Ang sakit…bakit ganun??  Nasasaktan ako…ng umalis siya at tumalikod sa kin at naglakad papalabas..bakit parang pakiramdam ko papalayo siya ng papalayo…Suzanne, mahal kita…mahal na mahal pa rin kita…

WATER’S POV

Bakit parang may mali?  Bakit parang pakiramdam ko iniwan naming siya?  Ano ba ang problema Suzanne?  Hindi ko gusto ang tinig at ang mga titig mo…nasaan na ang Suzanne na mabait, malambing, sweet, mapagmahal, malalahanin, maunawain…..???  Tama ba ang mga nararamdaman ko ngayon?  Ano ba talaga ang nangyari?

Nang makita kita..oo nainis ako kasi dahil sayo nagkagugulo gulo na ang lahat pero natuwa ako kasi ang tagal din ng sampung taon..ni hindi ka sumulat at wala kami talagang naging balita sayo..namiss nga kita eh…

Ang gulo hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko???

YSSA’S POV

Malaki nga talaga ang pinagbago niya..nawala na ang dating Suzanne na kilala ko…bakit parang nasasaktan ako?  Hindi ko gustong mawala ang taong nakikilala ko noon…

Nung lumalakad na siya papalayo pakiramdam ko bakit parang mawawala na siya ng tuluyan….

Ayoko talaga siyang mawala noon pa man…mahalaga kasi siya sa kin eh….

SHEEN’s POV

Nung sinabi sa kin ni Alwy ang mga bagay na yon..hindi ako makapaniwala…o ayoko lang paniwalaan…

Nang dumating siya sa barkada maraming nabago…pero lahat ng yon ay wala kaming pinagsisisihan kasi dahil sa kanya nakita naming ang kagandahan ng mundo at natuto kaming pahalagahan ang mga bagay-bagay…

Mahalaga siya samin….kailangan ka naming Suzanne….

SOPHY’S POV

Hindi ko pa rin ba naaagaw sayo ang lahat Suzanne?  Lalo na si Marcus?  Hindi pa ba sapat ang sampung taon para limutan ka niya?   Ibinigay at ginawa ko na ang lahat pero bakit para sa kanya…para sa kanila ay ikaw pa rin….ano pa ba ang dapat kong gawin?

Hanggang ngayon hindi pa rin ba kita mapalitan sa puso ni Marcus?  Bakit ikaw pa rin ang mahal niya hanggang ngayon?  Bakit ikaw pa rin ang panalo?

Ano bang kailangan kong gawin para tuluyan ka ng mawala?

ALWY’S POV

Nang malaman ko ang bagay na yon, hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin kaya sinabi ko ito agad kay Sheen.  Paano ba nangyari ang lahat?

Kami ba talaga ang may kasalanan?  Pero bakit hindi mo kami sinisi?  Bakit sinarili mo ang lahat? Bakit?

Nang dumating ka sa min binago mo kami….nang dumating ka sim…alam mo bang naging masaya kami…ikaw lang nagpapakompleto sa min…kahit nasan man kami at kahit gaano man kami kabusy basta pag sinabi mo na magkikita kita tayo…lahat kami dumadating….pero nun nawala ka alam mo bang hindi na kami sing saya ng dati…hindi na rin kami makompleto…

Suzanne…bakit?

MARGARETTE’S POV

Ang totoo niyan…baka nga ako ang pumunta dun sa gitna kanina at umalalay sayo pagtayo…baka nga napagsasabunutan ko na yung dalawang babaitang ung…hindi ko na rin mapigil kanina sarili ko eh…

Pero buti nalang at si Marcus ang pumunta baka sa mukha ko pa mo pa yun sinabi…kung nasaktan ako sa sinabi mo mas higit siguro kong sa harapan ko yon mo sinabi ang mga yun….

Simula nun umalis ka hindi ko na kayang magtiwala sa iba…ikaw ang first best friend..tinuring kitang kapatid…higit pa nga eh…pero bakit eh?

Oo, nasaktan ako dati at galit pa rin hanggang ngayon..pero nun sinabi mo yun…bakit parang may mali ata…diba kung totoo ang mga yun hindi dapat ganun ang turing sayo nina mommy…

Ang lahat ng pinakita nila…alam ko hindi yun pilit..hindi yon blackmail…mahalaga ka sa kanila at mukhang ayaw ka nilang masaktan…kung totoo ang mga yun dapat galit na galit sila say o…pero bakit….

Ano ba  ang nangyari noon na hindi naming alam?

Suzanne….

WHEN HE WAKES UP.......Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon