TEN
MARCUS’ POV
Simula nun araw na makita ko ulit siya matapos ang sampung taon, hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko. Ang tanging alam ko lang ay galit ako sa kanya. Hindi ko alam kung papaano siya patawarin. Ang sampung taong nagdaan ay hindi sapat para maibaon ko sa limot ang nakaraan.
Maganda pa rin siya na tila mo ay walang nagbago pero tama sila mas gumanda siya. Ang kagandahang luminlang sa akin. Binulag ako sa mga kasinungalingan. Pinagkatiwalaan at minahal ko siya ng sobra pero niloko niya lang ako. Bakit ba ako naniwala at nagtiwala sa kanya? Bakit ba ako nagpakatanga sa pagmamahal sa kanya? Bakit ganun anuman kalimot ang gawin ko sa kanya ay hindi siya matanggal sa isip ko lalo na ngayon? Mas lalo niyang pinagulo ang isip ko.
Galing kami ni Sophy saa Baguio may meeting kasi ako. Imbes na asawa(asa siya!) o secretary ang kasama ko, hindi kundi si Sophy. Bakit ba kami magtatago eh alam na alam naman ng lahat ang estado namin lahat? Si Sophy ang mahal ko. Yung ang sabi ng isip at…….puso ko. Magtatagal ba namin kami ng ganito kung hindi ko siya mahal?
Inabutan kami ng mapakalakas na ulan kaya no choice ako…since yun bahay na yon ang pinakamalapit dun nalang kami magpapalipas ng gabi. Bakit? Bahay ko rin naman yon ah. Kaya kahit sino pwede kong iuwi dun. Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba.
“Good evening, Manang Lucing!” batik o sa yaya ko simula pagkabata ng salubungin niya ako sa pintuan. Siya na ikalawa kong nanay.
“Good evening din hijo! Masaya ako at umuwi ka ditto. Aba! Simula ng ikasal kayo ay hindi ka man lang umuwi ditto. Ikaw talagang ka. Buti nalang at nagluto ako ng sopas. Dali halina sa kusina at pinaghahanda kita ng sopas. Mainit pa yon.” mahabang sabi ni Manang.
“Ah, manang kasama ko po si Sophy.” Sabi ko habang sumusunod sa kanya. Nakapasok na rin si sophy sa loob.
Pero parang wala si manang narinig. Tuloy-tuloy lang siya papasok ng kusina. Tulad ng daddy ayaw na ayaw niya rink ay sophy dahil sa kung anu-anong kasinungalingang dahilan. “Sana hindi mo siya dinala dito.” May pait na wika ni manang.
“Manang naman.” Malambing at tila mo nagtatampo kong sagot sa kanya.
“Kung hindi lang siya matanda sakin.” Sabi ni Sophy ng makaupo na kami sa mesa. “Pasalamat siya at iginagalang ko pa rin siya. Napakabastos at walang modo. Parang lumaki siyang walang pinagkatandaan.” Galit at inis na sabi ni Sophy.
“Pagpasensyahan mo nalang. Hayaan mo at pagsasabihan ko.” Ako. Hindi ko siya masisi kasi simula noon hindi talaga maganda ang pakikitungo sa kanya ni manang.
“Ana” tawag ko sa isa sa mga katulong ditto. Kahit hindi ako nakatira ditto kilala ko ang mga tauhan dito. Siyempre sa mansion sila lahat nanggaling. “Pakilinis at ayos ng master’s bedroom. Dito kami ngayon matutulog.”
“Opo sir.”
Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba..Eh ano kung si Sophy ang itulog ko dun at hindi Siya? Simula naman sinabi ko na sa kanya na wala akong pakialam sa Kanya at wala Siyang karapatan sa akin. At kahit hindi ako umuuwi dito sinabi ko sa Kanya na wag na wag siyang matutulog sa Master’s bedroom at sa guest room lang Siya. Huwag Siyang umasa.
Ilan lingo narin ang nakakalipas simula ng ikinasal kami at pagkatapos nun hindi ko pa Siya muling nakikita. Naiinis ako kasi bakit ganun pa rin ang pakitungo ng pamilya ko sa Kanya. Parang wala Siyang kasalanan at parang wala lang yong nangyari noon.