THIRTEEN

180 8 0
                                    

im sorry if it took so long bago nag update...nasira kasi laptop eh....medyo busy-busyhan din

______________________________________________________________________________

THIRTEEN

NUTS’ POV

Tinapos ko lahat ng appointments ko sa US at nagmadaling umuwi dito sa Pilipinas.  Nang binalita sa kin ni daddy ang lahat ng tungkol sa pagkakasal nina Marcus at Suzanne, agad-agad akong nagmadali kahit mayroon importanteng bagay akong inaasikaso.  Isa akong doctor dito sa US.   Simula ng gumagraduate ako ng college, ginamit ko lahat ng connections ng pamilya ko para makapasok sa hospital na ito.   Mabuti nalang at isang sikat na Pharmaceutical Company ang pagmamay-ari ng pamilya ko.  Kaya naman agad-agad akong nakapasok dito.  Isa ito sa pinakamagandang hospital sa buong mundo.  Kompleto sa mga modernong kagamitan at mayroon mga bihasa, mahuhusay at kilalang doctor ang hospital na ito.  Dito talaga ako pumasok dahil sa isang rason.  Gusto kong tulungan siya.  Ito nalang kasi ang tanging bagay na maitutulong ko sa kanya.  Hindi biro ang bayarin sa hospital na ito.  At sa loob ng sampung taon, tanging sa hospital na ito umiikot ang mundo ni Suzanne.  Kailangan ko siya ngayon pumuntahan dito sa Pilipinas at kausapin ng masinsinan.  Kailangan ko siyang mapilit at yayain pabalik sa US. Wala akong pakialam sa sasabihin nila.

“Hi Nuts! Long time no see.  Kamusta?” masiglang sa sulubong sa kin ni Water sabay kiss sa pisngi ko. 

“Heto ayos lang.”  sagot ko.  Mga kaibigan ko rin sila.  At kasama ako sa barkadang ito.

“Dumating Siya.  Alam mo na ba?” tanong sa kin ni Sheen sabay inom ng wine.

Andito nga pala kami ngayon sa 35th Anniversary nina Tita Olga. Mukhang wala pa ditto si Suzanne.  Ako lang sa barkadang ito ang nakakatawag sa kanya sa pangalan niya.  Simula ng nangyari ang bagay na yon.  Hindi na nila mabigkas ang pangalan niya.  Dala narin ng matindi nilang galit sa kanya.

“OO.” Maikli kong sagot.  Ang totoo niyan wala silang alam na magkasama kami ni Suzanne sa US.

“Look who’s here!” turo ni Margarette sa may pinto.  Lahat kami napatingin don.  “Ang kapal talaga ng mukha.  How dare her to show her face here!”

Mag-isa lang siya.  Si Marcus? Ayun kasama si Sophy.  Para nga sila ang mag-asawa eh.  Tuluyan na siyang pumasok.  Lahat ng tao napatingin sa kanya.  Nakita ko si Marcus na natigilan sa pag inom at napako na ang mata sa kanya.  Napakaganda niya talaga.  Bagay sa kanya ang suot niyang pink knee length semi balloon gown. 

“Grabe noh.  Hindi man lang talaga siya inescort ni Marcus.” Narinig kong sabi sa likuran namin.

“Wala tayong magagawa ganun talaga eh. At saka isa pa siya rin naman may kasalanan.” Sabi nun kausap.

Sinalubong siya ni Gray at inakay papunta kina tito at tita…lahat parin ng atensyon na sa kanya siguro nag-iintay ang lahat sa mangyayari…

“Mahirap talagang ipilit kapag ayaw na sayo ng isang tao.” Patuloy sa pag-uusap nun nasa likuran naming.

“Pero alam mo mas maganda talaga siya kesa kay Sophy.” Komento nun isa pa.

Totoo…noon paman mas maganda talaga siya kay Sophy. 

========

Kailangan ko na siyang makausap..papalapit na ako sa kanya ng…

“OOOPs!  Sorry.” Sabi nun girl 1.  Nakita kong napaupo si Suzanne sa sahig sa lakas ng pagkakabunggo sa kanya ng babae.  Mukhang sinadya ito nun babae.  Lahat ng atensyon nabaling sa kanila

“Hindi ka kasi tumitingin sa dinaraan mo!” mataray na sabi ng girl 2.

