NINETEEN

167 5 2
                                    

NINETEEN

Life is really complicated.  The more we want it to be easy the more difficult it turn to be.

 

 

WATER’S POV

 

*yawn* sabay inat-inat…..

 

Hay…….

 

Inaantok pa talaga ako.

 

*yawn*

 

Ano ba naman kasi ang iniisip ni Marcus at pinapunta niya kami dito sa playground ng sobrang aga.  6 am palang kaya. 

*yawn*

 

Inaantok pa talaga ako. 

 

Late na kasi ako nakatulog kagabi kasi inintay ko pa si daddy.

 

*yawn*

 

Gusto ko pa matulog.  Ano na kasing problema nitong si Marcus?

 

Andito na lahat kami at mukhang ang lahat ay inaantok pa maliban kay Marcus na..naku..sobrang energetic..

 

“Ano Nuts, nadala  mo ba yung mga pinapadala ko?” tanong ni Marcus kay Nuts na nakapikit pa ang mata.

 

“Oo.” Inaantok pang sagot ni Nuts sabay inat.

 

Hay….

 

Sino ba naman kasi ang di aantukin…

 

Eh ang aga pa kaya.

 

“Sheen, dala mo.” Kay Sheen naman siya lumapit ngayon.

 

Tumango lang si Sheen at nagpupunas pa ng mata.

 

“Ikaw, Alwy?” bumaling naman siya kay Alwy.

 

“Eh…” napakamot ng ulo si Alwy.

 

“Huwag mong sabihin nakalimutan mo?” nanlalaking mga matang tanong ni Marcus.

 

“Parang ganun na nga.” Alanging sagot ni Alwy sabay yuko.

 

Eto na naman kami lagi nalang may nalilimutan yang si Alwy.  Hay..buhay nga naman…

 

WHEN HE WAKES UP.......Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon