here na ang request niyo..
pero just what i said..
if we go back to present..
malapit na ang ending..
=========================
Present
Third person POV
Tumayo si Elf mula sa pagkakaupo sa swing. Hinarap niya si Sophy. Tinagnan ito sa mga mata.
"Bakit hindi mo ipagtapat sa kanila ang lahat?" tanong nito kay Sophy.
"I dont get what you're saying, Elf." sagot ni Sophy na nagdedeny.
Humarap si Margarette dito na nalilito. Hindi lang siya maging silang lahat.
"Elf." si Marcus na napasuklay ng buhok. Tumingin kay Elf na para bang isang kalokohan lang ang lahat matapos ay nagpakawala ito ng isang marahas na hininga. "Mauuna na kami." hinawakan sa kamay si Sophy at akmang aalis na.
"Mabuti pa nga." si margarette. "It's getting late. We should go too." dagdag pa nito at akmang aabutin na ang kamay ni Elf upang hatakin pauwi.
Para dito at sa lahat maliban kay Alwy at Sheen ay parang isang pag aaksaya lang ng oras ang pagparito nila. Walang kwenta at kabuluhan.
"Suzanne is dying." Hindi na makatiis na wika ni Sheen.
Napasabunot ng buhol si Alwy.
Napabaling ang naguguluhan at di makapaniwalang tingin sina Yssa at Water.
Ganun na rin si Margarette. At bahagya pa nitong naibuka ang bibig.
Nagulat si Elf pagkakaalam na may nalalaman na sina Kuya Sheen niya.
Nahinto si Marcus sa paglalakad ganun na rin si Sophy.
"That's crazy." natatawang wika ni Sophy. "How could she..I mean is.. ang healthy naman niya diba. Nakita niyo lahat." pagpapatuloy pa nito.
"Let's go." sabi ni Marcus na parang wala lang.
"Marcus, you should ask your parents. They know it." seryosong wika pa ni Sheen. "Sana hindi pa huli ang lahat." at humarap ito kay Elf. "Salamat Elf. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan dito. Keeping it all is not your fault." Bumaling naman siya kay Margarette. "Hatid mo na siya malalim na gabi."
"Tara na Alwy." at nauna na itong maglakad at umalis sa lugar. Nilampasan nito sina Marcus. Pero bago ito tuluyan sumakay ay bumaling ito kay Marcus at nagwika. "Huwag mo sanang pagsisihan ang mga desisyong gagawin mo." "Umuwi na rin kayo Water at Yssa." at tuluyan ng sumakay ng kotse at humarurot paalis ng lugar.
"Hatid ko na kayo Water at Yssa." si Alwy at iginiya na ang dalawa. "Mauna na kami." Lumakad na ito pasakay ng kotse kasunod sina Water at Yssa na tahimik lamang. Hindi na nila nagawang magpaalam pa.
"Tara na din Ate." yaya ni Elf kay Margarette at nauna ng sumakay ng kotse. Tanging tingin lang ang naibigay nito kay Marcus at Sophy at sumunod na kay Elf sa kotse na sumibad na rin kaagad.
Naiwang nakatayo sina Marcus at Sophy. May kahabaan ang katahimikan ang namagitan sa dalawa.
"Tayo na Marcus."Yaya nito kay Marcus at hahawakan sana ang mga kamay nito ngunit nagpatiunang lumakad si Marcus kaya imbis na kamay nito ang mahawakan ay ang hangin ang tila mo naabot nito.
Bahagyang natigilan si Sophy. Pero maya maya ay humabol ito kay Marcus.
Hindi pa man ito nakasasakay sa kotse ay agad pinasibad iyon ni Marcus.
Nahabol na lamang niya ng tingin ang mabilis na pagharorot nito.
Si Sophy na lamang ang naiwan. Nag unahan sa pag alpas ang mga luha mula sa mata nito. Mahigpit na kinuyom ang mga kamao.
I hate you. I hate you Suzanne.
Ang tanging sinigaw ng isip niya.
