TWENTY-NINE

66 5 0
                                    

TWENTY-NINE

NUT'S POV

Matapos magpakilala ng bago namin kaklase. Pinaupo siya ni Ma'am sa may likod nila Suzanne.  Hindi ko maintidihan itong nararamdaman ko.

Napansin kong lumingon si Suzanne sa kanya at ngumiti.  Gumanti rin ng ngiti ang bagong dating.  Hindi ko alam pero parang magkakakilala sila.  Ah ewan ko.

Muli kong itinuon ang aking atensyon sa aming guro napagpapatuloy sa kanyang klase.

Mabilis lumipas ang oras.  Lunch break na namin.  Nakita ko ang pagtayo ni Suzanne at paglapit dito.

"Sabay ka na sa min maglunch , Bret", masayang anyaya ni Suzanne.

"Hindi ba magagalit ang mga kaibigan mo." ang sagot ni Bret ngunit ang tingin niya ay na kay Marcus lang.

Napansin kong mayroon namumuong tensyon sa pagitan nila na hindi ko maintindihan kung san nagmumula.

" Sa tingin ko ayos lang naman sa kanila. Hindi ba guys?" ang ganting wika ni Suzanne sabay tingin sa amin na nakangiti.

"Oo naman." ang magiliw na wika ni Margarette.

Wala naman problema sa akin kahit sa kabila nito mayroon akong nararamdaman kakaiba.  At saka isa pa nais ko rin naman siyang makilala.

" Tara na sa cafeteria" wika ni Suzanne sabay hatak sa kamay ni Bret.

Napansin ko ang pagkuyom ng kamao ni Marcus, ang pagkagulat sa mukha nila Margarette, maging ako, at ang pagtaas ng kilay ni Sophy.

Wala naman tumutol kaya nagpatuloy kami sa pagpunta sa cafeteria.

Habang tahimik na kumakain ay ang pagsalita din ni Suzanne.

"Nga pala, sorry nga pala guys, siguro naguguluhan kayo at nagtataka", ang panimulang pahayag ni Suzanne sa masaya ngunit humihingi ng pang unawa na tinig. " I would like to finally and formally introduce to you my other best and childhood friend, Bret Sebastian" patuloy na pahayag ni Suzanne.

Napansin ko ang lahat ay nag iintay pa rin ng karagdagan paliwanag.  Hindi naman sila binigo no Suzanne sapagkat nagpatuloy ito na at kababakasan mo sobrang kasiyahan.

"Hindi ba nabanggit kong ulila na ako at nakatira sa bahay ng kaibigan ng mga magulang ko.  Kila Bret ako nakatira kasama ang ate niya.  Sila na ang pamilya ko.  Kaya sana maging kaibigan niyo rin siya."

"Oo naman" masayang sagot ni Margarette. "Walang problema."

" Oo nga ayos lang sa min" segunda ni Water.

"So ako nga pala si Alwy, Pare." pagpapakilala ni Alwy sabay handshake na inabot naman ni Bret.

"Sheen." sabi ni Sheen.

"Water here"

"Margarette at your service at saka best best friend din ako ni Suzanne"

"Beautiful Yssa."

"Nuts" pakilala ko din.  Hindi ko alam pero bakit ganito ang nararamdaman ko habang magkadaop ang aming mga palad.

Ngunit ss kabila nito ngumiti pa rin ako maging siya.  Ang ngiti niya..

Akala ko ay walang balak magpapakilala si Marcus ngunit nagulat ako ang tumayo siya at nakipaykamay dito.

"Marcus" walang emosyon na wika ni Marcus.

"Alam ko." sagot ni Bret.

"Hmmp..Tapos na ako." biglanh sabat ni Sophy sabay tayo at nagmadaling umalis.

Sumunod ang tingin namin sa kanya maging si Bret ngunit di ko mabasa ang ekspresyon ng kanyang mukha maging mga mata niya.

Napansin ko rin ang paglungkot ni Suzanne ngunit napalitan din ng isang pilit na ngiti ng magsalita si Margerette.

" She's Sophy and DON'T MIND HER", may kadiinan wika ni Margerette.  "She is always like that so bastos and papansin, hmmp. Maistress ka lang sa kanya." dugtong ni Margerette.  Halata mo talaga ang mariin disgusto niya kay Sophy.

"I understand." sabi ni Bret. 

Hindi ko alam ngunit mukhang may iba pang kahulugan sa sinabi niya.

" Thank you guys" masaya ngunit maluhaluha na wika ni Suzanne.  "Akala ko.." hindi na naituloy ni Suzanne sabihin ang nais niya sapagkat niyakap na siya nina Margarette, Yssa at Water.

" wala yun ano ka ba," sabi ni Yssa . " Kung inaakala mo na baka hindi namin siya tanggapin..pwes dyan ka nagkakamali."

"Kaibigan na rin namin siya". pagtatapos ni Water sa sinabi niya.

Nakita kong ngumiti ang lahat maliban kay Marcus.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko sa raramdaman ko.  Pero bakit ganito? 

Natatakot ako pero wala akong maramdaman panganib sa kanya.  At ang mga ngiti niya...wala itong halong pagpapanggap...kundi isang tunay...oo..isang tunay na ngiti....

______________________________________________________________________________

Hi guys...sorry for so tagal na update...hindi na kasi sira ang laptop ko..kundi nawala...huhuhu...someone stole it...huhuhuhu...sorry guys...hope you understand..

anyway...for the meantime..dito parin me try mag update sa phone ko...kahit mahirap magtype...i ttry ko pa din...

medyo busy rin kasi...

pero

salamat salamat ng marami sa pagread ng story ko....salamat talaga...

love you all

WHEN HE WAKES UP.......Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon