Sorry po sa mga typos...hirap po kasi mag type sa cellphone...
Konting chapters nalang ending na...hehehe
=========================
THIRD PERSON POV
"What?!?" hindi makapaniwalang bulaslas ni Margarette kasabay ng malakas na preno na halos magpasubsob sa kanila ni Elf sa kotse. Nanlalaking mga mata siyang tumingin kay Elf.
"You better ask mom and aunties for more Ate. I can't tell it all clearly." sagot ni Elf sa kanya.
"Let's go home." wika ni Margarette.
Kahit na naguguluhan na ito at di makapaniwala ay minabuti nitong kwestyunin na lamang ang ina. Mas magagawa nitong maipaliwanag ang lahat lahat.
Matapos maihatid ang pinsan sa bahay ay mabilis nitong pinasibad ang kotse pauwi.
Kaagad niyang hinanap ang ina at ama upang matanong. Naguguluhan na siya. Nalilito.
Nakasalubong niya ang ina sa hallway ng kanilang bahay. Patungo marahil ito sa baba.
"We need to talk."seryosong sabi niya dito. "I want to know everything. Every single thing Mom." umiiyak na samo niya dito. "Please don't lie."
TUMUNGO NAMAN SA CLUB sina Alwy, Water at Yssa. Kaagad nilang nakita si Sheen sa may counter. Ganun din ang huli. Sinenyasan ito ni Alwy na sumunod kaya kaagad na tumayo si Sheen at sumunod saa mga ito papasok ng pribadong opisina ni Alwy.
"Siguro naman may karapatan kaming malaman ang lahat diba." panimula ni Water.
Habang si Yssa ay nanatiling tahimik lamang. Mabigat ang kanyang kalooban. Alam niya ano man ang malaman ay tiyak na dudurog sa puso nila.
"She's dying. Every single day she's dying." nakayuko na wika ni Sheen. "Every hour, every minute, every second, she's dying." gumaralgal na natinig nito. He can't hold it anymore. The guilt. The pain. The sympathy.
"What kind of friend are we!?!" wika pa ni Sheen.
"PAANO NASALI SI LOLA DITO?" malakas na sigaw ni Marcus.
"Huminahon ka muna Marcus." pagpapakalma ng Mom ni Marcus sa kanya.
"Paano ako hihinahon Mom. For so many years you keep it from us." galit parin na sigaw na Marcus.
"Napatay ng Lola mo ang mga magulang ni Suzanne." madiin na sambit ng Ama ni Marcus. Batid niyang galit ang anak. Pero wala siyang balak sabayan ito sa galit dahil naiintindihan niya ang nararamdaman nito. Kung siya man ang nasa katayuan nito baka katulad nito rin ang maging asal niya.
"Lola did what?" naguguluhan wika ni Marcus. "How?" sunod pa natanong nito. "Why?"
Minabuti ng kanyang ina na ang asawa na ang magpaliwanag sa anak. Nanatili na lamang siya sa tabi ng dalawa. Nasasaktan siya para sa anak. Ngunit sapat na ang ilang taon paglilihim. Dapat na nitong malaman ang totoo.
"Aksidente ang lahat. Hindi sinasadya ng Lola mo ang nangyari." panimula ng ama. Medyo kumalma si Marcus at nakinig sa ama.
"Nasa bakasyon kayo noon sa US ng mangyari ang aksidente." pagpapatuloy ng Ama. "Nagmamaneho ang Lola mo pauwi sa mansyon. May kadulasan noon ang daan dahil umuulan. Malalim na rin ang gabi. Mangilan ngilan lang ang sasakyan. Halos wala nga. Dahil malakas ang ulan at baha rin ang ilang kalsada. Kailangan umuwi ng Lola mo dahil ang Lolo mo ay inatake. Nasa Tita mo ang Lola mo dahil may sakit si Elf." huminto ang kanyang Ama at nagpakalawa ng isang buntong hininga. "Nagmadaling umuwi ang Lola mo. Sa pagmamadali at dahil sa lakas ng ulan at dulas ng kalsada, nawalan siya ng kontrol sa manibela. Huli na ang lahat malakas na sumalpok ang sasakyan niya sa sasakyan sa unahan." tumingin ang kanyang Ama sa kanya nawari mo ay may pinapaalala dito.
"Naalala mo ng pauwiin kaagad kayo dito dahil naaksidente ang Lola mo." tanong ang Ama sa kanya wala sa sariling napatango si Marcus.
Naalala niya. Madali silang umuwi noon at di natapos ang bakasyon nila.
"Namatay ang sakay ng kabilang sasakyan. Samantalang kaunti lamang ang galos ng Lola mo." wika ng Ama niya.
Kumabog ng malakas ang dibdib ni Marcus.
"Ang mga magulang ni Suzanne ang sakay ng sasakyang nabangga ng Lola mo. Dahil sa takot at yaman ng pamilya natin nagawa natin ilihis ang katotohanan at palitan ng kasinungalinan."