HAHAHA… tawa nun dalawa…may narinig din akong tawa sa iba..

“Buti nga sayo. BITCH” girl 1.

Lalapitan ko na siya ng biglang may pumigil sa kin at nakita ko si Margarette hawak ang braso ko.

“Hayaan mo siya” sabi ni Margarette.

Alam ko simula ng dumating siya dito.  Lahat ng sinasabi sa kanya ng mga tao kapwa maganda at masama ay wala siyang anuman reaksiyon.  She take it all.  Everything.  Wala siyang pakialam…

“Hayaan mong ipagtanggol niya ang sarili niya” si  Alwy.

“Alam mo ang weird mo.” Sabi nun girl 1 sa malakas na tinig.  Mukha naman nilakas niya para mapakinggan ng lahat.  “Bakit wala ka man lang reactions sa mga sinasabi?  Does it mean na totoo lahat yon.  You know..silence means yes..ang kapal-kapal nga ng mukha mo..imbes na tanggihan or even make something para di sana natuloy wedding niyo, eh wala ka man lang ginawa.  You let all those things happen.  Ang tagal mo nang nawala bakit kailangan mo pang bumalik dito at sirain ang relasyon nina Marcus at Sophy?”

“Maybe ikaw nagsabi kay Don Carlos about sa testament na yon.” Girl 2.  “What a Bitch you are!  Hindi ka na nakuntento kay Marcus noon at pati si Don Carlos inakit mo. Kaya siguro ang laki-laki ng galit nila sayo.”

Ang tahimik parin ng mga tao sa paligid mukhang lahat sila nag iintay ng sagot mula sa kanya.  Ever since she never gave any comments on it.  She did keep all her silence. 

“What have you done? At parang ang bait-bait pa rin ng pamilyang yan sayo.  Did you blackmail them?” girl 1.

Lahat ng mga balita noon at hanggang ngayon ay puro kathang isip lamang at gawa-gawa ng taong yon.

I see her.  She’s starting to stand up ng..

“Tumayo ka diyan.” Si Marcus.  Hinawakan at itinayo niya si Suzanne.  Napasinghap yun mga tao at nagulat.  Kahit ako nagulat.  I never thought that he will do that.  Natigilan yun dalawang babae.  “Are you alright?” Marcus asked her with those tones that he had used those old times..why?

“Kung wala kayong magawa.  You better shut your fucking damn mouth!” galit niyang sabi nun sa dalawang babae.

“Halika na.” sabi niya kay Suzanne. At akmang hahawakan niya ang kamay nito ngunit mabilis na naiiwas ni Suzanne.  Mukhang nagulat si Marcus sa reaksiyon niya.

“You don’t have to pretend that you care.  Hindi kasi bagay sayo.  Hindi mo naman kailangan gawin ang bagay na yon dahil karapatan sa isa’t-isa.  Sa papel lang ang kasal natin.  At mananatili lang yon dun.  Aminin man natin at sa hindi pareho naman natin pinapakinabangan yon.  I’m not your responsibility.  Don’t act as if you care.”  She said with her emotionless and cold voice.  Then she face the two girls.  “Why would I waste my time to speak to you?  If you’re gonna assure me na kapag nagsalita ako it will change that thing…I will speak up to your heart contentment pero kung hindi,  hinding hindi ko sasayangin ang oras ko ni ang laway ko sa mga walang kwentang bagay-bagay kung meron naman mas importanteng nangangailangan nun.”  Tumalikod siya at naglakad pabalik papunta kina tita.

“Mauuna na po ako” sabi niya kina tito John.

“Ako na po maghahatid sa kanya.” Sabi ko at lumapit sa kanya para alalayan siya.

“Ikaw na bahala sa kay Suzanne, Nuts.” Sabi ni tito John

“Kaya ko na sarili ko”.  Sabi niya

“Magpapahatid ka kung ayaw mong Makita ka nila na magcollapse jan.” sabi ko at inalalayan ko na siya.  Umalis kami sa party ng di na siya nagsalita.  

WHEN HE WAKES UP.......Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon